Sa harap Fire Lake Grill Restaurant sa Tagaytay hininto ni Theo ang sasakyan. Sa may veranda kami ng restaurant pumwesto kung saan tanaw namin ang Mt. Taal at ang lake na nakapalibot dito. Hinaayaan ko na na siya ang umorder ng makakain namin. He ordered pumpkin soup, steak and coconut ice cream for dessert.
"Bakit dito?" tanong ko sakanya pagkaalis ng waiter na kumuha ng order namin.
"Bakit hindi?" nakangiting balik tanong niya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay bilang sagot. Hindi niya kasi sinagot ng maayos ang tanong ko.
"Minsan, masarap din kumain ng malayo sa syudad." sagot niya sa akin.
"Talaga ha. At ngayon mo pa talaga napili na kumain dito. Dinamay mo pa ako." sarakastiko kong saad sa kanya.
"Smile Nicole." nakangiting saad niya sabay hawak sa magkabila kong pisngi. "Ma-eenjoy mo ang mga food dito."
Sasagot sana ako ng biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at nakita na si Mikael ang caller. Tumingin muna ako kay Theo na nagkibit balikat lang na ipakita ko sa kanya ang caller.
"Hello!" bungad na sagot ko sa tawag ni Mikael.
"Nasaan ka?" agad niyang tanong sa akin.
"Nandito ako ngayon sa Tagaytay." simpleng sagot ko.
"Tagaytay? What are you doing there?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Actually, kasama ko ngayon si Theo." kinakabahang sagot ko sa kanya.
"Ano?!" pasigaw na niyang tanong sa akin. "Bakit kayong magkasamang dalawa?! Anong ginagawa niyo dyan?!" galit na sunod-sunod na tanong niya sa akin.
"K-kasi ganito yun. Pumunta siya kanina sa shop. Nagyaya kumain. I said yes, pero di ko alam na dito niya ako balak dalhin." sagot ko kay Mikael ng mahinahon. "Pero don't worry!" putol ko ng marinig ko na magsasalita siya. "Wala naman kaming gingawang masama. At saka, pinsan mo naman ang kasama ko."
"Give him the phone." galit na utos niya sa akin.
"P-pero..." tanggi ko sa kanya.
"Just give him the phone, Nicole!" ulit na utos niya sa akin.
"Okay." sagot ko sabay anot kay Theo ng cellphone ko. Tiningnan niya ang phone na iniaabot ko sa kanya. "Gusto ka niyang makausap." saad ko dito. Napabuntong hininga at abutin na niya ito mula sa akin.
"Mikael." bungad sa akin ni Theo sa cellphone.
"What the f**k are you doing, Theo!" gigil na tanong ko ng kanya. Nang sabihin sa akin ng sekretarya ko na tumawag si Nicole habang nasa meeting ako at nag utos na tawagan ko siya ay labis akong nag-alala para dito. Baka kung ano na ang nagyari kay Nicole. Pero ng malaman ko na nasa Tagaytay siya at kasama niya si Theo ay nakaramdam ako ng galit.
"Couz, Relax. I just wanted to treat your wife, that's all." mahinahon niyang sagot sa akin.
"At sa dami ng restaurant dito sa Maynila, diyan mo pa talaga siya dinala. I don't know why are you doing this Theo, but this is not good. She's my wife, baka nakakalimutan mo!"
"Mikael, wala kaming ginagawang masama. Wala ka bang tiwala sa asawa mo?" seryosong tanong nito sa kanya.
"Sa asawa ko meron, pero diyan sa tumatakbo sa isip mo wala!" gigil kong sagot sa tanong niya.
"Ouch." simpleng saad nito matapos niyang marinig ang sinabi ko.
"Just bring back my wife here. Now!" utos ko sa kanya.
"Ni hindi pa nga kami kumakain. I will bring back your wife in your home safe. So don't worry." sagot nito sabay patay ng tawag.
"f**k!" mura ko pagkababa ng tawag nito. Kahit pinsan ko si Theo ay hindi ko na mabasa kong ano ang tumatakbo sa isip niya. Hindi ko alam kong kaylan maayos na kami ni Nicole ay saka siya pumasok sa eksena. Kung ano man ang binabalak niya, hindi ako makakapayag na ilayo niya sa akin ni Nicole. She's mine!
"Anong sabi?" tanong ko agad kay Theo ng ibaba nito ang tawag at iabot sa akin ang cellphone ko.
"Gusto niya na iuwi na kita." sagot niya sa tanong ko sabay abot sa kubyertos upang kumain. Habang kausap kasi ni Theo si Mikael ay dumating na ang mga inorder naming pagkain.
"Bakit di ka pa kumakain?" tanong niya ng mapansin niya na di ko pa binaawasan ang pagkain na nasa plato ko.
"Iuwi mo na lang kaya ako." nag-alalang saad ko. Alam ko kasi na galit na galit na si Mikael base na rin sa tono ng boses niya ng sagutin ko ang tawag kanina.
"Wala kang dapat na ipag-alala sa kanya, Nicole. And, balak naman kitang iuwi, ubusin mo muna yang pagkain at uuwi din tayo agad."
"Ikaw naman kasi eh. Bakit dito mo pa ako dinala." paninisi ko sa kanya.
"I just want to share to you kung gaano kasarap ang foods nila dito. Like the old times." nakangiting sagot nito sa akin. Noon kasi, kapag nag lumuluwas ng probinsya si Theo ay lagi siyang maydalang pasalubong sa akin na specialty ng bawat lugar na napupuntahan niya. Gusto niya na matikman ko lahat mg masasarap na pagkain.
