Chapter 18

1234 Words
Lumipas ang mga araw na naging masaya ang pagsasama namin ni Mikael. Madalas naming dalawin ang isa't isa sa trabaho dahil namimiss na agad namin ang bawat isa kahit magkasama naman kami sa iisang bahay. Nag aaral na rin akong magluto sa kagustuhan ko na paglikuran siya bilang asawa. He treated me like a princess...no, like a Queen. And he is my King. The way Mikael treated me is mo much more what I expected. Sometimes, I think that I accept the love from him more than what I think I deserve. Anak na lang ang kulang para masabi na isang pamilya kami. But I wanted to cherish our moment bago kami magka-anak. I told him about this and he agree. We both went to the Doctor last week para malaman kung anong magandang contraceptives na pwede kung gamitin. The Doctor prescribed me to use pills dahil wala naman akong allergic sa gamot. And lot of testing were conducted just to make sure that it is the best. Nasa boutique ako ang sa loob ng opisina ko !nang mag ring ang mobile phone ko. Si Mikael ang caller na agad ko naming sinagot. "Hello." masayang bati ko pagkasagot ko agad ng tawag. "Honey. " mahinang tawag siya sa enderament na ginagamit niya sa akin. "Yes?" nagtatakang tanong ko dahil parang pagod at napakalungkot ng boses niya. "May problema ba?" "Si Theo." bigkas niya sabay hinga ng napakalalimg . "He got accident. Nasa emergency siya ngayon." "Ano?! Oh my God! anong nangyari, bakit siya naaksidente? " "Wala pang linaw na sagot, It is still investigated. Mabilis daw yung patakbo ni Theo sa sasakyan. Can you come here? I just need you." halata na ang panghihina sa boses ni Mikael. Alam kong sobra siyang nag-aalala para kay Theo. Sa lahat ng magpipinsan, sila ni Theo ang pinaka-close. He is also he's best friend. "Sige, pupunta ako, saang Hospital?" tanong ko sa kanya. "Sa Teixeira Hospital. Hihintayin kita dito." sagot niya. Ang hospital na pagmamay-ari nina Nickolo. "Okay. Less than 30 minutes andyan na ako. Magiging maayos din ang lahat." Binaba ko na nag phone ko at nilagay sa shoulder bag na bitbit ko. Mabilis ang kilos ko habang paalis ng opisina at pagbilin sa Store Manager na siya muna ang bahala sa boutique. Nang paandarin ko na ang sasakyan ko ay doon ko lang naramdaman ang panginginig ng buo kong katawan. Nanginginig ang dalawa kong kamay habang hawak ang manibela. Parang di ko ata kayang magmaneho sa ganitong sitwasyon ng katawan ko. Bumaba ako ng sasakyan at mabilis na pumara ng Taxi. Sa Teixiera Hopsita po, Manong." turo ko sa driver ng taxi. Bigla akong nanghina habang umaandar ang sasakyan. Pakiramdam ko ay namutla ako sa lamig at kaba na nararamdaman ko. "Theo." bulong ko sa pangalan niya. "Please, lakasan mo ang loob mo." Nagdasal ako sa panginoon na sana ay huwag niyang pabayaan si Theo. He doesn't deserve kung ano man ang nangyayari sa kanya ngayon. He's a good man with a good heart. Wala pang dalawangpung minuto ay nasa loob na ako ng hospital. Sinalubong ako ni Mikael sa lobby. Mukhang na siyang pagod at halata ang lungkot sa kanyang mukha. Mabilis akong lumapt at niyakap siya ng mahigpit. "Kumusta siya? tanong ko habang yakap siya. Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap ko pero hawak niya ang dalawa kong kamay. Malungkot siyang tumingin sa akin. "Wala na siya sa Emergency room. Tagumpay ang operasyon. But he is badly injured that they needed to have special medical care and watched him very closely. He is now in intensive care area." "Gusto ko siyang makita." "Hindi pa pwede ang bisita sa loob dahil katatapos lang ng operasyon. Kahit ako ay bawal, nandoon naman sina Tito para magbantay sa kanya." "He doesn't deserve all of this." malungkot kong saad. "I know. Kaya labis akong nalulungkot para sa kanya. Kung kaya ko lang ibalik ang taong alam kong magpapasaya sa kanya. Pero wala akong magawa. Wala akong magawa para sa kanya. I feel worthless." Naiiyak na sabi niya sa akin. "Mikael, don't think it that way. Isa ka sa kailangan niya ngayon. Kapag naging mahina ka, saan pa si Theo kukuha ng lakas? He needed you. He is more that needed you right now." Bigla ulit akong niyakap ni Mikael ng napakahigpit. At habang yakap niya ako ay ramdam ko ang paggalaw ng balikat niya. alam kong umiiyak siya at ayaw niyang ipakita sa akin. Alam kong nasasaktan siya. At nasasaktan akong makita siyang nahihirapan. Tatlong araw ang lumipas bago pinayaganang pagbisita kay Theo. Masayang binalita sa akin ni Mikael ang pag-gising si Theo kahapon. Nagagawa na daw nitong magsalita ngunit nahihirapang kumilos. Labis daw ang naging pinasala ng aksidente sa buong katawan ni Theo. Wala naman naging malalang sugat sa katawan ngunit halos nabugbog daw ito sa tinamong mga pasa. Ganoon pa man ay labis ang pasasalamat ng lahat sa Diyos at hindi nito pinabayaan si Theo. Sa imbestigasyon ng pulisya ay lumalabas na kaya naaksidente si Theo ay dahil sa sobrang bilis nitong pagmamaneho. Nawalan daw ito ng preno kaya minabuting ibangga na lang sa poste ng kuryente ang sasakyan upang wala nang madamay. "Kumusta ka na?" tanong ko kay Theo pagkapasok ko sa loob ng kwarto niya. Nasa labas si Mikael kausap ang papa ni Theo. "Eto, di makagalaw ng maayos." sagot niya sa tanong ko. Umupo ako sa upuan na nasa gilid ng kama na hinihigaan niya. "Masaya ako at ligtas ka Theo. Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala para sa iyo. Please, be careful naman sa pagmamaneho." hiling ko sa kanya. Tinitigan niya ako ng taimtim bago siya nagsalita. "I saw her, Nicole." halos pabulong niyang bigkas sa akin. Kunot noo ko siyang tiningnan. "Sino?" Bumuntong hininga siya bago sumagot. "Si Althea." Nagtatakang tingnan ko siya. "Imposible ang sinasabi mo, Theo. Matagal na siyang wala." Matagal na tumingin siya sa akin. "Para sa taong nagmamahal, di mo maalis sa akin ang umasa. I saw her at hinabol ko ang sasakyan kung saan nakita ko siyang nakasakay. At nang mawalan ng preno ang sasakyan ko ay nakangiti ko itong ibinangga sa poste. Dahil ng mga panahon na iyon ay nagpapasalamat ako sa Diyos dahil muli niyang pinakita si Althea sa akin bago ako mamatay. Tanggap ko ng mamamatay ako ng mga oras na iyon. But here I am, still breathing." malungkot siyang ngumiti sa akin. "Theo." mahina kong bigkas sa pangalan niya. Gusto ko siyang yakapin dahil ramdam ko ang lungkot na meron siya. "Please, kalimutan mo na siya." "I can't." malungkot na sagot niya sa akin. "If yo never try, You'll never know. The truth is, unless you let go, unless you forgive yourself, unless you forgive the situation, unless you realize that the situation is over, you cannot move forward." "Nicole, napakaswerte ni Mikael na nandyan ka sa tabi niya. Masaya ako para sa inyong dalawa. Aaminin ko ng una, nakaramdam ako ng inggit. Dahil siya masaya, ako hindi. Nakakatawa pero hiniling ko na sana maramdaman ni Mikael ang sakit na nararamdaman ko. I am not a good person katulad ng pagkakakilala mo sa akin. I am a devil in disguise. Kaya hindi ko alam kung bakit ako binigyan ni God ng pangalawang pagkakataon para mabuhay." "Maybe it is the way of telling you to move forward. Let go of the past. Magmahal kang muli. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong magmahal at mahalin. Please be happy." "You're my sunshine, Nicole. Always." nakangiting saad niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD