Kanina pa ako hindi mapakali. Habang hinihintay na matapos sa paghuhukay ang mga tauhan ko sa lupa. Panay hithit ako sa sigarilyo para mabawasan ang tensyon na naramdaman ko. I was a bit tense and nervous. I'm also afraid, baka totoong mga buto ni Rena ang nandiyan sa ilalim, nakabaon. Mawawalan na talaga ako ng pag-asa na makita siyang buhay kapag ganoon. There's still part of me, hoping that she's still alive. Sana hindi ako mabigo sa hinala ko. Sana wala ang asawa ko riyan. "Bossing, nakita na namin ang kabaong!" anunsiyo ni Freddie. "Make it fast," utos ko saka muling hinigop ang usok ng sigarilyo. Namulsa ako at kalmadong nakatanaw sa ginagawa nila pero sa kalooban ko gusto nang magwala ng lamang loob ko sa labis na kaba. Ilang sandali pa nakuha rin nila ang kabaong sa lupa. Ni

