"Ma'am Rena! Ito na ang mga damit mo!"
Umawang ang bibig ko sa daming paper bags na dumating sa kuwarto. Pasado alas nwebe na ng gabi at kadarating lang ni Freddie at Jerremiah galing sa pagbili ng mga nilista kong gamit. They came here with too much things carrying on their hands.
"This is too many!"
Sa daming paper bags na nilapag nila sa kama para akong nalula. Sa pagkakaalam ko good for 5 days stay lang ang pinamili kong damit. Pero itong nakahilerang paper bags parang aabutin yata ako ng 30 days.
"Utos ni boss na bilhan ka pa ng maraming damit bukod sa mga nilista mo. Kaya 'yan sobrang dami naming dala. Nahihirapan pa kaming mamili dahil lahat ng branded na damitan pinuntahan namin," saad ni Jerremiah.
"Putik talaga 'to si bossing. Ginawa pa kaming alalay nito. Sa pagkakaalam ko bodyguards lang ang trabaho namin. Hindi tagabili ng damit na pambabae," reklamo naman ni Freddie sabay kamot sa ulo.
Sinapak siya bigla ni Jerremiah sa batok. "Nagrereklmo ka pa diyan. Tuwang-tuwa ka pa nga sa panty at bra na nakikita mo kanina."
Namula ako nang wala sa oras. Oo nga pala, they are mens. Ang awkward dahil sila ang bumili ng mga underwear ko.
Before I could say any words. Narinig ko ang boses ni Froilan na kapapasok lang sa kuwarto.
"You can go out now both of you. I need to talk to my wife," baritono nitong utos.
Nagmadali namang umalis ang dalawang tauhan nito. Halatang takot talaga sa tuwing dumarating ang presensiya ng lalaki. Naiwan kami ni Froilan rito sa kuwarto.
"You like it?" he asked.
Inayos ko ang mga paper bags para may pagka-abalahan dahil ang hirap kapag kasama ko ang lalaking ito sa iisang kuwarto. I can't talk to him straight and I felt uneasy when he's around. He's really intimidating, the way he stare and the way he talk.
"Ang dami nito. I still have 3 days left staying in here. Hindi ko ito masusuot lahat," tikhim ko at tiningnan ang mga lamang paper bags.
"You can keep it," simpleng sagot niya.
Nakita ko ang sapatos niya na tumindig sa harapan ko. Hindi ko siya magawang tingnan dahil pakiramdam ko manginig lang ang kalamnan ko sa tuwing magkasalubong ang tingin naming dalawa. Wala kasi itong ibang ginawa kundi ang takutin ako.
"Okay... Thanks. But you know, this is too much," ulit ko sa mababang tinig.
"Money doesn't matter, Rena. Just tell me what you want and I can give it to you."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi ko mapigilang tingnan siya. Naabutan ko ang seryoso nitong tingin sa mukha ko. Nakadungaw siya sa akin gamit ang blangko niyang ekspresyon. Ang itim nitong mga mata ay tila kumislap nang magkasalubong ang tinginan naming dalawa.
"I have a question for you." Umayos ako sa pagkakaupo. Ilang beses na itong tumatak sa isipan ko ang kaso lang takot akong magtanong sa kanya dahil alam kong magagalit ito. Now that I have a courage.
"What is it?" He raised his brows.
"Bakit ako? Bakit ako ang pinakasalan mo, Froilan? Dahil sa totoo lang, guwapo ka naman. Maraming babaeng magkagusto sa'yo kung sila ang aalukin mo ng kasal. Hindi 'yung ganito... Sa pilitan ang ginawa mo sa akin. At ayaw ko sa nangyari sa akin ngayon. I'm not ready to get married at the early age. Isa pa... Hindi natin mahal ang isa't-isa."
Namulsa ito sa harapan ko.Magkasalubong ang dalawa niyang kilay. Mariin niyang tinikom ang bibig at nag-iwas ng tingin.
"Because I don't have a choice. You're the only one who's here." Dumilin bigla ang mata niya. I felt shiver when our eyes met again.
"W-What do you mean?" nalaglag na lang ang panga ko. I don't get it. I want more of his answers but he doesn't want to talk to me anymore.
