Sabay na nag-aagahan sina Nicole at Mikael sa dining area nang maalala ni Nicole ang nangyari kagabi sa pagitan nila ni Theo. Maganang kumakain ng almusal si Mikael. Nakabusiness suit na ito at handa ng pumasok sa trabaho habang siya naman ay mamaya pa mag-aasikaso para pumasok sa clothing line business niya. Binitawan niya ang hinihigop na baso ng kape at nagsimulang magsalita.
"Nakita ko si Theo kagabi." napatingin si Mikael sa kanya ng magsalita siya. Nakakunot ang noo nito na wari'y nagtataka kung bakit sila nagkita ni Theo. "It is just accident. Nakita ko siya na pumasok din sa loob ng party club kung nasaan kami nina Abby kagabi." paliwanag niya rito.
"Anong ginagawa niya dun?" nagtatakang tanong nito sa kanya.
"I really don't know. Mikael, His different. Di na siya yung Theo na kilala ko dati na laging kalmado at masayahin. All I saw in him was pure sadness. Kahit nakangiti siya, I don't see happiness in his eyes."
Bumuntong hininga si Mikael ng marinig niya ang sinabi ko. Tila nag-iisip. "Naging ganyan na siya simula ng mamatay si Althea."
"Pero marami nang taon ang lumipas ng mamatay si Althea para manatili siyang ganoon." malungkot niyang saad rito. "Matagal ko siyang di nakita kaya di ko nalalaman kung ano ang mga nangyari sa kanya sa lumipas na mga taon."
"I will talk to him kaya uwag mo na siyang alalahanin pa." sabi nito sabay tayo sa upuan. "Paano, I need to go. It's already past 7am and I need to be in the office at 8am." naglakad ito palapit sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi. "Starting today, I will be very busy. Kaya huwag mo na akong hintayin pa sa gabi, okay?"
Tumango ako bilang sagot. "Basta, kapag namiss kita, pupuntahan kita sa opisina mo." nakalabing sabi niya dito.
"It okay. Sabihin mo lang sa akin kung what time ka darating." nakangiting sagot nito sabay dampi ulit ng halik sa labi.
"Nope. Hindi ko sasabihin. Sosopresahin kita para mahuli kita kapag nambababae ka."
Kunot noong tumitig ito ng seryoso sa kanya. "How whould you think of that?"
"Ha?" kinakabang tanong ko dahil sa biglang pagsseryoso nito.
"To think that I would cheat on you. Do you think, that I will do that to you? Cheating on you?" tiim bagang na sagot nito.
"D-di naman sa ganon." nabubulol na pagdadahilan niya. "M-mahirap na kasi, sa panahon ngayon, palay na ang lumalapit. Paano kung may seksing babaeng mang-aakit sayo?"
Kumilos ito at hinawakan ang dalawang pisngi ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Ang tagal kong hinintay na maging maayos tayong dalawa. I would never trade what we have right now sa kahit sinong babae."
"Kahit si Pia Wurtzbach? Maganda yun, seksi, matangkad at malaki pa ang dibdib."
Napatingin ito sa dibdib niya. "Nope. I prefer yours." sabay bitaw sa pisngi niya ng isang kamay nito at biglang hawak sa kanang dibdib niya. Hindi niya naiwasan na hindi mapaungol ng pisilin nito ang dibdib niya.
"s**t! Don't moan like that. Baka di na ako makapasok sa trabaho. Instead, I will devour you right here, right now." tila nahihirapang sabi nito sa kanya.
Tinulak niya ito ng mahina. "Sige na. Umalis ka na. And, Im sorry." pagpapaalis niya dito.
"For what?" nagtatakang tanong nito.
"For thinking you that way. For thinking that you will cheat on me. Im sorry. Di na ako mag-iisip ng mga negatibong bagay. Magiging postive na ako lalo na sa relasyon nating dalawa." nakangiting sagot niya rito.
"Good. That's my girl." He said before he kissed me again passionately this time.
ABALA sa pagbabasa ng mga papeles si Nicole ng makarinig ng katok mula sa pinto. Tumingin siya sa kumatok at nakita ang isa niyang saleslady na nakatayo.
"Ms. Nicole, may lalaki pong naghahanap sa inyo." tila kinikilig na saad nito.
"Sino? Anong pangalan?" nagtatakang tanong niya.
"Ay! Di ko po alam. Di ko na po naitanong e." sagot nito.
Kahit naiinis sa sinagot nito dahil di muna nito inalam kung sino ang bisita niya ay sinabihan na lamang niya ito na papasukin ang bisitang sinasabi nito. Iniisip niya na maaring si Mikael ang bumisita sa kanya pero ang paalam nito sa kanya ay magiging abala ito sa trabaho. Tinuon na lamang niya ang atensyon sa binabasang papeles nang marinig ang pagbati ng isang baritonong boses.
"Good afternoon!" masayang bati ng bisita niya sa kanya.
"T-theo?!" gulat na tawag niya sa pangalan nito. Hindi niya inaasahan na ito ang bisitang sinasabi ng saleslady niya kanina. "A-anong ginagawa mo dito?"
Hindi ito sumagot bagkus ay kumilos ito palapit sa kanya at humalik sa pisngi niya. Matapos siyang halikan sa pisingi ay umupo ito sa upuan na kaharap niya.
"Anong ginagawa mo dito?" ulit na tanong niya dito ng makabawi siya sa biglang pagbisita nito.
"I just want to visit you. And, I would like to say how sorry I am dahil sa inasal ko kagabi."
"Di ka na sana nag-abala pa na pumunta dito. Kahit text or tawag ay okay na."
"That's the problem. I don't know your mobile number." saad nito.
"Pwede mo naman hingiin kay Mikael ang number ko."
"Ayoko nang abalahin pa si Mikael. At isa pa, I don't think that he will give your number to me." tumingin ito sa papeles na nasa table. "Mukhang abala ka rin sa bigla kong pagbisita."
"Actually, yes. Pero di ko naman kailangan tapusin ito kaagad."
"That's good." masayang saad nito bigla. "Naisip ko kasing yayain ka na kumain sa labas bilang ganti sa ginawa mong pagtulong sa akin kagabi."
Nagtataka na siya sa kinikilos nito. "Hindi na kailangan. Di naman ako humingi ng kapalit."
Sumeryoso ito bigla ng marinig ang sinagot ko sa kanya. "Nicole, its been what? 4? 5? how many years na hindi na tayo nakakapag usap ng maayos. I'd like to go back the way we used to be before. Sana naman, ganoon ka rin."
Bigla siyang naguilty sa sinabi nito. Ilang taon na rin naman ang lumipas na hindi sila nakakapag usap ng maayos. Kahit siya, ay gusto niya ring maibalik ang dati. At sa nakikita niyang inaakto ngayon ni Theo, masaya siya na makita itong ngumingiti.
"Okay. Saglit lang at aayusin ko lang itong mga papel." sagot niya at nakita niya na ngumiti ito.
SAAN BA TAYO PUPUNTA?" di na niya natiis na itanong dahil sa isang oras na ata silang nasa byahe. Si Theo ang nagmamaneho habang nakaupo siya sa tabi nito.
"Sa Tagaytay." simpleng sagot nito.
"Ano?!" gulat na tanong niya dito. Ang tanga niy para di mo na alamin kung saan sila pupunta ni Theo bago siya sumama dito. "Nbabaliw ka na ba? Kakain at magkakape lang tayo, sa Tagaytay pa!" bulalas niya.
Lumingon ito sa kanya saglit at tumingin na sa daan bago sumagot. "Mas masarap kasi ang bulalo sa Tagaytay at magkape na tanaw mo ang taal Volcano."
"Pero sana sinabi mo agad na doon tayo pupunta. Hindi ako nakapagpaalam kay Mikael."
"You can call him now." simpleng saad nito.
Naiinis na tinawagan niya si Mikael sa cellphone pero di nito sinasagot ang tawag. Mukhang busy nga talaga ito dahil operator ang sumagot sa tawag niya.
"Nakapatay ang phone niya." naiinis na saad niya.
"Why don't you call his office." suggestion nito sa kanya.
Ginawa niya ang sinabi nito at tumawag sa opsina ni Mikael pero ang sekretarya nit ang sumagot. "Hello! This is Nicole. Nandyan ba si Mikael?" tanong niya.
"Nasa meeting pa po siya Ms. Nicole. Baka po 8pm matapos yung meeting." magalang na sagot ng nito sa kanya.
Ganun ba. Pasabi na lang na tumawag siya sa akin kapag tapos na ang meeting niya. Baka kasi late na ako umuwi."
"That's noted Ms. Nicole." sagot nito.
"Sige, salamat." paalam niya sabay patay ng phone. Naiinis na tumingin siya kay Theo. "Umuwi din tayo agad pagkatapos nating kumain. Tiyak na magagalit si Mikael kapag nalaman niyang nasa Tagaytay ako kasama ka."
"Okay. Pero wala naman siyang dapat na ikagalit kung magpunta man tayong dalawa sa Tagaytay. Wala naman tayong ginagawang masama." sagot nito sa sinabi niya.
Napabuntong hininga siya sa sinagot nito."Kahit na. Wala man tayong ginagawang masama, pangit pa rin tingnan na magkasama tayong dalawa out of town."
"I'm sorry. I just... wanted to be with you." saad nito sa seryosong boses. Di niya napigilan ang sarili na tingnan ito. Seryoso itong nakatingin sa daan ngunit halata sa mukha nito ang lungkot.
Naguilty naman siya sa inasal niya. Nais lang naman nito na makapag usap sila at maibalik ang dati na meron sila. Hindi na niya alam kung anong dapat na isagot sa sinabi nito. Napabuntong hininga na lamang siya. Alam niya na maaring magalit si Mikael kapag nlaman nitong kasama niya si Theo, pero, gusto niyang maging masaya si Theo kahit sa simpleng paraan. Gusto niyang maibalik ang Theo na dati niyang kilala. Yung Theo na minsan ay minahal niya.
,"selecte��b�̈́