Chapter 10

1127 Words
"Seryoso ka dyan?" tanong ni Ryder. Dahan-dahan akong tumango. "O-Oo, matagal-tagal na din akong hindi nakaranas ng ganon." sabi ko sa kanya. "Eh, pwede ka naman mag aral nang online nasa internet na yan lahat. Pwede kang gumamit ng cellphone para sa research." sabi niya. "W-Wala akong cellphone." sabi ko. "Humingi ka kay Papa Maddox." sabi niya sabay kindat. "B-Baka magalit siya." He rolles his eyes. "Ang yaman kaya ng mokong na yun, wag kang mag-alala sasabihan ko si—" "Anong sasabihin mo?" Napapitlag ako sa gulat kasi nasa likod ko na si Maddox kaya napalunok ako at napatingin sa kanya. "Gusto ni Sunny mag-aral." diretsong sabi ni Ryder. Nanlaki ang mata ko at hindi napigilan na sampalin ang braso niya. "Ouch!" Napatingin ako kay Maddox at tumaas ang kilay niya. "B-Boang ka! B-Ba't mo sinabi?" nauutal kong tanong. Maddox chuckled. Kinabahan ako na hindi ko alam dahil lang sa biglang pag tawa niya. Akala ko magagalit siya pero bigla siyang umupo sa gilid ng sofa at huminga ng malalim. "So? Gusto mo mag-aral?" tanong niya. Hindi ako nakasagot pero tumango ako dahil gusto ko talaga na mag-aral. Sayang din kasi ang na umpisan ko kung hindi ko ipag-patuloy. "Well, you can study here or I can hire a tutor for you." he said. "T-Tungkol saan din yung cellphone na sinasabi ni Ryder? Sabi niya pwede daw sa cellphone mag aral tap—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumabat agad si Maddox. "No cellphone allowed because you're too young to have a gadgets." he said. "Ano? Too young? Eh 18 na siya diba?" sabat ni Ryder. Tiningnan siya ng masama ni Maddox. "And so?" "Wala. Natatawa lang ako kasi pwede siyang mag ka tutor tapos bawal cellphone." "Anong nakakatawa doon?" tanong ni Maddox sa mababang tono. Napalunok si Ryder at umiling-iling. "Wala naman dude, hehe. Baka lang kung may cellphone siya maka-hanap siya ng internet love!" Kumunot ang noo ko. "Internet love?" tanong ko. Tumango siya. "Ang internet love ay trending ngayon kasi diyan daw ay makaka-hanap ka ng true love." sabi ni Ryder. Napangiti ako. "True love my ass." sabat ni Maddox. Ngumuso ako at tumingin sa kanya sakto din na nakatingin siya sa akin kaya umiwas agad ako. Bitter na bitter talaga siya sa pag-ibig eh ano? Halos lahat yata ay sinusumpa niya na wala talagang pagmamahalan. Oo, alam kong hindi totoo ang pag-ibig pero naniniwala pa din ako na may mararamdaman tayo sa isang tao at mamahalin natin sila ng lubusan. Natapos din naman ang pag-uusap namin at masaya ako kasi mag hi-hire talaga ng tutor si Maddox para sa akin at next week daw ako mag sisimula kaya excited ako masyado. Buti nalang din sumang-ayon siya na mag-aaral ako balik kasi gustong-gusto ko talaga mag aral muli. Humikab-hikab ako habang nag-babasa ng libro. Tungkol ito sa Biology kahit hindi ko naman gusto ang Biology na subject dahil maraming memorization. Napa-hinto lang ako sa pag-babasa ng may kumatok sa pintuan kaya agad akong bumaba sa kama para buksan iyon. Nagulat ako ng si Maddox iyon kaya napanguso ako at tiningnan siya. Naka pambahay siya na suot at hindi ko maiwasan mapalunok habang nakatingin sa katawan niya. "What are you doing?" tanong niya. "N-Nag ba-basa ako ng libro." sabi ko. "Hmm, Biology?" tanong niya sabay upo sa kama. Tumango ako at binasa niya 'yon. Umupo na din ako sa kama at tumabi sa gilid pero nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam pero maganda talaga ang hugis ng katawan niya kaya siguro palagi ko itong tinitigan. Uminit ang pisngi ko dahil sa nararamdaman na kakaiba. Hindi naman ako manyak pero maganda talaga ang hugis ng katawan niya. May mga malalaking muscles at perpekto na mukha! Hindi ko talaga akalain na makilala ko siya sa ganitong paraan. "I didn't know that you like reading books." sabi niya. "A-Ah oo, gusto ko talaga mag-basa ng libro." "How about me?" Nanlaki ang mata ko at napalunok ng marahan. Anong ibig niya sabihin? "H-Ha?" He chuckled. "Relax, I'm just asking." Napayuko ako. Hindi ko alam kung gusto ko ba siya o hindi pero may nagsasabi sa akin na gusto ko siya dahil pag nariyan siya ay kinakabahan ako. Tumatambol ang puso ko kapag katabi ko siya kagaya ngayon. "H-Hindi ko alam." sabi ko sabay yuko. "Of course you won't like me because you think I'm a horrible person." Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. "H-Hindi naman sa ganon." sabi ko. "Then what? Don't tell me you like me just because of my body?" tanong niya habang nakatingin sa akin. "H-Ha? H-Hindi ah!" diretso kong sabi. Paano niya nasabi yun? Eh hindi ko nga alam tapos sasabihin niya yon. He chuckled and stared at me. Napatingin ako sa kanya habang tumawa siya. Hindi ko alam na may magaganda siyang ngiti sa kanyang mahabagin na mukha. "H-Hindi ko talaga kung anong nararamdaman ko pero may parte sa akin na nagsasabi na gusto kita." sabi ko. Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ito ng seryoso na mukha. "What did you say?" "P-Pasensya na, alam kong mali na mag ka gusto sa'yo pero ito yung nararamdaman ko para sa'yo." sabi ko sabay yuko. "So you like me?" tanong niya. "Siguro..." sabi ko. Hindi siya nag salita kaya ngumuso ako. "Galit kaba?" tanong ko. "No." "Ba't parang galit ka?" tanong ko. "So what if I'm angry huh?" tanong niya sabay tingin sa akin ng masama. Ngumuso ako at lumapit sa kanya ng konti. "Alam mo ba kung anong nagustuhan sa'yo?" tanong ko. "What?" "Yung pagka-seryoso mo. Hindi ko alam pero natatakot ako sayo kapag galit ka at inip na inip ka, alam kong hindi pwedeng magka-gusto sayo kasi isa lamang akong peste at nag hihiganti ka para sa mama mo. Isa akong babae na walang kaya at lalo na sa lahat galit ka sa akin pero hindi mag-babago na gusto kita kahit alam kong wala akong pag-asa." sabi ko. Hindi siya nakapag-salita sa sinabi ko kaya tumawa ako ng mahina. "Pasensya na, straight forward ba ako masyado?" tanong ko. Umiling-iling siya at tumayo na kaya napanguso ako ulit kasi parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko pero yun talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. "Aalis kana?" tanong ko. "Yeah," walang kwentang sabi niya pero hinabol ko siya sa pintuan. "S-Sandali lang." sabi ko kaya napahinto siya sa paglalakad. Tumalikod siya at tiningnan ako ng matalim. "What?" he spat. Ngumiti ako sa kanya at tumingkad para mahalikan siya sa labi. Napahinto siya at tumingin sa akin na may mapupungay ng mata. Ngumiti ako ulit. "Goodnight!" sabi ko sabay sarado sa pintuan. Napangiti ako dahil parang natalo ko siya kahit hindi naman. Natalo niya ako dahil nahuhulog na ako sa kanya. Gusto ko siya at yun ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD