Nagising ako nang may masakit na ulo at nilalamig ang katawan ko. Hindi ko alam kung makakatayo pa ba ako o hindi na dahil sa sakit ng katawan ko.
Tumingin ako sa paligid at nagulat ako ng nakita ko ang mukha ni Maddox.
"You're awake..." mahina niyang sabi.
Ngumiti ako ng maliit.
"A-Anong n-nangyari?" nauutal kong tanong.
"Hush! Wag ka munang mag salita dahil baka mabinat ka." mabilis niyang sabi sabay hawak sa noo ko.
Nagulat ako sa ginawa niya pero tumingin ako sa kanya ng diretso.
"Here..." binigyan niya ako ng isang tableta.
"Drink this and sleep again." sabi niya sabay bigay sa akin yung tableta.
Hindi na ako nag dalawang isip na inumin 'yon at tumingin sa kanya. Nakatingin din siya sa akin pero umiwas agad siya kaya ngumuso ako.
Siguro naaawa lang siya sa akin ngayon kaya ganyan siya.
Huminga ako ng malalim at natulog ulit.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero kumakabog ng malakas ang dibdib ko kapag nandyan si Maddox sa tabi ko.
Nagising ulit ako pero wala nang masakit, nawala ang sakit ng katawan at ulo ko.
Tumingala ako sa paligid at malapit na palang mag gabi. Dahan-dahan akong bumangon at tumingin sa kisame. Napatingin din ako sa suot ko at nakitang naka bihis na pala ako.
Kumabog ang dibdib ko nang iniisip kung sino ang nag bihis sa akin.
Si Manang kaya? O di kaya...
Si Maddox?!
Napakagat ako sa labi ko at luminga-linga. Wala nang tao sa loob kaya napag desisyunan ko na pumunta sa pintuan para lumabas.
Pipihitin ko na sana ang door knob ng nakarinig ako ng mga ingay sa labas ng kwarto kaya napahinto ako.
Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan at nakinig.
"You know that I hate that woman right? Why did you bring her there?" matalim na tanong ni Maddox.
"I-I'm sorry okay? H-Hindi ko nga alam kung bakit siya pumunta at lalo na hindi ko alam kung paano niya nalaman na may magaganap na party." sabi ni Scarlett.
Nagulat ako nang narinig ko ang boses niya at gusto kong buksan ang pintuan ngayon.
"That's bullshit! Alam mong ayaw na ayaw kong may makahawak na iba sa kanya diba?"
"Yeah, I kn—"
"Dahil ako lang ang may karapatan na saktan siya dahil akin siya." matalim na sabi ulit ni Maddox.
Hindi ko alam kung anong I-re-reaksyon ko sa sinabi niya dahil kumabog ulit ang dibdib ko.
"Tss, that's bullshit too! Akala ko ba galit ka sa kanya huh?" tanong ni Scarlett.
"Yes, I hate her to death and no one can change that."
Hindi ko na alam kung anong pang pinag-usapan nila dahil napayuko ako at hindi nalang pinihit ang door knob. Gusto ko sanang makita si Scarlett at kausapin pero hindi ko nalanh pinilit.
Bumalik ako sa kama at humiga doon dahil hindi ko naman alam kung anong gagawin ko.
Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung bakit ako nandito pero gaya ng sinabi ni Maddox, gusto niya akong pahirapan gaya ng ginawa ni nanay sa kanya.
Kung ganoon, kailangan kong tiisin ang masasakit na salita galing sa kanya. At mga pisikal na nakakasakit dahil sa higanti niya para sa nanay ko.
Umiling-iling nalang ako at hindi na inisip iyon.
Lumipas ang ilang linggo ay nag bago na ang lahat. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Maddox dahil minsan galit siya tapos magiging mabait nanaman.
Kagaya nong pumunta kami sa garden. Nagalit siya dahil naka-apak siya ng putik. Nadumihan ang paa niya kaya inis na inis siyang bumalik sa loob at ako naman ay nag pa-iwan sa may puno.
May nahanap akong isang bulaklak doon.
"Kukunin kita ah," paalam ko.
I smelled the flowers kaya napangiti ako.
Tumingin ako sa likod at nakita kong nasa terrace si Maddox habang matalim na nakatingin sa akin.
"Akin na to ah!" I mouthed.
Tinaasan niya lang ako ng kilay at ngumuso naman ako. Daig niya pa ang isang babae na may dalaw kaya natatawa ako minsan sa kanya.
Nasa tabing dagat ako ngayon at nag hihintay na may lalapit na isda pero wala naman akong nakitang isda kaya niyakap ko nalang ang sarili ko dahil malamig ang hangin.
Nakikinig lang sa mga ingay ng tubig at hinawakan ang shell na nakuha ko kanina.
Maganda ang hugis nito dahil naka porma na parang puso kaya nakuha agad ito ng atensyon ko.
"Are you dumb?"
Napatalon ako sa gulat at napatingin sa likod ko nang narinig ko ang boses niya.
"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"What am I doing here?"
Napalunok ako.
"U-Uh,"
"Looking for you, I guess." pilosopo niyang sabi.
Napangiti ako ng palihim at tinuro ang tabi ko.
"Upo ka."
"No thanks." sagot niya agad.
Ngumuso ako.
"Alam mo, maganda pakinggan ang alon ng tubig dagat kasi nakakawala daw ito ng stress kaya kung stress ka pwede ka makinig ." sabi ko sabay ngiti.
"Ba't naman ako maniniwala sayo?" tanong niya.
"N-Noon kasi nong bata pa ako, wala ako masyadong kakampi at palagi akong na bu-bully dahil sa gipit ng pamilya namin..."
Nakatingin lang siya sa akin na walang emosyon.
"Kaya ang ginagawa ko minsan ay pumupunta sa tabing dagat para makinig lang sa alon ng tubig kasi maganda iyon pakinggan lalo na kapag may problema ka." nakangiti kong sabi sabay tingin sa kanya.
"Hmm." yun lang ang nasabi niya at humiga na sa buhangin kaya napangiti ako.
Nagulat ako sa pag higa niya at hindi makapaniwala na hihiga talaga siya doon.
Akala ko pa naman maarte siya.
Lumipas ang ilang minuto ay hindi siya umimik kaya napatingin ako sa kanya.
Ngayon ko lang siya nakita na nakapikit at hindi ko maiwasan na mapalunok dahil sa kagandahan ng mukha at katawan niya.
Hindi pa din ako makapaniwala na may makilala akong ganito ka gwapo na lalaki. Wala naman talaga akong nagustugan na lalaki noon dahil alam ko na hinding-hindi sila magkakagusto sa isang tulad ko.
Hindi ko alam kung pinagpala ba talaga si Maddox dahil sa ganda ng hugis katawan niya. Minsan lang ako nakakakita ng mga ganitong katawan kaya siguro minsan gusto ko siyang makita.
Napakagat ako sa labi ko.
Talaga ba Sunny? Iniisip mo ito?
Malapit nang mag sunset kaya nag dalawang isip ako kung gigisingin ko ba siya o hindi.
Bigla akong napahinto at napatingin sa kanyang mukha. Mahimbing siyang natutulog kaya dahan-dahan ko siyang nilapitan.
Mga isang pulgada nalang ang layo ko sa mukha niya kaya hindi na ako nag dalawang isip na halikan ang kanyang pisngi.
Hindi niya naman siguro malalaman dahil tulog siya. Napangiti ako at tatayo na sana nang bigla kong naramdaman ang pag hawak ng kamay niya sa pulso ko.
Sobrang higpit ng pagkahawak niya kaya kumabog ng malakas ang dibdib ko.
Nanlaki ang mata ko ng nakita kong nagising siya at tiningnan agad ako ng masama.
Malakas masyado ang kabog ng dibdib ko at hindi alam kung anong sasabihin dahil sobrang init ng pisngi at katawan ko.
"S-Sorry, g-gising ka na pala." tumawa ako ng mahina pero agad siyang bumangon kaya magka-pareho na kami ng height.
"Alam mo din ba na kasalanan ang magnakaw ng halik?" tanong niya sabay lapit sa mukha ko.
Napalunok ako at umiwas ng tingin pero hinawakan niya ang mukha ko at pinatingin sa kanya.
"P-Pasensya na, a-akala ko kasi hindi ka gising." sabi ko sabay nguso dahil malakas masyado ang kabog ng dibdib.
"Why did you kiss me huh?"
Napakagat ako sa labi at hindi sumagot.
Hindi ko rin alam!
Napatingin ako sa kanya.
"Kiss me."
"Ha?" tanong ko na may nag tatanong na mata.
"Kiss me again." sabi niya kaya napakurap-kurap ako at natatakot na hahalikan siya ulit sa pisngi.
Shit! Kung kanina hindi ako nakaramdam ng takot tapos ngayon natatakot na ako!
Huminga nalang ako ng malalim at hahalikan na sana siya sa pisngi niya nang sinalubong ito ng kanyang labi.
Nanlaki ang mata ko at iiwas sana nang huli na nang hinalikan niya ako ng marahan sa labi. Napapikit ako sa ginawa niya at naramdaman kong pinulotpot niya ang kamay niya sa bewang ko.
Matagal ito natapos hanggang sa humiwalay siya
"I want it on my lips instead of my cheeks, do you understand?" he commanded.
Agad akong napatango sa sinabi niya kaya ngumisi ito at hinalikan ako ulit sa labi.