One-hour drive lang mula sa islang kinaroroonan namin ang pinakapalengke o bayan nila. At dahil nga sikat ding tourist destination ang lugar na ito ay marami silang stall o pasalubong center. “Just go naturally. Nakasunod lang iyong mga kukuha sa inyo kaya gawin ni’yo lang iyong gusto ninyo,” bilin ni direk bago kami mag-umpisang tumingin-tingin sa mga panindang naririto. Maliban sa mga mismong kumukuha sa amin ay nasa ere na rin iyong dalawang drones para naman sa aerial shots. Una kaming nagtungo sa mga hilera ng iba’t ibang mga damit. Ang ilang nagugustuhan namin ay ipinapakita namin sa harap ng camera. Panaka-naka ay nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa lugar iyong dalawang tour guide na kasama namin. Pinuntahan din namin iyong mga pagkain na puwedeng iuwi bilang pasalubong. Bu

