Chapter 4 The Prize

1693 Words
Vera’s POV Malamig ang buong studio dahil fully-airconditioned ang buong lugar. Pero dahil sa matinding nerbyos ay pinagpapawisan ako at maging ang mga kamay ko. Lalo pa ngang tumindi ang pagdagundong ng dibdib ko nang muling umere ang palabas. Tapos na iyong commercial break kaya announcement of winners na. Sa totoo lang, gustong-gusto ko talagang manalo rito para makasama si Keister sa isla. Marami akong gustong itanong sa kaniya, at gusto ko talaga siyang makilala bilang tunay na tao. Iyong totoong Keister Claude Del Cueva at hindi iyong celebrity. Kahit kasi nakangiti siya sa harap ng screen ay pansin kong tila may nakatagong lungkot sa mga mata niya. “And now, the moment we are all waiting for! The announcement of lucky winner for today’s Online Love competition!” anunsiyo ng lalaking host. “Tama ka riyan partner. I’m sure excited na ang lahat, lalo na si KC. Siyempre gusto na niyang malaman kung sino ang magiging Island girl niya for three days!” segunda naman noong babaeng host. Lalong nanlamig ang mga kamay at paa ko. “Alright. So, without much ado, let’s announce the winner! Hawak ko na ang red envelope na naglalaman ng resulta!” excited pang saad ng host. Unang tinawag ang third at fourth runners-up. Pagkatapos ay isinunod iyong second runner-up. Pakiramdam ko hihimatayin na ako sa matinding kaba nang hindi ako matawag sa second runner-up. Ngayon ay dalawa na lang kaming natitira. “Ngayon naman partner, tatawagin ko na ang first runner-up! At siyempre, kung sino ang pangalang hindi matatawag ay awtomatikong siya ang nagwagi sa ating patimpalak ngayon!” naghiyawan at nagpalakpakan ang mga taong nasa labas nang ideklara iyon noong babaeng host. “Kinakabahan din ako!” natatawang komento naman noong lalaking emcee. “And, for our first runner-up, our winner is none other than… contestant number… Two!” sabay na pahayag ng mga hosts. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. “Oh, God! I won, I won!” lumuluhang usal ko sa loob ng cubicle. “Wow, napakaganda pala nitong si contestant number two!” natigilan ako sa pag-iyak nang marinig ang papuri ng mga hosts. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at inayos ang sarili ko. Nakakahiya naman kasi baka nga sobrang ganda no’ng hindi nanalo. Tapos ako naman itong nanalo, eh, mukhang basahan. Mabilisang pag-a-apply ng face powder at lipstick ang ginawa ko. Pagkatapos ay inihanda na ang sabihin ay naririyan na iyong mga magbubukas nitong cubicle. Naiiyak na naman ako dahil sa masidhing katuwaan. “Our grand winner for Online Love is… contestant number five!” sa wakas ay anunsiyo ng mga hosts. Unti-unting bumukas ang pintuan ng cubicle na kinaroroonan ko at bahagya pa akong nagtakip ng mata. Sobrang liwanag pala kasi sa labas nito dahil sa dami ng ilaw. “Oh, my gosh! Super-duper pretty naman pala ang ating winner! Ang galing namang pumili ni KC!” may halong kilig na papuri ng mga hosts. Inalalayan ako ng mga crew para pumunta sa gitna. Maluwang ang pagkakangiti ko at agad kong hinanap si Keister. Dumagundong ang dibdib ko nang makita itong umaakyat sa stage at may dalang malaking bouquet ng mga bulaklak. Tila magnet na napatitig ako sa mga mata niya. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na siya ngayon. “Hi, what’s your name?” Nanatili lang akong nakatingin sa mga magaganda niyang mata at nakikipagbaka sa mabilis na tib*k ng puso ko. Ang guwapo niya, s**t! “Mukhang natulala na ang ating winner at hindi na makapagsalita!” natatawang komento ng babaeng host kaya para akong nagising mula sa isang panaginip. Nagtawanan kasi ang mga taong nasa paligid kaya lalo akong nahiya. Ngayon ay pulang-pula na ang mukha ko. Nakakahiya! Nagmukha pa yata akong tanga sa harap ni Keister! Sigaw ng utak ko. Mabilis kong inayos ang sarili at tumingin muli kay Keister. “I ask for your name?” malambing niyang tanong sa baritono niyang boses. Muli ay nablangko ang utak ko pero sinikap kong umayos. Nasa national TV kami ngayon kaya hindi dapat ako magmukhang ewan dito. “I am Vera. Vera Zen Diaz,” halos hindi humihingang tugon ko. Ang hirap pala kumalma kapag ganito na siya kalapit sa iyo. Ang bango-bango niya tapos ang ganda-ganda ng mga mata. Iyong mga labi niya, parang ang sarap halikan. “Nice to meet you, Vera. I’m KC Del Cueva,” pakilala nito sa sarili. Lumapad pa lalo ang ngiti ko. “I know. Idol kita, eh!” hindi ko napigilang masambit. Sana lang hindi ako mukhang pabebe ngayon. “Congratulations, Vera!” sabi niya at iniabot sa akin ang bulaklak na dala niya. Kasunod din niyon ay ang pagbibigay pa nila sa akin ng iba ko pang mga premyo. Tuwang-tuwa ako hindi lang dahil sa mga iyon, kung hindi dahil sa makakasama ko si Keister ng ilang araw. Iyon ang totoong jackpot! Nang hapon ding iyon ay kinausap ako ng management at ipinaliwanag ang mga dapat kong gawin. Nakakalungkot lang dahil umalis na agad si Keister pagkatapos ng show. Dahil sa