Kung meroong mang masakit sa pagkawala ni Rena tatlong taon ang nakalipas. Mas masakit pa lang malaman na hindi ka na maaalala ng taong pinapahalagahan mo. Ang taong mahal mo. "W-Wife..." ngarag kong sambit. "Hindi mo ba maintindihan? Wala akong asawa. Stop calling me your wife, Mister!" Lumunok ako at huminga nang malalim. Umatras ako palayo sa kanya saka tumango. I don't want to pressure her. Hindi ko alam kung ano'ng mga pinagdaanan niya sa tatlong taon na hindi ko siya nakikita. Mukhang malalim rin ang hinugot niyang galit habang nakikinig sa pagtawag ko sa kanya ng 'Wife'. While seeing her right now she looked so fine. Marami siyang suot na alahas at bagay sa kanya ang fitted dress na suot. Mas naging mature ang mukha niya ngayon. She's stunning and still beautiful. "Bakit ka

