“Are you going to sleep now?” Napalunok ako dahil hindi ko alam kung paano hihinga ng tama sa lakas ng kabog ng dibdib ko. “Oo sana. Kaya lang nakita kitang nagvi-video. Para sa vlog ba iyan?” sinikap kong gawing kasuwal at hindi pakialamera iyong dating ng tanong ko. Pero umiling siya. “I was just trying to capture the sea. It’s so calm while the sky is also bright with the moon and thousands of stars.” Napatingala ako para tingnan ang sinasabi niya. Tama nga siya. Maaliwalas ang buong kalangitan na lalong nagpaganda sa kalmadong karagatan. Malamig din ang simoy ng hangin kaya talaga namang nakaka-relax. “Keister, sorry nga pala kung medyo naging taklesa ako kanina.” Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para humingi ng pasensiya sa nangyari. Ayaw ko namang magsimula ang pagte-tapin