sobrang kahibangan ko, nakalimutan kong magpapicture kasama siya. Sabagay magkikita rin naman kami sa island soon. “So, Miss Diaz, tatlong araw iyon na mananatili kayo sa isla. Lahat ng gagawin ninyo roon ay kukuhanan ng video. Magsisimula ang pagkuha ng video alas-otso ng umaga hanggang alas-otso ng gabi,” dagdag paliwanag pa ni Mr. Alonso. Siya pala iyong in-charge sa dating activities ng show. “Naiintindihan ko po,” nahihiya kong sagot. “And one thing more. Alam mo namang bigating tao si KC, kaya kapag may mga demands siya or ayaw na mga parts ng activities, tayo ang mag-a-adjust, okay? Sana malinaw sa iyo iyon,” bilin pa nito. Tumango-tango naman ako sa kaniya. “Naiintindihan ko po. Kailan po ba iyan gaganapin? Saka saang isla po?” natanong ko. May kinuhang papel si Mr. Alonso na galing sa assistant niya. “Bago ang lahat, kailangan mo munang pumirma rito sa non-disclosure agreement. Nakasaad na riyan iyong mga bagay na hindi mo puwedeng sabihin sa iba,” pagbibigay-alam niya sa akin. kinuha ko ang mga dokumento at binasa ng maigi. Wala naman akong nakitang problema kaya pinirmahan ko na rin iyon. Dalawang araw pa ang lumipas at ngayon na nga ang biyahe namin papunta sa isla kung saan isasagawa iyong mga dating activities. Sa loob ng dalawang araw na paghihintay ay halos hindi ako makatulog sa matinding excitement. Inilista ko talaga iyong mga gusto kong itanong sa kaniya kapag nagkita na kami ulit doon. Mahigit isang oras lang iyong naging biyahe sa eroplano at narating na namin ang Isla Karim. Nasa pagitan lang pala ng Visayas at Mindanao ang isla na ito. Napakaganda ng lugar at talagang sobrang sarap magbakasyon dito. Hindi bukas sa publiko ang Isla Karim dahil pribadong pag-aari ito ng isang mayamang business tycoon. Kaibigan daw ito noong may-ari ng show kaya pinayagang ipagamit sa amin. “Vera, this is Tanya Sebastian. She will be your assistant here in the island for three days. I-a-assist ka niya sa lahat ng mga kakailanganin mo. Kung may tanong ka or clarifications, sabihin mo lang dito kay Tanya at siya na ang magpaparating sa amin,” bilin naman ng isang PA. Grabe ang dami naman palang kailangang gawin at isasaalang-alang sa paggawa ng mga ganitong show. Parang ang saya-saya lang panoorin sa internet sites pero mahirap din palang gawin sa totoong buhay. “Hi, Tanya! Ako si Vera,” pakilala ko sa sarili. Ngumiti naman ito at tumango. “Nice to meet you, Miss Vera. Congratulations!” bati naman niya sa akin. lumuwang ang ngiti ko at tumango. “Salamat. Ilang taon ka na pala, Tanya?” natanong ko. May ibinilin lang iyong PA na naghatid kay Tanya sa akin, pagkatapos ay iniwan na kami. “Twenty-eight years old na ako. Ikaw?” balik tanong niya. “Twenty lang ako,” nahihiyang sagot ko. “Bata mo pa pala. Uy, ang suwerte mo, ah! Sabagay, suwerte rin naman iyong si sir Keister kasi ang ganda-ganda mo. Mas maganda ka pa nga kesa sa ibang artista, eh,” mabilis na namula ang mukha ko sa mga papuri niya. Hindi ko tuloy alam kung paano magre-react. Sobra-sobra naman yata iyong sinabi niya. “Hindi naman. Ikaw, ah, ngayon palang tayo nagkakilala binobola mo na ako!” pabirong sambit ko. Natawa naman siya at umiling. “Hindi bola iyon. Maganda ka naman talaga, eh. Wala ka pang make-up niyan, ah! Iyong ibang mga babae nga hindi makalabas kapag hindi naka-make up. Pero ikaw tingnan mo, natural na natural ang ganda mo,” pamimilit pa niya. Natawa na lamang ako sa mga sinabi niya. Pagkatapos nang maikling pag-uusap ay nag-ayos na kami ng gamit. Magkaiba kami ng kuwartong tutuluyan ni Tanya pero kapag kailangan ko siya ay madali lang naman siyang tawagan. Bukas pa magsisimula iyong taping kaya libre pa kaming makapaglibot at mag-relax buong maghapon hanggang gabi. Nagpalit ako ng simpleng dress na bulaklakin saka nagsuot ng sumbrerong pang-beach. Walang tao nang lumabas ako. Marahil ay nagpapahinga ang iba dahil napagod sa biyahe at pagse-set up ng mga gamit. Napadaan ako sa isang pasilyo kung saan patungo ito doon sa may mini garden. Pero nagulantang ako nang biglang may humaklit ng braso ko at sapilitan akong ipinasok sa isang silid. Balak ko palang sanang sapakin at sipain kung sinumang siraulo ang humila sa akin pero natigilan ako. “Keister…” pabulong kong nausal. Isinandal niya ako sa dingding at ang dalawang matitipuno niyang braso ay nasa magkabilang gilid ng ulo ko. “Let’s talk,” sambit nito. Titig na titig siya sa mukha ko. “Mag-uusap lang pala bakit nanghihila ka pa? Puwede mo namang sabihin nang maayos?” kahit labis na kinakabahan ay nagawa ko pa ring masabi iyon. Tumaas naman ang kilay niya at tila naaaliw akong nginisian. “Ayaw kong may makakita. Saka hindi ko naman inaasahang makikita kita,” bulong niya, saka inilapit ang mukha sa akin. Hindi na ako mapakali dahil ilang pulgada na lang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa. Halos maduling na ako at dinig ko na rin ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD