Chapter 5 Dream Come True

4300 Words
“Ayaw kong may makakita. Saka hindi ko naman inaasahang makikita kita,” bulong niya, saka inilapit ang mukha sa akin. “Ah, teka lang. Puwede bang lumayo ka ng kaunti sa akin kasi sobrang lapit mo,” kinakabahang pakiusap ko sa kaniya. Kapag hindi pa siya lalayo sa akin ay siguradong hihimatayin na ako rito. Lord, please help me! “Ayaw mong ganito ako kalapit sa iyo?” nakangising tanong niya. Muli na namang kumabog ng mas malakas ang dibdib ko kaya ako ay napalunok. “Kinakabahan kasi ako kapag ganito kalapit,” alanganing tugon ko. Mahina siyang tumawa kaya natulala ako. Grabe, sobrang guwapo niya. Tapos ang bango pa ng hininga kaya para akong lalong nalalasing. Dati, kapag may mga fan meeting pinag-iipunan ko talaga para lang makapunta sa venue. Kaya lang never akong nakalapit ng ganito kasi nga mahal ang bayad sa VIP ticket. Aba, kaunti na lang buong tuition ko na iyon sa isang sem. “Kinakabahan? Bakit ka naman kakabahan? Mukha ba akong nakakatakot?” tanong niya pero mabilis akong umiling. “Hindi, ah! Bakit ka naman nakakatakot, eh, ang guwapo-guwapo mo!” Napakagat ako sa pang-ibabang labi sa naisagot ko. Napapikit ako dahil bigla akong nahiya. Ano ba iyan. Nahalata pa yatang atat na atat ako kahit iyon naman talaga ang totoo. “Sabi mo sa interview, idol mo ako. Ano namang nagustuhan mo sa akin?” Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Seryoso? Nagtatanong pa talaga siya ng ganiyan, eh, lahat ng bagay na maganda ay nasa kaniya na. Paanong hindi ko siya magugustuhan? “Lahat. Lahat-lahat tungkol sa iyo gusto ko. Mula sa pisikal na katangian, iyong katalinuhan mo sa negosyo at pagsasalita. Basta gano’n,” parang nahihibang kong sagot dahil nakangiti ako sa kawalan habang nagsasalita. Naging bahagi na ng buhay ko ang pagpantasyahan si Keister na gaya ng ibang mga kababaihan. Hindi siya singer o sikat na artista pero dahil sa layo at lawak na nang narating ng career niya ay mas sikat pa nga siya sa mga ibang artista. “You’re very innocent, yet so pretty, Vera,” tila hirap niyang sambit habang nakatitig sa mukha ko. Hindi ko maintindihan iyong kakaibang lambong sa mga mata niya. Pero, s**t! Tinawag niya akong pretty. Puwede na ba akong himatayin tapos mahulog sa matitipuno niyang bisig? “Puwede ba kitang halikan?” Suminghap ako at doon na ako napatanga. Ano raw? Si Keister ba talaga itong kaharap ko? Tapos gusto niya akong halikan. Panaginip ba ito? O baka nag-iilusyon lang ako at malapit na akong masiraan ng ulo? “H-ha?” halos huminto na ako sa paghinga nang mas lalo niyang ilapit sa akin ang mukha niya. “I said, I want to kiss you. Parang ang sarap-sarap mong halikan,” malambing pa niyang sabi kaya nagkagulo-gulo na lalo ang isip ko. Hindi ako nakaimik at nanatili kaming nagtititigan sa loob ng ilang segundo. Naririnig ko na rin ang malakas na t***k ng puso ko at dama ko ang tila paruparong kumikiliti sa tiyan ko. “Ayaw mo?” taas ang kilay niyang untag sa akin dahil hindi na ako nakapagsalita. “Ah, ano… ano, kasi…” s**t! Paano ko ba sasabihin sa kaniyang wala pa akong karanasan sa ganito? Pero kung siya ang magiging first kiss ko, why not, ‘di ba? Siguradong mababaliw si Joyce kapag malaman niya ito. “What? Don’t tell me you’re refusing me?” tila nanunudyong tanong niya. Mabilis naman akong umiling. Ano ba? KC Del Cueva na ito, ano! Mag-iinarte pa ba ako? Maraming babae ang magpapakamatay para lang mapunta sa puwesto ko ngayon. Kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataon kasi baka magbago pa ang isip niya. “Ah, kasi nahihiya ako. I mean, hindi naman tayo personal na magkakilala para maghalikan,” nahihiyang sabi ko. Pero sa likod ng isip ko, sana ituloy pa rin niyang halikan ako. Sinabi ko lang iyon para hindi naman niya isiping pakawala akong babae. Dumiretso siya ng tayo at hindi makapaniwalang tiningnan ako. Pagkatapos ay unti-unting ngumiti. “Come to my room,” yaya niya sa akin at banayad na hinila ang kamay ko. Noong una ay natulala na naman ako at kumurap-kurap. Tila naaaliw niya akong nilingon kaya nagpatianod na lang ako at sumunod sa kaniya. Bahagya akong napapikit nang makapasok na kami sa kuwarto niya. Pero nagulat ako nang bigla niya akong isandal sa dingding at paglapatin ang mga labi namin. Hindi agad ako nakagalaw at namilog ang mga mata ko. Hindi gumalaw ang bibig niya noong una. Ngunit noong mapansin niyang tila yata nakabawi na ako sa pagkagulat ay unti-unting gumalaw ang malalambot niyang labi. Shit! Ang sarap niya humalik. Wala sa sariling napapikit ako at ginaya ang galaw ng mga labi niya. Kahit wala pa akong karanasan sa paghalik ay totoong nasasarapan ako sa ginagawa niya. Umingay ang halikan namin nang lalo itong lumalalim at maging agresibo. Napasinghap ako nang buhatin niya ako at ipulupot sa baywang ang mga paa ko. Grabe! Nawala ako sa sarili nang bumaba ang halik niya sa leeg ko. May kung anong mainit na bagay ang gumapang sa katawan ko pababa sa p********e ko. Ni minsan sa buong buhay ko ay hindi ko inakalang makakaramdam ako ng ganito. Iyong parang lumulutang sa alapaap ang diwa ko habang nag-iinit ang pakiramdam ko. Muli niyang sinibasib ng halik ang mga labi ko at patuloy lang din ako sa pagtugon. Hanggang sa maramdaman kong lumakad siya habang buhat-buhat pa rin ako at inilapag sa malaking kama. Malabo na ang pag-iisip ko at nakatuon na lang ang pansin ko sa matinding sensasyon ng mga paghalik niya sa akin. Ni hindi ko namalayang naibaba na niya ang dress ko. “Ahh! Oh my God!” nabulalas ko nang kulungin ng mga palad niya ang dalawang dibdib ko. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang simulan niyang imasahe ang mga iyon habang walang tigil akong hinahalikan. Nananakit na ang mga labi ko sa diin niyang humagod sa mga labi ko. “So, tell me, Vera, when was the last time you had s*x?” sensuwal na tanong niya pero parang hindi gumagana ang utak ko lalo na nang dumiin ang pagpisil niya sa mga dibdib ko habang ang daliri niya ay nilalaro ang tuktok ng mga ito. “Oh…” napaungol ako kasabay nang pagkagat ko sa pang-ibabang labi ko dahil sa sensasyong idinulot sa akin ng ginagawa niya. We are just supposed to be sharing information about each other, but we ended up doing something else instead. “I’m asking you, baby,” he whispered and gently bit my earlobe. Paano ko ba sasabihin sa kaniyang wala pa akong karanasan at ito pa lang ang unang beses na hinayaan kong halikan at damahin ako ng isang lalaki sa ganitong paraan? Then, I felt his hand make its way to the hem of my underwear and ripped it without a warning. “What the–” nalunod sa lalamunan ko ang iba ko pang sasabihin nang maramdaman ko ang mabining paghaplos niya sa sensitibong bahagi ng aking katawan. I felt the strange sensation down there especially when he rubbed my now swollen bud, and I felt my folds getting moist. “Damn, you’re so ready, baby. Do you want me now?” he asked in a very sexy and seductive way. I don’t even know how to answer that because my mind is in haywire