CHAPTER 5: Katawan

2323 Words
Froilan is right. Pinapahamak ko lang ang sarili ko kapag sinabi ko sa Lolo Rufino niya ang totoo. While we are eating together in the dinning table, marami siyang tanong sa akin. About my lifestyle, my family background and what's my favorite things to do. "Actually, I'm the owner of the Casa De Salazar's five star Hotel. My dad is a farmer and a well-known-business man. My mother is a farm business owner too. We have a lots of businesses here in Asia." Kumain ako ng breakfast at medyo tensiyonado ako dahil kaming dalawa lang ng lolo niya ang nandito sa dinning area. Nakakainis na lalaking 'yun..Talagang hindi ako sinamahan ni Froilan rito. Mabuti na lang magaling akong sumagot, para lang akong nakipag-meeting sa mga ka board meeting. Masiyadong pormal ang lolo ni Froilan. He's a bit serious. At masiyadong matanong. "I see, good to hear that you're living in a luxury's life. Magaling talagang mamili itong apo ko. That's why he's my favorite." Ngiti ang ginawad ko sa matanda dahil hindi ko alam ang sasabihin. I pretended to be comfortable. Natatakot akong magkamali ng sasabihin lalo na't may mga bodyguards ang nagbabantay sa amin rito sa dinning area. Baka magsumbong pa kay Froilan at mayayari pa ako. "Na kwento ka nga po ni Froilan sa akin. He said that you're a good grandfather to him." Inayos ko ang buhok. Iniwas ang tingin sa matanda para hindi nito mahalata ang pagsisinungaling ko. Malay ko ba sa bonding nilang dalawa? Pero mukhang magkasundo naman ang mag-lolo. Baka tama rin ako. "Really he said that?" he asked amused. Marahan akong tumango. Ininom ko ang juice sa lamesa. "Yup... And he really loves you." Tikhim ko. Nakita ko ang pagngiti nito. "He never said that to me not even once, iha. He only told me that he hate me. 'Cause, I'm so strict to him." Na ubo ako nang wala sa oras. Napatitig tuloy ang matanda sa akin. Inabutan niya ako ng tubig at halatang nag-alala. Kinuha ko ang glass of water saka ininom. "Dahan-dahan sa pag-inom, iha." I only nodded my head. Geez! Ang daldal ko masiyado. Mali-mali naman ang sinabi ko. Baka mahalata pa ako ng matandang 'to na gumagawa lang ako ng kwento. Pagkatapos kong uminom nilapag ko ang baso saka ngumiti kay lolo Rufino. Kailangan kong makalusot. "I'm so glad to meet you Mr.Rufino. Kung alam niyo lang kung gaano ka proud si Froilan sa inyo. Siguro hindi niya lang masabi sa inyo nang harap-harapan dahil takot siya sa inyo. But I know that he really loves you. And he respects you a lot." And just like that... Nakalusot rin ako nang makita ko ang tuwa nitong titig sa akin. "Maybe you're right. Ngayon pa lang kita nakita, iha. I really don't know your face yet. Since my grandson doesn't want to introduce you. He always said, sa kasal niyo raw ipakilala ka niya sa akin. Hindi naman niya ako binigo sa babaeng pinili niya. You're beautiful and very independent." Humaba ang usapan namin ni lolo Rufino. Hanggang sa umabot na kami sa punto kung saan nanginig ang laman ko sa tanong niya. "How much do you know my grandson, Rena? Does he tell you everything? Did you accept him even though he's like that?" Lumunok ako ng laway. Nag-isip muna ako ng maisasagot. What did he mean? Bakit? Aswang ba ang apo nito para tanongin niya sa akin 'yan? "Alam ko po ang nangyayari sa buhay ni Froilan. He's my husband, and it's my responsibility to know what he feels and what's bothering him. Loving him and accepting his flaws or bad things to do is part of our marriage." Gusto kong palakpakan ang sarili dahil ang galing ko pa lang sumagot kahit wala naman akong experience tungkol sa pagmamahal na 'yan. Tumango si Mr.Rufino. Tumigil siya sa pagkain at diretso akong tiningnan. "Ito lang ang masasabi ko sa'yo, iha. Huwag na huwag mong lolokohin ang apo ko. At huwag kang magsinungaling sa kanya. Dahil ako na mismo ang gagawa ng paraan para ipaghiganti kung sino man ang manakit kay Froilan. I really love my grandsons. At ayaw ko sa babaeng mag-ta-traydor lang sa amin. Mas lalong ayaw ko sa sinungaling. Alam mo ba ang ginagawa ko sa mga taong sinungaling?' "P-po?" Kinurap ko ang mga mata. Hindi ako handa sa tanong nito. Muling gumuhit ang nakakatakot niyang tingin. "Nililibing ko ng buhay. Lalo na sa mga taong nagpapanggap lang." Biglang sumeryoso ang tingin ni Mr.Rufino sa akin. Suminghap ako at tila nawalan ng lakas dahil sa narinig. Kinurap ko ulit ang mga mata. Kung ganoon, tama nga talaga si Froilan? Mas masama pa ang lolo niya? Teka? Kung ganoon... There's a possibility na mamatay talaga ako kapag sinabi ko sa kanya na sa pilitan ang pagpapakasal ko kay Froilan at nagpapanggap lang ako ngayon sa kanyang harapan? He hate pretending right? Ano'ng klaseng mga tao ba ang kasama ko sa rest house na ito? Bakit tila mamatay tao silang lahat? Including this old man? What are they? Ganito ba talaga ang mga sindikato? Hindi natatakot pumatay? Pagkatapos nang umaga na 'yun hindi na ako bumalik sa paglabas ng kuwarto. For real, I'm scared on that old man. I don't want to talk to him anymore. Nagkulong ako sa loob at sinabi ko kay Froilan na masama ang pakiramdam ko. Ayaw kong magpa-isturbo. Kailangan kong magpahinga. Mabuti naman at naniwala siya kaya hinayaan niya akong magkulong. Naghatid lang siya ng lunch saka dinner sa kuwarto namin. And he asked me what was happening during breakfast this morning. "My grandfather asking me if you're okay. He wants to see you. Kinakamusta ka niya. Ano'ng pinag-uusapan niyo ni lolo kaninang umaga? Did he scare you?" Nilapag niya ang tray ng pagkain sa bed side table. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang lakas naman ng loob niyang magtanong niyan. "This is your fault! Hindi mo ako sinamahan sa breakfast kanina. Tinatakot niya ako! Hindi ba talaga kayo natatakot pumatay?" Hinilamos ko ang pagmumukha. Until now nanginginig ako nang maisip kong mamatay lang ako rito sa Isla kung magkamali ako. Mag-lolo ba naman ang kalaban ko at handang pumatay. "If you want me to save you. Then behave," seryoso niyang saad. Umigting rin ang bagang nito. Umupo siya sa dulo ng kama. I was there looking at him hatefully. "How can I behave, Froilan?! Gustong-gusto ko nang umuwi pero hindi mo ako pinayagan. Hindi ka naman totoo sa mga pangako mo na pauwiin ako kapag nakasal na ako sa'yo!" Sumiklab ang nanaliksik nitong tingin sa akin. Kahit kalmado naman ng mukha niya pero ang mga mata nito ang nagsasabi ng totoo niyang emosyon. Mukhang hindi niya gusto ang sinabi ko. "Kung gagawin mo lang ang lahat ng utos ko habang nandito si lolo Rufino hindi ka mahihirapan. I swear, after this...I'll make you go home. Hindi na rin kita guguluhin. Do your job as my wife and I'll protect you." Iniwas niya ang tingin pagkatapos tumayo. Tumitig na lang ako sa kanya gamit ang nanliit kong tingin. Hindi na ako makasagot nang tumalikod na ito at sinabi ang huling kataga... "Kumain ka na. Kakausapin ko lang si lolo, ipaalam ko sa kanya na masama ang pakiramdam mo kaya hindi ka lumalabas rito sa kuwarto. But tomorrow, be prepared and act normal as my wife. Hindi ka pwedeng magkulong na lang rito." Naglakad siya papunta sa pintuan. Tanging likod niya lang ang pinagmasdan ko. Malalim akong nag-isip sa tamang gawin at paano ko pakisamahan ang mag-lolo sa Isla na ito. Ito na yata ang pinakamahirap sa lahat. Ang magpanggap ako na masaya kahit hindi naman talaga. Sa gabing 'yun kumain ako at ilang sandali pa naligo saka nakatulog rin agad. Hindi ko na nga hinintay ang pagpasok ni Froilan sa kuwarto. Hindi ko rin na pansin ang pagpasok niya sa loob dahil mahimbing na ang tulog ko sa kama. Pagkagising ko, nakarinig ako na may naliligo sa shower room. At pagtingin ko sa higaan ni Froilan maayos ulit na nakatupi ang kanyang higaan sa sulok. Did he sleep here last night? Nanatili ako sa kama. Hindi alam kung ano'ng gagawin sa umagang 'yun. Narinig ko ang pagbukas ng shower room. Agaran kong pinikit ang mata dahil ayaw ko talagang makausap si Froilan. Bukod sa lagi itong iritado sa akin. Ang hirap rin makipagsagutan sa kanya. I heard his footstep. And a usual naamoy ko ulit ang mabango niyang shampoo at sabon. Narinig ko ang closet na bumukas. And I heard his every step on the floor. Ilang saglit pa narinig kong may kumatok sa kuwarto namin. Rinig ko ang yapak niya papunta sa pinto at may kinausap siya roon. Boses pa lang mukhang si Freddie. "Boss may problema tayo. Bumalik na sila. Mukhang hindi talaga sila titigil. Gusto ka talagang pabagsakin ng mga Avillana-" "Let's talk outside. My wife's sleeping," mariin niyang sabi. Narinig ko na lang ang pagsarado ng pintuan at hindi ko na narinig ang mga susunod nilang pinag-uusapan. Unti-unti kong dinilat ang mga mata. Tumingin ako sa ceiling na may malaking chandelier. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. My tears flow in my cheeks. Sobrang bigat sa pakiramdam dahil wala talaga akong idea kung ano'ng pinasok kong gulo. Ang alam ko lang masama ang mga taong nakapalibot sa akin at isa silang kampon ng sindikato na gumagawa ng illegal na gawain. Is this my future? Marrying a killer? Ano'ng klaseng tao ba talaga si Froilan? Naghintay ako ng ilang minuto kung babalik pa ba si Froilan sa kuwarto. Ngunit lumipas ang kalahating oras hindi pa rin ito bumalik kaya agaran na akong bumangon at naligo saka nagsipilyo sa umagang iyon. As usual nanguha ako ng damit sa closet niya. Isang white t-shirt at boxers pa rin ang suot ko. Today is my third day here. And as usual walang nagbago. Ganoon pa rin, bantay sarado ako ng mga tauhan niya. Kahit sa labas ng pintuan alam kong may nagbabantay riyan na bodyguards. Habang nasa kalagitnaan na ako ng pagbibihis ng boxer at confident kong tinanggal ang towel sa katawan ko kahit wala akong suot na bra. Biglang na lamang bumukas ang pintuan ng kuwarto. At na pagtanto ko na hindi ko pala ni-lock ang pinto. I was there only my boxers without any cover in my breast. "Oh my god!" Tinakpan ko ang dibdib gamit ang isang braso. Froilan is on the door, watching me with his cold stare. Nakita ko talaga ang pagkatulala niya habang tiningnan ang kabuuan ko. "What the fúck are you doing? Why you didn't lock the door?" Mabilis siyang tumalikod paharap sa pinto nang matauhan. Nakita ko ang pagtaas-ibaba sa kanyang balikat. He was breathing fastly, same as me. Para akong maiyak sa mga oras na 'yun. 'Cause I swear he saw my breasts. Mabilis kong sinuot ang puting t-shirt na malaki. Still, I'm not wearing my bra on it dahil nilabhan ko pa ito. Malaki naman ang mga damit niya kaya hindi mababakat ang dibdib ko. "Malay ko bang bukas pala 'yan?" sigaw ko sa sobrang inis. Pinakalma niya muna ang sarili. I heard him groaning ."You're done changing?" "I'm done!" irita kong sagot. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakita niya akong halos hubad. Mabuti na lang may boxer na akong suot kaya hindi nito nakita ang hubo't-hubad kong katawan. Ngunit kahit na ganoon, nakita niya pa rin ang dibdib ko. I felt like, he's been harassing me physically. Humarap si Froilan sa akin. Magkasalubong ang dalawa nitong kilay. Sinuyod niya ng tingin ang suot ko. Umigting ang kanyang panga nang tumagal ang suot nito sa kanyang damit pababa sa hita ko na masiyadong kita dahil maiksi naman ang boxers niya at natatabunan ng suot kong t-shirt. "Masiyadong maikli ang suot mo. Maraming lalaki rito sa Isla. I can't let you go out wearing that. And you seems not wearing any bra?" Nanaliksik ang tingin niya. "What the! Are you looking at my breast?" Suminghap ako sa pagkat nahalata niya pala na wala akong suot na bra. I covered it again using my arm. "I saw it accidentally, Rena. And your shirt is white... Your-" "Shut up!" Tumalikod ako at nakaramdam ng hiya. Tiningnan ko ang dibdib at doon ko lang na pansin na bakat nga ang u***g ko. Kahit maluwag pala ang suot ko, makikita pa rin dahil hindi naman ako flat chested. "You stay here... Magpapabili ako ng damit mo kay Freddie at Jerremiah. Just list down what you want. Para mabili nila sa kabilang Isla. I heard there's a small vendor in there selling clothes and such things..." "Hindi ako nagsusuot ng 'di branded!" wika ko sa sobrang inis. "I can buy you a branded clothes but it takes almost seven hours before they could come back here. Makapaghintay ka ba kung ganoon?" Huminga ako nang malalim. Dahil gusto kong magmatigas at gusto ko rin na dito muna ako sa kuwarto. Tumango ako kahit hindi niya nakita. "I can wait... As long as it is branded." "Alright... List down the branded clothes that you want then. Doon ko sila pabilihin ng mga gusto mo. And since, you can't go out today. I'll bring your breakfast here. Huwag kang lalabas," paalala niya sa mariin na salita. He's like frustrated. Narinig ko ulit ang pagbukas ng pinto at paglabas nito. Ilang saglit akong nagpakawala nang hininga. Umupo ako sa kama at namoblema dahil nakita ng lalaking 'yun ang katawan ko. Masiyado mang OA pero pakiramdam ko. Lumiit ang tingin ni Froilan sa akin. At naiinis ako dahil hindi ko magawang magalit sa lalaking 'yun dahil hindi naman niya sinasadya na mahuli akong nagbibihis sa kuwarto. I'm so stupid! Bakit hindi ko na check ang pinto kanina kung nakabukas ba ito o hindi? Sinapo ko ang noo at iniling ang ulo. Naghanap na lang ako ng damit na makapal para kahit paano, hindi bumakat ang dibdib ko kung sakali mang babalik na si Froilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD