Pagkarating namin sa Casiño De Hotel. Kalmado lang ako. Ang sabi ni Connor sa akin, hindi kami sa entrance dadaan kundi sa isang lugar na kung saan walang makakita sa amin. Doon sa backdoor ng Hotel. May mga security guard roon pero hindi naman gaano kadami ang nagbabantay. Pwede kaming makalusot roon para makapasok sa loob ng Hotel. Nakasunod lang ako kay Connor. Hinanda ko na rin ang baril ko, kung sakali mang may makakilala sa amin. Pwede naming patumbahin agad. Pagkarating namin sa backdoor. May apat na security guard nga ang nandoon nagbabantay. Dahil nakahanda na ang lahat ng gagawin. Sakto namang maraming mga kahon ang pinapasok sa loob ng back door. Mukhang mga wine 'yun. Kumuha kami ng tig-iisang kahon ni Connor saka sumunod kami sa mga taga-deliver ng kahon. May suot akong iti

