Chapter 7 Happy Vera

3084 Words

Nang sumunod na araw, alas-sais ang call time pero alas-kuwatro pasado pa lang ay nakaligo na ako. Ang unang kukunan daw ngayon ay ang sabay naming pagkain ng breakfast ni Keister. Wala namang sinabing kailangang magmake-up kaya sinuklay ko lang ng maayos ang buhok ko. At dahil maaga pa naman ay napagpasiyahan ko munang lumabas at lumanghap ng sariwang hangin. Bumati sa akin ang mga crew na nasalubong ko paglabas ko, ganoon din naman ako sa kanila. Pero naagaw ang atensiyon ko dahil may pinagkakaguluhang panuorin iyong ilang mga naririto. Pero ngayon ko lang napansing may nakaharang na sa buong lugar nitong isla na inookupa namin. “s**t naman! Saan ba nanggaling ang mga taong iyan? Saka akala ko ba sobrang secluded ang isla na ito kaya malaya tayong makakapag-shoot nang hindi masiyadon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD