"Ahh Ryder? Bakit ka pala nandito? Diba galit si Maddox sayo?" tanong ko kay Ryder.
Mga ilang linggo na siyang nandito kaya nagtataka din ako kung bakit siya nandito.
Galit si Maddox sa kanya kasi may ginawa siyang kababalaghan kaya siguro kung makita man siya ni Maddox ay baka masuntok siya sa walang oras.
"Pakialam ko dun, gunggong naman yon." pa irap niyang sabi.
Kumunot ang noo ko.
"Ano pala ang nangyari?" tanong ko.
He sighed heavily.
"Malaking problema ba iyan? Kasi ang lalim ng hininga mo." sabi ko ulit.
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Gusto ko lang naman sana mag t****k!" iritado niyang sabi sabay nguso.
Gusto kong tumawa sa reaksyon niya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka magalit siya.
"A-Anong t****k ba yan? Yan ba yung tumitilaok?" tanong ko.
Tiningnan ako ng masama ni Ryder kaya napakagat ako sa labi ko.
"Taena naman pati ba naman ikaw mang-iinis din sa akin ngayon? Pero di bale ang t****k ay isang app sa cellphone." sabi niya kaya tumango-tango ako.
"Pwede kang sumayaw, lipsync at mag pa cute." sabi niya pa.
"Eh bakit galit ka kung gusto mo naman mag t****k? Edi mag t****k ka ngayon din." sabi ko.
"Wala akong cellphone, kinuha ni Maddox kaya nanggigil ako sa bonak na yun." sabi niya sabay iling-iling.
"Siguro yung ginagawa mo palagi ay yung mag pa cute lang, tama ba ako?" tanong ko ulit sabay ngiti.
Pumikit siya ng marahan.
"Kalma self, si Sunny yan." mahinang sabi niya sabay tingin sa akin ng masama.
Eh kasalanan ko bang hindi ko alam kung ano yang t****k?
"Eh ano ngayon kung nag pa-pa-cute lang ako? Atleast cute diba? Eh ikaw? Cute ka?" maangas na tanong nito.
Ngumuso ako.
"H-Hindi ko alam, minsan kasi nasasabihan ako ng mga pangit na salita pero sabi ni nanay ay maganda daw ako." sabi ko.
Tumawa siya ng malakas.
"Ha! Syempre sasabihan ka na maganda ka dahil anak ka e ta—"
"Are you two done talking?"
Bigla akong napabalikwas ng tayo dahil narinig ko ang boses niya. Nakita ko si Maddox na naka white t-shirt with black coat and fitted jeans.
"U-Uyy...pare musta? Haha." bati ni Ryder sa kanya.
Hindi nag salita si Maddox kaya parang natakot si Ryder.
"Kung ano man yung narinig mo kanina ay hindi totoo okay? Sige aalis na ako." kabado na sabi ni Ryder sabay alis agad.
Hindi ko alam kung ilang segundo siyang nawala pero ang bilis niyang nag laho dito kaya kami nalang dalawa ni Maddox ang naiwan.
"Pupunta tayo sa isang party ngayon sa kabilang isla kaya gusto kong mag bihis ka ng mga pinamili ko." sabi niya sabay halukipkip.
"O-Okay." sabi ko kaya nag handa na ako kahit na mamaya pa ang party na sinasabi niya.
Nag hintay lang ako sa living room habang suot na suot ng binili niyang mga damit.
Isang pink dress iyon at kumikinang pa ito dahil sa glitters na nakalagay. Maganda siya at mukhang mamahalin kaya natatakot tuloy ako pumunta doon sa party na sinabi niya. Hindi pa ako naka punta sa mga party dahil at hindi ko alam kung anong gagawin doon.
Lumipas ang ilang minuto ay umalis kami sa isla papuntang kabilang isla. Nakasakay kami sa isang yacth at natatakot ako dahil baka masira ito at malunod kami. Kahit na natatakot ako ay tinatagan ko ang sarili ko dahil ayaw kong maging mahina.
"Make sure you don't go too far from me or you'll have a punishment later." he whispered said and looked at me.
Napalunok ako at tumango-tango.
Hindi ito kagaya sa isla ni Maddox dahil ibang-iba talaga ito na isla. Masyadong maingay at maraming ilaw kaya minsan hindi ko nakikita ang ibang tao dahil sa kumikinang na ilaw.
Kung saan si Maddox ay nandoon ako kahit na maraming tao. Sumusunod lang ako sa kanyang likod para hindi ako mawala.
"Wait here, may kukunin lang ako." sabi niya.
Hindi ako nag dalawang isip na pigilan siya at napatingin siya sa akin.
"B-Babalik ka naman diba?" nauutal kong tanong.
Tumingin muna siya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya at nanlaki ang mata ko.
Binawi ko 'yon agad at namula.
"Yes," umiwas siya ng tingin sabay alis na kaya ngumuso ako at nag hintay nalang din.
Habang kumakain ako sa table ay hinihintay ko lang si Maddox. Minsan may pumupunta sa akin at umaaya na maligo sa pool o di kaya samahan sila pero umaayaw ako.
Hindi ko sila kilala pero mukhang friendly ang mga tao dito. Ganito ba talaga pag may party?
Nag hihintay lang ako kay Maddox ng biglang nag brownout kaya napalingon agad ako sa paligid. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at hindi mapigilan na matakot. Hindi nag sigawan ang mga tao pero may iba na nag bu-bulong-bulongan.
Tatayo na sana ako para hanapin si Maddox ng biglang may isang malakas na ilaw ang tumama sa akin kaya napapaikit ako sa sa silaw na nakikita ko.
"Ehem! Good evening ladies and gentlemen this is Annika your mc tonight in Scarlett's Congratulation Party!"
Nag hiyawan ang mga tao at tama ba yung narinig ko?
Scarlett's Congratulation Party?
Nandito si Scarlett? Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko at napatingin sa paligid ulit pero nakatingin lahat sa akin ang mga tao kaya napalunok ako.
"As you can see guys hindi niyo kilala ang babaeng yan diba?" tanong nang mc na nagngangalang 'Annika' kaya napatingin din lahat ng tao sa akin.
May iba na nag bulong-bulongan na kaya luminga-linga ako sa paligid. Kung tama man na kay Scarlett ang party na ito ay sana makita ko siya.
Gusto ko siyang makita at makausap.
Kahit marami akong gustong itanong sa kanya ay mahal ko pa din siya bilang kaibigan at hinding-hindi iyon mawawala.
"This girl is Sunshine Aramina Diaz! The daughter of Mr. Dirham's mistress!"
Mas lalong nag ingay ang mga tao kaya napayuko ako.
Paano niya nalaman? O di kaya planado nanaman ang lahat ng ito?
"Hi b***h! Kumusta? Rinig ko daw na malandi ka kagaya ng nanay mo. Ano masarap ba?" nag tawanan ang mga tao dahil sa tanong na iyon kaya mas napayuko ako.
"Annika! That's enough!" sigaw ni Scarlett sa may malayo kaya napatingin ako doon. Nakita ko siyang naglalakad papunta doon kay Annika.
Seeing her right now makes my heart hurt.
Gusto ko siyang yakapin dahil miss na miss ko na siya at matagal na kaming hindi nagkikita simula nong nangyari sa akin.
"Sana magustuhan mo ang regalo namin ni Scarlett sayo." sabi niya sabay ngisi.
Kumunot ang noo ko pero bago man ako maka alis ay may bumuhos sa itaas na tubig na puno ng yelo. Nanlaki ang mata ko dahil sa lamig na iyon.
Puno ng mga ice cubes at malamig talaga masyado kaya napa-upo ako sa sahig dahil sa ginaw na nararamdaman ko. Nanginginig ako sa takot at gustong umalis nalang sana pero nahihilo ako.
Masakit din ang ulo ko dahil sa pag bagsak ng mga ice cubes.
"Annika! You f*****g cunt!" rinig kong sigaw ulit ni Scarlett.
"So kung hindi niyo kilala ang babaeng yan ay siya si Sunshine Aramina Diaz! Ang babaeng anak ng malandi ng kabit ng Daddy ni Maddox! Siya din ang dahilan kung bakit nagagalit si Maddox ng walang dahilan."
Humalaklak siya.
"So, do you like our gift, slut?" tanong niya pero hindi ako makapag-salita dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Hay nako kung malandi ba naman."
"Siya pala yung anak ng kabit ng Daddy ni Maddox eh ano?"
"Oo siya nga! Sayang ang ganda at kinis pa naman niya."
Kung kasali man si Scarlett sa planong ito ay mapapatawad ko pa din siya pero hindi mawawala ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Gusto kong pumikit dahil basang-basa na ang buong katawan ko pero nagulat nalang ako ng biglang may pumutok na kung ano kaya nag hiyawan ang mga tao.
"Omg! Nandiyan na si Maddox!"
"Siya ba yung nag pa putok ng baril?"
"Oo! Siya nga!"
Gusto kong tumingin kung saan si Maddox at lumapit sa kanya pero hindi ko na kinaya. May lumundas na luha sa mga mata ko at gusto ko man iyon punasan ay hindi ko magawa dahil nanginginig ako sa lamig.
Ayaw kong ipakita sa kanya na mahina ako.
"What the f**k did you do to her?!" galit na tanong nito sabay tutok ng baril kay Annika.
Nanlaki ang mata ni Annika pero agad siyang lumuhod.
"M-Maddox! I-I-I still love you k-kaya na gawa ko ito and p-please l-let's get back together."
"The f**k are you talking about huh?" malamig na tanong ni Maddox
"P-Patawad! P-Plano lang ito namin ni Scar—" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang pumutok ang baril ni Maddox sa paa niya.
Nag hiyawan ang mga tao kaya masyadong maingay na.
"Touch her again and I will kill you." he coldly said.
Kumurap-kurap ako at nasalampak dahil nanghihina na ang katawan ko. Niyakap ko ang sarili ko at unti-unti kong nakikita na humakbang si Maddox patungo sa akin.
Hindi ko alam kung ano pang nangyari dahil napapikit na ako dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko. Kung totoo man ang nangyayari ngayon na sinagip ako ni Maddox ay masaya ako dahil tinulongan niya ako.
Naramdaman kong binuhat niya ako at narinig kong may sinabi siya hanggang sa hindi ko na alam kung anong nangyari sunod.