Kinaumagahan ay maaga akong nagising at naghanda para sa pagpasok sa klase. Ngayon pa lang ay sumasakit na ang ulo ko sa dami ng outputs na kailangan kong ihabol dahil nga isang linggo akong absent. “Maaga ka yata ngayon,” pansin sa akin ni mama nang bumaba na ako sa hapag kainan. “Kailangan, Ma. Back to reality na po ako at maraming kailangang ihabol na mga schoolwork,” sagot ko habang kumukuha ng plato. “Eh, hindi pa luto itong sinangag. Iyang bagong lutong kanin na lang ang kainin mo. O, si Joyce nga pala, hindi pa ba sasabay sa iyo?” ipinagpatuloy na niya ang ginawang pagluluto pagkatapos magtanong. “Nakiligo lang dito, Ma, pero umalis na rin agad. Wala kasi siyang dalang uniform at wala rin iyong mga gamit niya rito. Eh, kasi nga, ‘di ba nagmamadali lang pumunta rito kahapon para

