FROILAN MONAREZ POV "Bossing nakatanggap tayo ng imbitasyon sa gaganaping party ng mga Yakuza Clan sa darating na linggo. Pambihira, ano kayang balak ni Mr.Hiroshima? Bakit niya tayo inimbitahan na pumunta roon sa Casiño De Hotel?" Natigil ako sa pagbabasa ng mga naka-compile na folder nang marinig ko 'yun galing kay Freddie. Nagkasalubong ang dalawang kilay ko saka binalingan ang gawi niya. "For what? Why did they invite us?" "Hindi ko rin alam boss. Basta 'yun ang nandoon sa imbitasyon, kailangan raw nating pumunta. May importanteng anunsiyo yata ang Thaddeus na 'yun." Kumunot naman ngayon ang noo ko. "Maybe he has a plan. Kalaban natin ang mga Yakuza Clan... Why would they want us to go on that party? May plano ba silang e ambush tayo sa loob ng Casiño De Hotel?" padarag kong ta

