RENA SALAZAR'S POV
"Saan 'yung helicopter ko. Hindi ko na makita doon sa pinagbilinan kong lugar," tanong ko kay Froilan nang magawi ako sa sementadong lugar kanina kung saan ko nilagay ang heli.
Nang makita kong wala na roon. Agaran ko siyang sinugod sa balconahe rito sa rest house kung saan kita ang tanawin ng dagat. Sobrang mahangin rito. Umaalon ang buhok ni Froilan na nakaupo sa puting lounger.
He simply pull down his sun glasses through his nose bridge and looked at me with his cold stare.
"Who told you to go there." Sumimsim ito sa ininom na wine glass. Binalik niya rin ang sunglasses sa mata.
Hindi ko maiwasang mairita sa kanyang tugon. Pinagbawalan niya kasi akong lumayo sa resort. Ang sabi niya pwede akong maglibot-libot hangga't nakikita lang daw ako ng mga tauhan niya. Ang kaso hindi ko mapigilang puntahan ang helicopter ko sa likod ng rest house. I was hoping that it was still in there.
"Saan mo tinago ang helicopter ko? Hindi 'yun sa akin... My dad own it!" iritado kong sabi. Hindi pinansin ang tanong niya.
I was worried baka hanapin 'yun ni Daddy. And he will gonna question me about it.
"Tinapon ko," balewala niyang sagot. Hindi man lang ito nag-atubling tingnan ako sa kanyang tabi.
Uminit ang ulo ko. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"W-what? Why did you throw it? Saan mo tinapon?" Hinilamos ko ang pagmumukha.
"Sa malayo... Your helicopter has a tracker. I don't want anybody else can tract this place. Not even your family or your damn assistant!" Sa puntong ito bumaling siya sa akin. He gets very serious the way he speaks.
Why did he know that there has a tracker on it? Hindi ko nga alam na may ganoon pala.
Nagpadyak ako ng paa. I really don't know what to do. Hindi man lang ito na apektuhan sa pagtrantrums ko ngayon.
"I'm sure my brother and my parents would kill me!"
"I can buy you a new one. How many do you want?" Tinaas niya ang kilay. Muli siyang uminom sa wine glass. He's really calm the way he asked. Pinagmasdan pa rin ako gamit ang tinted shades nito.
Napanganga na lang ako sa kayabangan nito.
"Really? That helicopter has a sentimental value. Hindi 'yun basta-bastang heli lang! Ibalik mo 'yun sa akin, Froilan!" iritado kong wika.
Iniling niya ang ulo. "I can't do that."
Gusto ko siyang sampalin ngayon sa sobrang galit. Sinamaan ko lang ito nang tingin dahil sa katigasan ng kanyang mga salita. Kung gaano ako nangigil sa kanya, kabaliktaran naman ang emosyon nito. Tila walang pakialam kung magwawala man ako sa kanyang harapan.
"I really hate you. I swear, kapag pinakawalan mo na ako sa Isla na ito. Malalagot ka sa akin!"
"Are you threatening me, Rena?" mariin niyang tanong. Umigting ang kanyang panga.
"H-Ha?" Kinurap ko ang mga mata. Bigla akong na blangko.
Umayos ito sa pagka-dekwatro. Nilagay niya ang wine glass sa table saka tumayo. Napaatras ako nang humakbang ito palapit sa akin.
"Ano'ng gagawin mo kung ganoon?!" His voice thunder in my ears.
Naramdaman ko tuloy ang panginginig ng tuhod ko nang mas lalo niya akong nilapitan. Ramdam ko nalang na sumandal na ako sa bakal ng balconahe kakaatras ko.
Ang palubog na araw ay tumama na sa mukha ni Froilan. Mas lalo siyang nakakatakot dahil sa liwanag na kulay orange. Kahit may suot itong tinted sun glasses. Mas lumalala ang pagiging seryoso nito.
"What I'm trying to say... Iiwasan ko na talagang magkita pa tayo." I tried to reasoned out but he doesn't buy my excuses. Kinilatis niya ako ng tingin.
Halos lumiyad na ako palayo sa kanya nang hinawakan niya ang bakal sa magkabilang bewang ko. He leaned his face forwards. And he breathed heavily. Hindi ko alam kung saan siya nakatingin dahil sa kanyang sunglasses na nakaharang sa kanyang mata.
"Did you know what will happen to you after you left here?" nakakatakot nitong tanong.
Nanigas yata ang bibig ko. I swallowed hard when he leaned his face towards my ears.
"You will die, Rena. If you won't behave. I want you to shut your damn mouth. Kung gugustuhin mo pang mabuhay," banta nito na nagpakaba sa puso ko.
I pushed him away from me. Sinamaan ko siya ng tingin. At ramdam ko talaga ang takot sa mga sinasabi niya. Tinitigan ko lang siya nang mariin. And suddenly i felt like my tears flowing down in my cheeks. I was literally scared. Sa tuwing sinasabi niya na papatayin ako, hindi ko maiwasang matakot.
"Huwag mo akong takutin!"
Hindi nagbago ang ekspresyon nito. Mabilis akong tumalikod at nagtatakbo papasok sa rest house. No more words can explain how much I want to punch him on the face.
Hindi ko lang talaga magawa dahil palagi niya akong tinatakot. I couldn't help my emotion. Hindi ko rin alam kung bakit nailabas ko ang luha sa kanyang harapan. Siguro punong-puno na ako sa pananakot niya sa akin at wala akong kalayaan rito sa Isla. Para akong nakakulong sa maliit na hawla. Limitado lang ang gagawin, maski sasabihin at kung saan ako pwedeng pumunta. Everything is limited.
For the whole day, I decided not to go out in my room. Nagkulong lang talaga ako. Maski sa lunch hindi ako lumabas. Noong may naghatid ng pagkain sa kuwarto. Akala ko siya ang pumasok. Nakahinga ako nang maluwag dahil si Freddie ang naghatid ng pagkain.
Kita kong iniwasan niya ako dahil hindi ito naging makulit sa akin. Hindi rin nagsasalita. Basta na lang nitong nilapag ang pagkain sa bed side table saka umalis.
Ganoon rin sa dinner. Si Jerremiah naman ang naghatid ng pagkain ko. Pareho kay Freddie, he ignored me too. Kumunot lang ang noo ko at hindi na lang pinagtuonan ng pansin ang trato nila sa akin. Kung inutusan man sila ni Froilan upang hindi ako pansinin. It's their choice. Mas gugustuhin ko pang ganito kay sa magpanggap na nasisiyahan sa kanila.
Tomorrow morning na pansin kong hindi rito natutulog si Rickson sa kuwarto. Dahil hindi man lang nagbago ang pagkatupi roon sa higaan niya. Ganoon pa rin kung paano ko ito inayos kagabi.
Ngumuso ako... Dapat na ba akong matuwa dahil roon? Dahil iniiwasan niya ako mula noong huling usapan namin sa balconahe kahapon? Did he felt guilty for making me cried?
Malakas akong nagbuntong hininga. Should I be happy because he never roaming around just to check on me?
Huling araw ko na bukas sa rest house. Bukas na rin uuwi ang lolo nito. Siguro hintayin ko na lang ang araw na 'yun. Mas mabuting mag-iwasan muna kami hanggang sa makauwi na lang ako.
On that morning naligo ako. Pagkatapos kong maligo. Nagtaka na lang ako nang may breakfast in bed na ako. Pagtingin ko sa pintuan kalalabas lang noong taong naghatid ng pagkain ko. Hindi ko na nakita kung sino ang naghatid dahil tanging kamay nito ang nakita ko.
"W-Wait!"
Mabilis akong pumunta sa pintuan para silipin ang lalaking naghatid ng breakfast ko. Ngumuso ako nang makita ko ang lalaking tauhan ni Froilan. Naglakad palayo. Nagbuntong hininga ako at nakaramdam ng disappointment.
Teka? Bakit naman ako nakaramdam ng dismayado? Am I expecting someone to come in my room? Sino? Si Froilan?
Pinilig ko ang ulo saka nagbihis na lang. I also eat my breakfast. I decided na magkulong na naman sa kuwartong 'yun. Hindi ko ramdam lumabas ngayong araw. Ayaw kong makita si Froilan. Hanggang ngayon dinaramdamn ko ang pinag-uusapan namin kahapon.
I hate him for being so arrogant!
Hanggang mag-lunch hindi rin ako lumabas. Noong may kumatok sa pintuan para maghatid ng pagkain. Tumuwid ako sa pagkakaupo. I was expecting that Froilan was in there pero na isip ko na hindi pala 'yun kumakatok ng pintuan. Dire-diretso 'yun sa pagpasok sa loob.
I sighed heavily when I opened up the door. Isa sa mga tauhan ni Froilan na naman ang naghatid ng pagkain ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito ako na-dissapoint sa mga nakikita ko. I was really expecting him to come in our room but he wasn't showing his self.
Did he gave me space? Did he wants me to have freedom to do what I want? Or he just don't want to disturb me?
Ilang beses akong huminga nang malalim. Dapit-hapon sa araw na 'yun. I decided to go out. I felt like, It's so boring to stay there lalo na't wala naman akong kausap.
As usual maraming mga tauhan ang nakamasid sa akin sa loob ng rest house. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at hinayaan na lang silang sundan ako ng tingin. Hindi rin naman nila ako sinita. They also give me freedom to do what I want. Which is weird. Nitong nagdaang araw, lumalabas ako ng mag-isa rito sa rest house may nakasunod sa aking mga men in black. Pero sa araw na ito, they just keep on staring at me from a afar.
Hindi ko maiwasang matuwa. Ilang beses kong nilibot ang paningin sa paligid. Hinahanap ang presensiya ng lolo nito, baka pwede kong makausap man lang si lolo Rufino. Para maaliw naman ako. Or maybe...
Luminga pa ulit ako sa paligid. Hanggang sa pumunta ako sa labas ng rest house at nakita ko ang dalampasigan na sobrang puti ng buhangin.
Sobrang linaw ng asul na tubig ang bumungad sa akin. Hindi na mainit kaya nakaka-relax pagmasdan ang tubig alat. Para akong hinihila roon.
I roam my sight around. Muli akong naghahanap ng isang pigura ng lalaki. Alam niyo naman 'yun, bigla-bigla na lang sumusulpot. I was still expecting his presence.
Ngumuso ako nang hindi ko pa rin mahagilap si Froilan. Tsk! Bakit ko ba siya hinahanap? Hindi ba't gusto kong may kalayaan? Kapag nasa paligid 'yun. For sure maraming pagbabawal ang lalaking 'yun.
Iniling ko ang ulo. Namataan ko ang mga bodyguards sa may kalayuan. They still watching me.
Siguro naman pwede akong mag-swimming ngayon? Hinahayaan naman nila ako sa mga ginagawa ko ngayong araw. Siguro sulitin ko na lang.
Dali-dali kong hinubad ang suot kong sleeveless at isang maong shorts. Tanging natira sa akin ang underwear ko. Pumunta agad ako sa malinis na dagat at agad nag-dive roon. I couldn't help but smile in happiness while swimming deeply. Pagka-ahon ko, nakita kong nandoon pa rin ang mga tauhan ni Froilan sa kalayuan. Hindi talaga nila ako nilapitan o maski sinita sa pag-swimming. They only watching me. Naka-ilang paglangoy pa ako sa dagat. At ganoon pa rin nasa paligid pa rin ang mga tauhan ni Froilan sa tuwing umaahon ako.