Napangiti na rin ako ng maalala ko ang nakaraan. "Pag ako di nasarapan dito, lagot ka sa akin." biro ko sa kanya.
"You will love it! Promise." saad niya sabay sabay turo sa pagkain.
Sinimulan ko na rin na kumain at napangiti akong lalo ng malasap na masarap nga ang mga pagkain na inorder nito.
"Sabi ko sayo eh." saad niya ng makita niya ang reaksyon ko.
"Masarap nga." sang-ayon ko sa kanya sabay subo ulit ng pagkain.
Matapos naming kumain ni Theo ay hinatid na niya ako sa bahay namin ni Mikael. Nakatulog na rin ako sa byahe at nagising na lamang ng maramdaman ko ang paghinto ng makina ng sasakyan. Napagawi ang tingin ko sa labas ng bintana ng sasakyan at nakita ko si Mikael na papalapit na sa amin.
Mabilis na bumaba ng sasakyan si Theo at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Medyo inaantok pa ako ng alalayan niya akong bumaba habang hawak ako sa braso ng bigla akong hablutin ni Mikael mula dito.
Napailing na lang si Theo sa inasal ni Mikael. "She's safe. Tulaad ng sabi ko." saad niya kay Mikael habang hawak pa rin ako ni Mikael.
"Ayoko ng maulit pa ito Theo." inis na sabi ni Mikael sa pinsan niya.
Taas kamay lang ang sinagot nito bilang pagsuko. "Goodnight, Nicole." paalam nito sa akin.
"Goodnight din." paalam ko rin sa kanya.Hindi na ito nagpaalam kay Mikael at pumasok na lamang sa loob ng sasakyan. Pinaandar nito ang makita at umalis na.
Nang tuluyang makaalis si Theo ay hinawakan ni Mikael ang kamay ko at hinila ako papasok ng bahay. Dire-diretso siya papuntang kwarto habang hila ako. Nang makapasok na kami ay pabalya niyang binitiwan ang kamay ko. Muntik na akong matumba sa ikinilos niya.
"Bakit ka sumama sa kanya?" tanong niya sa mababang tono pero halata sa mga mata niya ang kinikimkim na galit.
"Eh, hindi ko naman kasi alam na dun kami pupunta." sagot ko sa tanong niya.
"Hindi mo alam kung saan kayo pupunta pero sumama ka pa rin? Paano kung sa ibang bansa ka niya dadalhin? Sasama ka pa rin kahit di mo alam?!" pasigaw na niyang tanong sa akin.
"I'm sorry. Okay. Gusto ko lang naman na maging maayos ang relasyon namin ni Theo dahil kahit saan dalhin, pinsan mo pa rin siya. Pamilya ko na rin siya. Ayaw ko lang na meron pang maging dahilan para magkailangan kaming dalawa." sagot ko ulit sa kanya.
'Kahit na! Hindi maganda tingnan na lumabas kayong dalawa lang. Lalo na at hindi ko pa alam!" galit pa rin na saad nito.
"Ano bang ikinagagalit mo?" naiinis nang tanong ko sa kanya. Inaantok na kasi ako at gusto ko nang matulog. "Si Theo naman ang kasama ko hindi kung sino lang. Pinsan mo siya, remember?" sarkastiko kong saad.
"Oo pinsan ko siya! At first love mo siya, remember?!" sarkastikong ulit niya sa sinabi ko.
"Pwede ba, matagal na 'yun! Kung nagseselos ka man, wala ka sa lugar." inis na sagot ko sabay lakad palapit sa kama. "Inaantok na ako." saad ko habang pasimpleng humiga sa kama. Magtatalukbong sana ako ng kumot ng hablutin nito mula sa akin. "Ano ba!" nangigigil kong saway dito.
"Hindi ka matutulog hanggat di natin naayos 'to." gigil na rin niyang saad sa akin.
"Hindi talaga natin ito maayos kung ganyan ang inaasal mo!" sabay kuha ng kumot mula dito.
Pahablot niya akong hinila sa braso dahilan upang mapaupo ako sa kama. "Bakit ba antok na antok ka, ha?! May ginawa ba kayong dalawa na hindi ko alam?!"
"Pwede ba! Ang dumi ng isip mo!" galit ng sagot ko dito. Wala na sa katwiran ang mga pinagsasabi nito sa kanya. "Ganyan ka ba kawalang tiwala sa akin para mag-isip ng ganyan!"
Di na siya sumagot habang nakatingin sa mukha ko. He look so tired na nagpalambot ng puso ko kahit halata pa rin sa mga mata nito ang galit. "Look! Wala kaming ginagawang iba bukod sa kumain. Wala rin kaming ginawang masama para magkaganyan ka. He maybe my first love pero hanggang doon na lang 'yun." Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi. "Ikaw na ang mahal ko ngayon. Ikaw na ang asawa ko. Im sorry kong hindi ako agad nag-isip ng sumama ako sa kanya. Hindi na mauulit 'yun. I promise." mahinahong kong saad sa kanya.
Pumikit siya ng ilang segundo at ng imulat niya ang mga mata ay wala na ang galit sa mga ito. He kissed me on my lips bago ako niyakap ng mahigpit. "I'm sorry. I was blinded with jealousy. I'm sorry, Nicole."
Gumanti na rin ako ng yakap dito. "Matulog na tayo. Inaantok na talaga ako." tumango siya bilang sagot ng bahagya niyang luwagan ang pagkakayakap sa akin.
Magpalit ka na ng pantulog may tatawagan lang ako saglit." paalam nito matapos akong halikan sa labi ng mariin.
Sobrang nakakapagod ang araw na ito.
_��