"Kumusta na si Theo?" Tanong ko habang kumakain kami ng hapunan ni Mikael. Halata ang pagod sa kanyang mukha. Maaga siyang umalis sa trabaho at dumiretso ng Hospital para dalawin si Theo. "Sana sinabi mo sa akin na pupuntahan mo siya para nasamahan kita."
"Alam kong busy ka sa shop mo. Ayaw na kitang istorbohin pa." sagot niya na may tipid na ngiti sa labi. "Maayos na rin naman siya. Nakakakilos na rin siya ng maayos. Bukas or sa makalawa maari na rin naman siyang lumabas. Hinihintay na lang ang ibang result ng lab tests na ginawa sa kanya."
Hanggang ngayon tumatakbo pa rin sa isip ko ang huli naming pag-uusap ni Theo na na nakita niya si Althea. "Wala bang nabanggit si Theo sayo ng dumalaw ka sa Hospital?"
"Wala naman. Mailban lang sa dahilan kung bakit siya naaksidente. Nawalan ng preno ang sinasakyan niya. Yun din ang lumabas na result sa imbestigasyon" Sagot ni Mikael sa tanong ko. "Bakit, may iba pa bang dahilan?" tanong niya sa akin habang kumakain.
"Kasi may nabanggit siya sa akin." Pabulong kong sagot na nagpatigil sa kanya sa pagsubo. Tumingin siya sa akin ng seryoso bago magsalita.
"Anong sinabi niya sa'yo?" seryosong tanong niya.
"Sinabi niya sa akin na nakita niya si Althea na nakasakay sa isang kotse. Hinabol niya ito bago mawalan ng preno yung ssasakyan niya." Mahina pero sigurado akong narinig ni Mikael ang sagot ko.
Matagal bago nagsalita si Mikael. Mga isang minuto ata ang lumipas bago siya nagsalita. "He's ust missing her. Imposible ang sinasabi mo. Althea is already dead. Kung totoo man ang sinasabi ni Theo, maaring kamukha lang ni Althea ang nakita niya."
"Pero, what if?" saad ko at hinawakan sa kamay si Mikael. "What if, Mikael. What if kung buhay siya?"
Kumunot ang noo ni Mikael ng marinig niya ang sinabi ko. "Imposible ang sinasabi mo, Nicole. Patay na si Althea. And if she's alive, bakit hindi siya mahanap ni Theo? Theo is the owner of the best security agency."
"I'm sorry. Wala naman kasi kahit sino sa atin ang nakapunta sa burol niya. Kaya di ko rin maiwasan na di mag-isip ng ganun." Malungkot kong sagot. "Di ko lang din maiwasan na di mag-alala sa kay Theo. He is not the same Theo as before."
Inalis ni Mikael ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Itinaas niya ang kamay niya at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. "alam kong nag-aalala ka sa kanya. Ganoon din naman ako. He's my cousin pero wala akong magawa. Pero sa tingin ko, masa maganda na huwag mo na siyang suportahan about Nicole."
Tumango ako at tipid na ngumiti bilang sagot sa sinabi niya. Siguro nga mas maganda na huwag na akong dumagdag sa pagbibigay ng pag-asa pa kay Theo about Nicole. It's like giving him false hope about her."
Ngumiti din sa akin si Mikael at hinalikan ako sa labi. "I need to go. Huwag mo na rin akong hintayin mamaya. Baka late na akong makauwi due to client meeting." Tumayo na rin siya at naghanda na sa pag-alis.
"Okay. Ingat sa byahe." Paalam ko sa kanya.
"I love you." He said at hinalikan ako sa noo bago umalis at hindi na hinintay ang sagot ko.
"I love you too." Pasigaw kong sagot upang marinig niya.
***********************************************************************************************
It's already past 9 ng gabi nang makauwi si Mikael sa bahay nil ani Nicole. Inaasahan na niya na mahimbing na natutulog ito sa kama. Paakyat na sana siya sa kwarto ng makarinig siya ng busina ng sasakyan sa labas ng bahay. Nagtatakang tumingin siya sa pinto dahil wala naman siyang inaasahang bisita ng mga oras na iyon. Lumabas siya ng bahay at nakita niya si Nicole palabas ng sasakyan. "Saan ito galing?" tanong niya sa sarili.
"Kakauwi mo lang?" nakangiting tanong ni Nicole nang makalapit ito sa kanya.
"Yes. Ikaw. saan ka nagpunta?" nagtatakang tanong niya rito. Hindi niya magawang maging masaya ng makita ito na galing sa labas at kakauwi lang ng ganitong oras.
Yumakap ito sa kanya bago sumagot. "Galing ako kina Theo. Kalalabas niya lang ng hospital kanina kaya naisipan ko na dalawin na rin siya."
"Bakit?" inis kong tanong sa kanya at humiwalay sa pagkakayakap niya.
Nagtataka siyang tumingin sa akin dahil na rin sa ginawa kong pagkakaalis sa yakap niya. "Anong bakit?"
"Bakit kailangan mo siyang dalawin na mag-isa?" naiinis kong tanong.
"Bakit hindi?" inis na rin niyang sagot. "Masama ba na dalawin ko si Theo ng mag-isa? Di ba nga sabi mo kaninang umaga may client meeting ka today? Alam nang istorbohin kita para magpasama pa s'yo sa pagdalaw sa kanya." Sagot niya sabay lakad papasok ng bahay. Sinundan ko siya sa loob.
"Saan ka pupunta? Di pa tayo tapos mag-usap." Mariin kong saad sa kanya ng makita siyang paakyat ng hagdan.
Huminto siya sa paghakbang at lumingon sa akin. "Nag-uusap ba tayo? Akala ko nagtatalo na tayo eh." Sarkastiko niyang sagot.
Kinalma ko ang sarili ko at mahinahon na nagsalita. "Nicole, I don't want to argue with you. Pagod ako sa trabaho."
"Wow, pagod din naman ako. At hindi ako ang nagsimula ng away. Ikaw." Sabay turo sa akin.
"At saan ka naman napagod?" di ko maiwasan na di magtaas ng boses ng marinig ko ang sinabi niya. Bumabalik sa akin ang kaalaman na dati siyang may gusto kay Theo. Hindi ko maiwasan na di magselos.
"Hindi ko gusto ang tanong mo, Mikael." Mataas na rin ang boses na sagot nito. "Bahala ka sa kung ano ang gusto mong isipin pero pagod din ako. Hindi lang naman ikaw ang may trabaho sa ating dalawa." Dire-diretso na itong umakyat ng hagdan.
Napabuntong hininga na lamang ako para kalmahin ang sarili ko. Naiinis ako at ayaw ko sanang magtalo kaming dalawa pero... Damn it! Iniisip ko pa lamang na silang dalawa lang ni Theo ang magkasama ngayong araw ay nagseselos na ako. I know Theo will not do something to Nicole na di ko gusto, but the mere fact na first love ni Nicole si Theo!
Sinundan ko si Nicole sa kuwarto. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siya na nakahiga patagilid sa kama. Unti-unti akong lumapit sa kanya. Humiga ako at niyakap siya patagilid. "I'm sorry." Bulong ko sa tenga niya habang yakap siya. "Ayoko lang na mag-isa kang pumupunta kay Theo."
"Bakit? Kung issue pa rin ay ang pagkakagusto ko dati sa kanya, nagkakamali ka ng iniisip." Saad niya na di inaalis ang pagakakayakap ko sa kanya.
"I'm sorry pero di ko maiwasan na di magselos."
"Walang dahilan na magselos ka sa pinsan mo, Mikael. Ikaw na ang gusto ko ngayon. Kaibigan na lang ang tingin ko kay Theo. Wala ng iba. Nagpunta akong mag-isa sa kanya dahil malinis ang intensyon ko. I know how vulnerable he is now kaya gusto ko siyang damayan at tulungan." saad niya at humarap sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Gusto ko rin naman na magkasama sana tayong dalawa kanina pero alam ko na busy ka sa trabaho at ayokong istorbohin ka pa."
"Hindi ka na galit?" paniniguro kong tanong sa kanya. Ayoko na magalit sa akin si Nicole. Ayaw ko na bigyan siya ng dahilan para iwan ako.
"Hindi na. Ikaw, di ka na rin ba galit sa akin?" balik tanong niya.
"Never akong magagalit sa'yo." Sagot ko.
"Eh, ano yung kanina? Di ba galit ka?"
"Nainis, oo. Pero galit, hindi."
"Ikaw ang bahala." Pag-sang ayon ni Nicole sa sagot ko.
"Pero maari ba, sa susunod, huwag ka nang makipag kita kay Theo ng mag-isa. Nagseselos ako."
Kunot-noong tumingin siya sa akin. Bumuntong hininga bago sumagot. "Okay. Para wala ng gulo. Baka kung saan pa mapunta yang pag seselos mo ng wala naman sa lugar."
"I love you... So much." He said sabay yakap ng mahigpit sa nag-iisang babaeng mahal niya ng labis. Siguro nga di na mawawala ang pagseselos na nararamdaman niya sa dalawa. Naging saksi kasi siya noon kung paano minahal ni Nicole si Theo. At isipin na maaring bumalik ang nararamdaman ni Nicole kay Theo ay di niya maiwasan. Siguro sa paglipas ng panahon ay matatanggap niya na sa sarili niya na walang dahilan ang pagseselos niya. Ngunit sa ngayon, hindi na muna maaring magkita ang dalawa na sila lamang ng di siya kasama.