"No more questions. Kumain na tayo ng dinner. My grandpa wants to see you. Sumunod ka na sa dinning table after you've change your clothes." Tiningnan niya ang suot ko. Suminghap ako nang matagal na naman ng tingin niya sa t-shirt kong suot. "Make it fast," dugtong niya.
Iniwan niya ako sa kuwarto na hindi nasagot ang mga bumabagabag na katanongan sa isipan ko. Kagaya na lang kung bakit ako ang ginusto niyang pakasalan? Dahil sa totoo lang. Isang estrangherang babae rin ako. He doesn't know me yet. So how come? And what's his reason why he married me so fast? Does he have a girlfriend? Hindi ba siya sinipot at naghanap siya ng pamalit?
Pinilig ko ang ulo. Bahala na nga siya. Ang mahalaga lang naman sa akin kung paano ako makakatakas sa puder niya lalo na't kasal kaming dalawa at walang nakakaalam maski pamilya ko na kinasal na pala ako. Maybe I should keep this a secret right once I go home? This is a big trouble if they know what's happening to me.
Ayaw kong bumababa ang tingin ng pamilyang Salazar sa akin lalo na't wala akong pinakilala na boyfriend sa kanila. Ano nalang ang sasabihin ng mga kuya ko kapag nalaman nila na ganito ang nangyari? Nagpakasal ako sa isang estranghero. Isn't it weird?
I decided to take a bath first to loosen up myself and change my clothes and this time I put my new bra before I went out downstairs. Naabutan ko na ang mag-lolo na seryosong nag-uusap pero hindi ko na klaro ang mga pinagsasabi nila dahil tumahimik rin ang dalawa nang makapasok ako sa dinning area.
"Good evening po," bati ko kay lolo Rufino.
"Good evening, iha. Come, take a seat. Kumain na tayo."
Mabilis na tumayo si Froilan para paghilahan ako ng upuan sa katabi nito. Tiningnan ko siya dahil ang bait niya talaga kapag kaharap si lolo Rufino. Parang kanina lang nagsusungit pa ito.
Nagkatinginan kaming dalawa. Sumenyas siya na umupo ako. Tinaasan ko muna siya ng kilay bago sumunod sa gusto niya. Hinarap ko ang matandang nakamasid pala sa amin.
"I'm really sorry lolo Rufino kung ngayon mo na lang ulit ako nakasama sa pagkain. Medyo masama ang pakiramdam ko kaya nasa kuwarto lang ako palagi." Nginitian ko ang matanda.
"No worries, iha. I understand, mukhang pinagod ka yata ng apo ko... You should be careful, Froilan. Malalambot lang ang mga babae kailangan mong ingatan si Rena. As I can see, she's really soft and sweet." Baling nito sa kanyang apo na tahimik sa aking tabi.
"I'm always gentle with her, Grandpa. I won't let anyone could hurt her."
Namula ako sa naging tugon ni Froilan. As if he's proud of protecting me. Huminga pa ako ng malalim para makalma itong nagharumentado kong puso.
Ngumuso ako...Sinungaling naman ang lalaking ito, magaspang ang ugali niya sa akin pero hindi ko alam kung bakit ganito ang naging reaction ko. I know that he's always lying about us. Dapat hindi ko ito lagyan ng malisya.
"Good to know that. Sana makagawa na kayo ng apo ko sa tuhod."
Muntik na akong maubo sa narinig. Tiningnan ko si Froilan sa aking tabi na kalmado lang na sinagot ang lolo nito.
"We will make a baby, Lolo Rufino. You'll be the one who knows about it first." Hindi halata sa kanya na may pakialam siya sa hiniling ng Lolo niya. Ang galing rin magpanggap ni Froilan.
Hinayaan ko na lang ang dalawa na mag-usap. Wala na akong masabi, mahiwaga para sa akin ang bawat pinag-uusapan nila lalo na pa tungkol sa anak. No way! Hindi ako papayag na magpabuntis sa lalaking 'to.
Kukuha na sana ako ng pagkain sa hapag nang si Froilan na mismo ang gumawa nu'n para sa akin. Pinagmasdan ko lang ang ginagawa niya subalit hindi ako makapaniwala na ganito niya ako tratuhin sa harapan ng lolo nito.
Alright, tatlong araw pa lang ako rito sa rest house pero nahihiwagaan pa rin ako sa kanya. He's really mysterious in my eyes. Kahit sa mga ginagawa niya ng simple. I take that as a serious matter.
"Is this enough?" he whispered. Tinutukoy nito ang ulam na nilagay niya.
"Y-yeah... That's enough." I bite my lower lips when I stuttering.
Pati baso ko nilagyan ni Froilan ng orange juice. After that, we eat. While we are eating, lolo Rufino keep on asking anything. Sinasagot naman siya si Froilan sa tuwing wala akong masabi.
"Kailan kayo mag-honeymoon, iho?"
Muntik na naman akong mabulunan dahil sa tanong ng matanda. Mahigpit kong hinawakan ang kutsara.
Medyo matagal sumagot si Froilan ngunit kalaunan narinig ko ang paglagay niya ng tinidor at kutsara sa plato.
"I'm busy, lolo... Marami pa akong aayusin sa trabaho. And the organization... We still have a problem on it. I need to fix it as soon as possible."
Organization? Hindi ba't kuponan 'yun? Ano 'yan? May grupo sila? Ano'ng grupo kung ganoon?
"Unahin mo muna ang asawa mo, iho. Bagong kasal lang kayong dalawa. You need to focus on her before working the field."
"Our honeymoon can wait. Our business couldn't. I need to handle it first before we can have our time together. And besides, I can bring my wife anytime while working. Don't worry, she's safe with me."
"Is that okay with her?" makabuluhang tanong ni Lolo Rufino. Hindi ko masiyadong makuha ang pinag-uusapan nila. Nakita kong sinulyapan ako ng matanda. "She's involved in your life. And she's really in danger. Sinabi mo na ba sa kanya?"
Umayos ng upo si Froilan. Tumikhim sabay iling ng ulo.
"Not yet. She's part of our organization from now on. She's already a Monarez. She has to know everything so that she's prepare. "
"About your marriage. You must keep this a secret, iho. Mahirap na baka may masamang mangyayari kay Rena. Nasa paligid lang sila. Anytime pwede siyang mapahak." Sumeryoso si lolo Rufino.
What are they talking? Am I clueless. All I know. I'm not really safe.
"I'll take care of her. Hindi ko hahayaang lumayo siya sa akin. Maski pakawalan, we have many enemies. I need to protect my wife no matter what."
Natigil tuloy ako sa pagkain. Hindi ko maiwasang umisip ng malalim dahil sa wika nito. Kahit hindi ko masiyadong makuha ang pinag-uusapan nila. Hindi naman siguro totoo ang sinabi niya na hindi niya ako pakawalan? Of course he will said that because his lolo are in front of us.
He already promised to me that he will make me go home after this. Hindi na rin niya ako pakikialaman. Kaya malamang hindi niya gagawin ang pagkulong ko sa puder niya.
Pero bakit tila... Nabahala ako sa mangyayari sa akin. Kahit wala akong masiyadong maintindihan. Hindi ko maiwasang kabahan lalo na't alam kong masamang tao si Froilan at mukhang pumapatay ng tao. What's his real intentions to me? Why he wants to keep me? Why he wants to protect me?
****
FROILAN MONAREZ POV
"Boss, tulog na ang asawa niyo. Bakit niyo pala kami pinatawag ni Freddie rito."
Tinigil ko ang paninigarilyo sa gilid ng dagat nang marinig ko ang boses ni Jerremiah sa aking likuran. Hinarap ko silang dalawa. I looked at them with my emotionless face.
"How do you know that she's already asleep?"
"Hindi na namin narinig ang ingay niya sa loob ng kwarto kaya alam naming natutulog na si Mrs.Rena. Panigurado 'yan bossing!"sagot naman ni Freddie.
Tumango ako. Namulsa at malayo ang tanaw sa dalampasigan. The cold air brushes my skin.
"Gusto kong malaman kung na saan ngayon si Grethel. May balita na ba sa girlfriend ko?" kalmado kong tanong.
I breathe heavily when I remembered her face. Her smile, her kisses to me. I miss her.
"Hanggang ngayon bossing hinahanap pa rin siya nga mga tauhan mo. Pero walang mahagilap na Grethel Thompson sa kahit saan," sagot ni Jerremiah.
"Did they checked the Hotels, the airports? Maybe she's going out somewhere."
"Maski sa airport walang pangalan niya na naka-book ng flight pero siguro pwede rin gumamit siya ng ibang identity para hindi natin malaman kung na saan ang girlfriend niyo. Mukhang tinakasan ka na talaga boss." Freddie sighed in disbelief.
Tagis ang bagang ko. I was thinking deeply where is Grethel right now. Until now I couldn't believe that I married a woman who's a stranger to me. Dapat sana ang babaeng mahal ko ang pinakasalan ko at kasama ko ngayon sa Isla pero hindi ganoon ang nangyari. Everything was ruined. And I fúck up! Hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa ko. I make myself mesirable.
"Oras na makita kung na saan siya. Gusto ko pa rin pakasalan si Grethel. I love that woman. I want to be with her for the rest of my life." Pinikit ko nang mariin ang mga mata.
"Pero paano si Rena? Siya 'yung dehado sa desisyon mo ngayon. Dahil hindi laro ang kasal niyo rito sa Isla. Totoo ang marriage certificate niyo. Ako 'yung naawa sa babae. Natali pa sa kagaya mo at wala man lang kaalam-alam kung ano'ng pinasok niyang gulo," Jerremiah said problematically.
I opened my eyes. Dumiretso 'yun sa kanilang dalawa. My eyes darken. I glared both of them. Who are they to judge me.
"She doesn't need to know everything about our transaction and what's our real business. Kapag wala na si lolo rito sa Isla. Pwede niyo na siyang i-uwi. We don't need to keep her. I don't want a burden woman in my life. She's far from my Girlfriend." Kinuyom ko ang kamao.
Knowing that Rena started to get curious about my real identity. I couldn't say it to her. Alam kong hindi siya mapagkatiwalaan. Kung may malalaman man siya tungkol sa akin. Maybe I should kill her. She doesn't need to know about me. She's just a stranger and nothing but an innocent woman who doesn't good at everything.
"Kasalanan talaga ito ng girlfriend mo boss. Hindi dumating sa kasal niyo. Paano natin masulusyonan ito kung nakilala na si Mrs. Rena ng lolo mo? Kapag nalaman ito ni Mr.Rufino. Hindi ka nu'n mapapatawad at parurusahan ka pa dahil nagsinungaling ka sa kanya," sabi ni Jerremiah.
"Hangga't walang magsasalita sa nangyari rito sa Isla. Hindi malalaman ng matandang 'yun ang lahat."
"Kung ganoon... Ano'ng plano mo boss Froilan? Mukhang mahihirapan ka rito. Paano kung malaman ni Rena kung sino ka talaga?"
"For now, I need to pretend and gain my grandfather trust. Ako na ang bahala kay Rena Salazar... Just keep distancing on her. Huwag niyo masiyadong kinakausap. I don't want her to know about us. About me."
Because this is also a planned. If she makes something na hindi ko nagustuhan. I'll surely want to burried her body without any traces. Hangga't hindi pa ako nahuli ni lolo Rufino tungkol sa kasal namin. I must protect her.
"Bakit mo pala ginawang makatotohanan ang kasal niyo? Pwede mo namang gawing fake marriage na lang para hindi ka na mahihirapan? " kuryusong tanong ni Freddie.
Tiningnan ko silang dalawa gamit ang mariin kong titig. Nakita ko ang pag-atras ng paa nila palayo dahil dumilin ang tingin ko.
"Isn't it obvious? My grandpa would take investigation about my marriage. He's smarter than us... Kapag gawin kong fake marriage ang kasal namin. Malalaman ng matanda na nagsinungaling ako...Don't worry, mawawala rin sa landas natin ang babaeng 'yun. Kung maari, patayin ko na lang para matapos na ang problema." Nagsindi ako ng panibagong sigarilyo upang makapag-isip ng mas magandang plano.
Dahil oras na mahanap ko si Grethel siya ang papakasalan ko. Rena and I... I will file an annulment paper or maybe I'll kill her to vanish her in my path... Dahil ayaw kong matali sa babaeng hindi ko naman minahal.