Muli akong lumangoy sa may kalayuan pagkatapos bumalik ako sa dalampasigan nang mapagod. Pagkabalik ko sa tabi ng dagat kung saan ko iniwan ang damit ko. Pagtingin ko sa kalayuan wala na akong nakikitang mga tauhan ni Froilan na nakamasid sa akin. Kahit saan ako tumingin wala talaga maski-isa man lang. Ngumuso ako... Where are they? Nandyan lang sila kanina, ah?
I felt like freezing and it's weird. Kukunin ko na sana ang damit para makabalik na sa rest house nang maigtad ako sa baritono na tinig sa aking likuran.
"Who told you to swim here without my permission?!"
Pumikit ako nang mariin. Boses pa lang nito familiar na sa akin. I decided not to wear my shirts and short. Binitbit ko na lang ito at nagmamadaling naglakad pabalik ng rest house. Hindi ko siya pinansin.
Now that he's here. I don't want to talk to him. Parang kanina lang hinahanap ko pa ang presensiya nito. Tapos sa bandang huli iiwasan ko rin pala.
"I'm talking to you, Rena!" Hinablot niya ang braso ko at sa pilitan akong pinaharap sa kanya. I saw his darken eyes darted on my face. Nagtaas-ibaba rin ang kanyang dibdib. Nakita ko pang sinuyod ang katawan ko ng tingin at matapang na binalik ang tingin sa mukha ko. "You're not behaving again!" he warned deeply. Mukha pa itong iritado.
"Bakit pa ako magpaalam sa'yo? Gusto kong mag-swimming pati ba ito bawal rin? Ano, papatayin mo ako dahil nilabag ko ang gusto mo? Hindi mo naman sinabi sa akin na bawal akong maligo sa dagat!" naiinis kong wika.
His forehead crest. Malalim siyang huminga nang malalim. Kahit nanaliksik ang titig niya. Hindi rin nabawasan ang galit niyang mukha.
"At least you tell me what you want to do. Did you fúcking know that my men were looking at you? Are you fúcking aware that there are a lot of them here?"
Pinanliitan ko siya ng mata.
"Problema ba 'yun... Edi tanggalin mo ang mga tauhan mo sa paligid para hindi nila ako makitang nakaganito."
"I already did... So go back to our room. Change your clothes." Tinuro niya ang rest house na tila ba isa akong paslit na inuutusan niya.
Hindi ko maiwasang mainis. Nagpapadyak ako sa galit sa kanya at pinandilatan siya ng mata.
"Sana ginampanan mo na lang ang pag-iwas sa akin buong araw. You're so annoying. Alam ko ang ginagawa ko... Huwag mo akong utusan."
Padabog akong naglakad patungo sa rest house. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Hinayaan ko na lang ito. Hindi ko talaga mapigilan ang galit ko sa lalaking ito. Everytime he warned me. His very bossy.
Pagkapasok ko sa kuwarto, padabog ko ring sinirado ang pintuan. I was waiting him to go inside too dahil nakasunod lang naman siya sa akin. Ngunit laking takot ko nang marinig kong ni-lock niya ang pintuan.
I tried to opened it but it was being lock. Taranta kong pinukpok ang pintuan.
"Froilan! Why did you lock the door! Buksan mo ito!"
"You should learned your lesson, Rena. You're being so hard headed. You stay there... Hindi ka pwedeng lumabas hangga't hindi ko sinasabi."
"N-No! No... D-Don't do this to me! Huwag mo akong ikulong rito!"
Narinig ko ang yapak niya palayo. I keep on calling his name but he ignored my tone. Umiiyak na ako. Nagsisi tuloy ako kung bakit naging pasaway ako sa kanya. Wala na tuloy akong kalayaan. He's really a monster. Walang awa talaga si Froilan sa pagbibigay ng parusa sa akin.