“Ibig bang sabihin niyan, gusto mo rin ako?” medyo napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Feeling ko kasi super kapal ng mukha ko sa tanong kong iyon. “Hindi pa ba obvious? Sa contest pa lang gusto na kita. Natawa ako sa sarili ko that time because I am having a crush on a lady who is eight years younger than me. And then, when you came out of that cubicle, my heart started to race. You were so beautifully innocent, and your every movement was so gracious. Halatang-halatang kinakabahan ka pero hindi man lang nakaapekto iyon sa taglay mong kariktan.” Hindi ko alam kung paano magpipigil ng maluwang na ngiti sa mga pinagsasasabi niya. Imagine? Crush daw ako ni Keister? Guys, si Keister Claude Del Cueva ito! May crush na pala siya sa akin noong unang kita pa lang niya? Puwede bang sumigaw a