now. “Ah…” I heard myself whimper when he inserted one finger in my dampen hole. s**t! Ano bang ginagawa niya sa akin at tila lalong nag-iinit ang pakiramdam ko sa mga paghaplos niya? Binawi niya ang daliri at bahagya pa akong napangiwi dahil medyo mahapdi iyon. Dumilat ako at nakita kong kunot-noo siyang nakatitig sa akin. Kung para saan ang pagtataka niya ay hindi ko alam. I thought that was it, but his next move put me in complete shock when he lowered his head down and delved to my now dripping core. Diyos ko! Hinahalikan ako ni Keister sa ano ko. Nakakabaliw iyong init ng hininga niya na lalong nagpapabasa ng p********e ko. Tinakpan ko ang mukha ko dahil parang gusto ko ng sumigaw sa sobrang sarap ng paghalik niya sa akin doon. Nanginginig ang mga tuhod ko at naninigas ang mga daliri ko sa paa. What was just happening here? My breathing was completely gone on a wrong direction when he started licking my center and making my whole-body shiver in so much volt of electricity. Pakiramdam ko’y may apoy ang dugong dumadaloy sa mga ugat ng katawan ko. Kahit sa hinagap ay hindi ko inakalang may isang lalaking gagawa sa akin ng ganito. Tapos si Keister pa? This is crazy and I know I am a complete insane because I like it. I like it to the point that I will cry if he stops what he’s doing now! “Such a sweet treat!” he groans and positioned himself in my center as he spread my legs wider. Bigla akong kinabahan. Ngayon na ba ako mawawasak? “Look at me!” utos niya habang marahang ikinikiskis ang dulo ng kahandaan niya sa init na init na gitna ko. Hirap man ay sinunod ko ang gusto niya. Tiningnan ko siya sa mga mata hanggang sa maramdaman ko ang unti-unti niyang pagpasok sa akin. “Woah!” my breathing hitched as I felt the stinging pain when he inched further inside me. He was also surprised. “Oh, f**k! You’re a… you’re a virgin?” he asked in a husky voice, but I can’t look at him anymore. Habang unti-unti siyang dumudulas papasok sa akin ay lalo kong nararamdaman ang pagsirit ng hapdi sa kaibuturan ko. Kung kanina ay nagugustuhan ko ang ginagawa niya, ngayon naman ay mas gusto kong huminto na lamang siya dahil parang hindi ko kakayanin ang sakit gayong kalahati pa lang naman talaga ang naroroon. Muli kong tiningnan ang mukha ni Keister pero biglang lumabo ang lahat sa akin. Unti-unti’y parang lumalayo ang lahat at dahan-dahang nawawala. Malakas akong suminghap nang magising. Panaginip? Panaginip lang pala! Nakapa ko ang noo ko at pawis na pawis ako. Napagdikit ko ang mga hita ko dahil tila may kiliti akong nararamdaman mula roon. Basa ako! Wet dreams na ba iyon? s**t! “Buwisit na iyan! Akala ko totoo na!” nabulong ko sa sarili. Bigla ay nakaramdam ako ng panghihinayang. Ang sabi ko kanina ay iidlip lang ako saglit saka mamasyal muna ako pero hindi ko akalaing nakatulog na pala ako nang mahaba. Tapos iyong panaginip ko? Damn it! Parang gusto kong batukan ang sarili ko. Gano’n na ba talaga ako kaatat kay Keister at naibigay ko agad ang sarili sa panaginip ko? Bakit gano’n? Kahit panaginip lang iyon, parang totoong-totoo? Napangiti ako kasi doon sa panaginip ko ay kinain niya ako. Lalo kong pinagdikit ang mga hita ko. Kahit panaginip lang iyon, pakiramdam ko ay naroroon pa rin iyong mainit niyang hininga. Bumangon ako at itinali pataas ang buhok ko saka lumabas. Nasalubong ko pa si Tanya na may pagtatakang tumingin sa akin. “O? Akala ko ba kanina ay mamasyal ka muna rito sa isla?” napangiti ako sa tanong niya. “Oo nga, eh. Napaidlip ako,” sagot ko naman. Pero laman pa rin ng isip ko iyong panaginip ko kanina. “Medyo maaga pa naman. Puwede ka pa rin namang mamasyal,” sabi niya sa akin. “Thanks,” tugon ko at nagpaalam na siya dahil mayroon pa raw siyang gagawin. Lumubog na ang araw at sadyang madilim na ang kalangitan. Tanging ang ilaw na nanggagaling sa mga cottage namin ang nagbibigay liwanag sa paligid. Bumalik ako sa silid ko at kumuha ng shawl. Medyo malamig kasi ang hangin sa labas at ayaw ko namang magkasakit ako. Dapat ay masulit ko ang tatlong araw na kasama ko si Keister dito. Naglakad-lakad ako sa tabing dagat. Ang ibang crew at staff ay may kani-kaniyang puwesto rin sa gilid at mayroon na ring nag-iihaw. Luminga-linga pa ako sa paligid dahil baka sakaling mahagip man lang ng mga mata ko si Keister. Ngunit bumuntong-hininga ako nang hindi ko siya matanaw kahit saan. “Ay, palakang bukid!” Tili ko nang bumangga ako sa malaking bulto ng tao. Nakatingin kasi ako sa ibang direksyon at paglingon ko para ipagpatuloy ang paglalakad ay bumangga naman ako. Tumingala ako para tingnan kung sino ang nabangga ko. Hindi ko namalayan ang pag-awang ng bibig ko nang mapagtanto kung sino ang kaharap ko ngayon. Kinurot ko pa ang pisngi ko para makasigurong hindi ako nananaginip. Matiim siyang nakatitig sa akin na tila ba binabasa ang laman ng isip ko. “K-Keister?” wala sa sariling nausal ko at sinundan ng paglunok. Bahagyang nagsalubong ang makakapal niyang kilay. At nakatitig pa rin sa akin. Tumikhim ako at medyo umatras kasi halos dikit na dikit na kaming dalawa. “Where are you going? Ni hindi mo man lang tinitingnan ang nilalakaran mo.” Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko at kinakabahang ngumiti sa kaniya. Nanlalamig ang mga kamay ko sa nerbyos. Bakit doon sa panaginip ko ang lambing niyang tumingin at nakangiti pa. Tapos sa totoong buhay parang gusto niya akong sapakin? “Ah, sorry, Keister. Hi, nga pala!” pinilit kong pasungawin ang ngiti sa mga labi ko kahit dinig ko na ang malakas na kalabog ng dibdib ko. “Do you have any idea of what we are going to do tomorrow?” pormal niyang tanong. Umiling ako at pilit pa ring ngumingiti kahit nagsungit-sungit ang awra niya. Sa totoo lang, kanina pa ako hindi humihinga ng tama dahil sobra-sobra akong nai-intimidate sa kaniya. “Wala pa naman silang sinasabi.” Parang naninikip ang dibdib ko na ewan. Nahihirapan din akong mag-isip ng maayos dahil sa titig niya. Tapos ang lamig-lamig pa ng hangin kaya nakadaragdag pa iyon sa discomfort na nararamdaman ko ngayon. “Ilang taon ka na nga ulit, Vera?” napalunok ako. Gusto ko sanang ngumiti kasi natatandaan pa pala niya iyong pangalan ko. Pero siyempre pinigil ko ang sarili ko. “Twenty. Magtu-twenty-one na ako next month.” Bahagyang tumaas ang isang gilid ng mga labi niya kaya hindi ko alam kung nakangiti ba siya o ano. “Just enough,” narinig kong usal niya. Kumunot ang noo ko pero pirmeng nakatitig lang siya sa akin. Biglang naging awkward ang pakiramdam ko kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot. Kainis! Marami akong gustong itanong sa kaniya pero ngayong kaharap ko na siya, para namang naumid ang dila ko. “See you tomorrow.” Biglang nanlaki ang mga mata ko nang akmang tatalikod na siya. “Ah, Keister,” lumingon siya sa akin at nakataas ang isang kilay. s**t! Bakit ang guwapo niya sobra? Iyong awra niya talaga magpapatulala na lang sa iyo at gusto mo na lang titigan iyong mga mata niyang parang nakangiti. Tapos iyong ilong ang tangos na binagayan pa ng medyo mapupula niyang mga labi. May maliliit ding buhok ang tumutubo sa magkabilang panga niya at lalong bumagay sa medyo brusko niyang datingan. Kahit madre ay siguradong bibigay sa kaguwapuhan ni Keister. “Yes? May gusto ka bang sabihin?” untag niya. Tumikhim naman ako at inayos ang tayo ko. “Puwede bang magtanong?” kumibot ang isang kilay niya at bahagyang naningkit ang mga mata. Pero bakas ang pagkaaliw niya habang nakatingin sa akin. “What is it?” humarap siyang muli sa akin. Binasa ko ang mga labi ko bago muling sumagot. “Ano ang… nakapagpapasaya sa iyo?” lakas-loob kong tanong. Actually, ang gusto ko sanang tanungin ay kung kabisado ba niya ang isla na ito. O, kung may alam ba siyang magandang pasyalan, gano’n. Pero iba ang naitanong ko at huli na bago ko pa mabawi dahil narinig na niya. Bahagya niyang itinagilid ang ulo nang tumingin sa akin. Sumeryoso ang mukha niya kaya kinabahan tuloy ako. Bigla akong napapaisip kung masiyado bang personal iyong tanong ko at baka nakaka-turn off na para sa kaniya. “Bakit mo gustong malaman?” sa wakas ay nagsalita na siya. Bakit nga ba? Ako naman ngayon ang natameme at hindi alam kung ano ang dapat sabihin. Pero hinamig ko ang sarili. Hindi ako puwedeng magmukhang tanga sa harap ni Keister. Dapat ay magpakatotoo ako para makilala niya ako bilang ako at hindi sa kung ano’ng pagpapanggap lang. “Sa totoo lang, basta nag-a-upload ka ng mga videos mo, ilang beses ko iyong inuulit panoorin. Palagi kang nakangiti, masiglang magsalita at mukhang masaya. Kaya lang, kapag tinitigan ko iyong mga mata mo, parang mayroon akong napapansin na lungkot. Hindi ko lang maipaliwanag kung ano,” pag-amin ko. Napalunok ako nang maging seryoso ang tingin niya at mabahiran ng galit ang mga mata niya. Ngayon ay parang gusto ko nang batukan ang sarili ko dahil sa kadaldalan ko. Mukhang nagalit yata sa mga pinagsasasabi ko. Kita kong bumigat ang bawat paghinga niya, base sa pagtaas-baba ng dibdib niya. Tila ba may nasabi akong nasaling ang isang bahagi niya na nagbibigay ng hindi magandang pakiramdam sa kaniya. “Guni-guni mo lang iyon. Let me be frank to you, Vera. Sa lahat ng ayaw ko ay iyong mahilig manghimasok o makialam sa personal na buhay ng iba. Kaya sana sa susunod ay mag-ingat ka ng mga itatanong o sasabihin sa akin.” Hindi na niya ako binigyan pa ng pagkakataong makasagot o makita man lang ang reaksyon ko. Mabilis siyang tumalikod at naglakad na palayo. Tulala at gulat naman akong natulos sa kinatatayuan. Awang ang mga labing pinanood ko siyang mawala sa paningin ko dahil sa pagpasok niya sa cottage niya. Bigla akong tila nanghina at nakonsensiya. Masiyado ba talagang personal at nangingialam iyong mga sinabi ko? Ibinigay ko lang naman iyong obserbasyon ko at wala naman akong masamang intensiyon. Bumuntong-hininga ako at ipinagpatuloy na lamang ang paglalakad-lakad sa tabing dagat. Bigla akong nalungkot kasi na-disappoint at nainis ko yata si Keister. Wala na, basa na agad ang papel ko sa kaniya. Sigurado, asar na siya sa akin ngayon. Mahina kong tinampal ang bibig ko. “Ang daldal-daldal mo kasi!” pagalit ko sa sarili. Napapadyak ako sa inis. Sana kasi, iba na lang talaga ang tinanong ko, eh, di hindi sana nag-walkout si Keister. “Paano kaya ako makakabawi sa kaniya?” nakasimangot kong usal sa sarili. Muli kong nilingon iyong cottage na pinasukan niya kanina at lalong lumungkot ang mukha ko. Muli akong nagbuga ng hangin. Pasado alas-siyete na nang magtawag sila para raw sa dinner. Tuloy meeting na rin daw iyon para sa mga magiging ganap bukas at sa mga susunod pang araw. Nag-set up sila ng isang malaking bonfire at may dalawang mahahabang lamesa para sa lahat. Iyong mga pagkain ay nakahilera sa isa pang lamesa at mayroon na ring mga inumin sa tatlong malalaking cooler na naroroon. Magkatabi kami ni Tanya at halos kumpleto na rin ang lahat ng staff na naririto, maliban sa team ni Keister. Dinig ko ay dalawang PA ang kasama niya at iyong driver niya. “Jonard, nasabihan mo na ba ang team ni KC na kakain na tayo?” tanong ng isa sa mga producers. Agad namang tumango ang kausap. “Yes, sir. Susunod na raw po sila. May kausap pa yata sa telepono si Sir KC,” tugon ni Jonard at naupo na rin doon sa may bandang gilid ng lamesa. “Vera, kumain ka lang at huwag kang mahiya. Kung hindi ka naman kumportableng sumabay sa aming kumain, puwede ka naman naming hatiran sa kuwarto mo ng pagkain,” ani Mr. Legaspi. Siya si Arnold Legaspi at sikat na director ng mga variety shows. Nahihiya akong umiling at ngumiti. Maging ang ibang crew at staff ay napaka-friendly naman dahil sa tuwing mababaling ang paningin ko sa kanila ay tinatanguan o nginingitian nila ako. “Okay lang po ako, huwag ni’yo po akong alalahanin.” Nakangiti lang ako habang nagsasalita. Pero sa totoo lang, nahihiya din talaga ako. Dapat pala ni-request ko na lang na sumama si Joyce dito para naman hindi ganito ka-awkward and feeling. “Alam mo, Vera, ang ganda-ganda mo. Baka gusto mong pasukin ang mundo ng pagmomodelo o pag-aartista? Alam mo, kaunting make-over na lang sa iyo, pak na pak ka na!” komento naman ni Ma’am Eloisa Villegas. Sabi sa akin ni Tanya kanina, ito raw si Ma’am Eloisa ay isang magaling na talent scout at manager. Napag-alaman ko nga kaninang marami rin pala siyang hawak na sikat na mga artista at singer. “Salamat po, Ma’am. Pero wala po akong hilig sa mga ganiyan. Saka takot din po akong masiyadong humaharap sa maraming tao. Nauutal po ako o kaya hindi nakakapagsalita nang maayos.” Tumingin sila sa akin pero si Ma’am Eloisa ay nakatitig lang sa mukha ko. Bakas ang panghihinayang sa mukha ng ilan pero pinili kong tipid na ngumiti. “Well, stage fright can be overcome. Basta, kapag magbago ang isip mo, sabihan mo lang ako,” may kinuha siyang maliit na card sa belt bag niya at iniabot sa akin, “tawagan mo lang ako sa numerong iyan. Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa iyo, Hija, may potensyal ka sa ganda mong iyan. Tapos ang slim mo pa at mukhang maganda rin talaga ang katawan mo.” Sinimulan na rin niya ang kumain pagkatapos sabihin iyon. Maging si Direk Arnold ay sumang-ayon sa sinabi ni Ma’am Eloisa. Si Tanya naman ay nginitian ako at tumango rin. “Salamat po sa inyo,” kiming tugon ko. Nabaling ang atensiyon ng lahat nang mapansing papalapit na rin sina Keister sa kinaroroonan namin. Pero napalunok ako at wala sa sariling umawang ang mga labi nang makita ang ayos ni Keister. Nakasuot siya ng beach shorts at beach slippers. Pero sa bandang taas ay kulay asul na polo pero nakabukas naman ang lahat ng butones. Nakalitaw ang matipuno niyang dibdib at malabakal na mga abs. Pakiramdam ko ay bigla yata akong nagutom lalo. Pero namilog ang mga mata ko dahil nang mapadako ang tingin ko sa mukha niya ay direkta siyang nakatitig sa akin. Sa matinding pagkapahiya ay yumuko ako para alisin ang tingin sa kaniya. “Good evening, guys!” bati niya sa lahat. Ang sarap pakinggan sa tainga ang boses niya. Baritono pero may lambing. “Magandang gabi, KC. Kumusta ang accommodation nila sa islang ito?” narinig kong tanong ni Direk kay Keister. Nanatili akong nakayuko dahil ang lakas-lakas ng pintig ng puso ko at ramdam ko talaga ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Kung bakit ba naman kasi iyong titig ko kanina parang gusto ko na siyang kainin. “It’s just fine. Not so lavish like I used to have, but cozy and comfortable,” suwabeng sagot niya. Napaangat ang tingin ko nang biglang tumayo si Tanya. At ang halos magpatigil ng t***k ng puso ko ay pumalit sa puwesto niya si Keister. “I’m glad that you like it,” dinig kong sabi ni Direk. Pero hindi ko na alam ang gagawin. Lilingunin ko ba si Keister o ano? Pero dapat ay batiin ko siya, ‘di ba? Kaya lang nauna na iyong hiya ko dahil sa walang habas kong pagtitig sa masarap, este, maganda niyang katawan kanina. Ano ba ito! “Hi, Vera, hindi mo man lang ba ako babatiin?” Iyon nga ang sabi ko, eh! Unti-unti akong nag-angat ng paningin at tipid na ngumiti. “Hello, Keister. Magandang gabi.” Ewan ko kung bakit biglang nanuyo itong lalamunan ko. Pero para akong natunaw nang ngumiti siya ng matamis sa akin. Hindi na kaya siya nagtatampo dahil sa pagiging eksenadora kong pagtatanong kanina? “KC, ikaw na ang kumilatis dito sa ating winner. Isn’t she beautiful? May kalalagyan siya sa industriya, ‘di ba?” Napalingon kami kay Ma’am Eloisa. Hindi naman nag-alis ng tingin sa akin si Keister, bagkus ay mas lumapad pa nga ang ngiti niya. “Yeah, I guess so. But I prefer her to stay as she is. Magulo at masalimuot ang mundo ng showbiz. I actually like her innocence and I hope she remains that way.” Humarap nang muli si Keister sa lamesa pagkatapos sabihin iyon. Lalo yatang nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil pakiramdam ko pinuri naman niya ako. Diyos ko, kung puwede lang magtitili at magtatalon dito ay ginawa ko na. Iyong puso kong kanina pa nagmamakarena at tumatalbog-talbog sa loob ng dibdib ko. “You have a point. Akala ko pa naman tutulungan mo akong kumbinsihin siya. Nagkamali pala ako nang pinagsabihan,” natatawang sambit ni Ma’am Eloisa. Nagtawanan naman ang iba habang si Keister ay inumpisahan na ang pagkain. Naging maingay ang hapunan dahil sa mga palitan ng mga kuwento at ideya para sa pag-uumpisa ng taping bukas. Isa-isa ring pinapahapyawan ni Direk at ng mga kasama niya iyong magiging setup namin bukas at sa mga susunod pang araw. Tumagal din ng halos dalawang oras ang masayang hapunan. Pagkatapos niyon ay nagkani-kaniyang paalam na ang lahat para magpahinga. Iyong iba ay alas-kuwatro pa pala gigising para ituloy ang pagse-setup ng iba pang kakailanganin. “Vera, kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako o kaya katukin mo ako, ha? Magkatabi lang naman ang kuwarto natin,” paalala ni Tanya. Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat. Sa totoo lang wala sa kaniya ang atensiyon ko kung hindi na kay Keister na kasalukuyang kumukuha ng video. Siguro para iyon sa vlog niya. Hindi ko namamalayang nakangiti na naman pala ako habang nakatitig sa kaniya. Kaya nanlaki ang mga mata ko nang bumaling siya sa puwesto ko. Gustong-gusto ko sanang bawiin nag paningin ko pero hindi ko magawa. Para akong nahipnotismo sa titig niya. Ngunit higit sa lahat, napaawang ang mga labi ko nang bigla siyang kumindat sa akin. Naghuramentado na naman ang puso ko lalo na nang makitang papalapit na siya sa kinaroroonan ko. Oh, my goodness!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD