SEAN KURT CASTILLO
I just seen this girl hours ago. Kakalabas niya lang sa school kanina when I accidentally bumped in to her sa parking lot.
Pero hindi na siya matanggal sa isip ko.
'Psh! Ano ba to?'
She's beautiful. Her brown eyes. Her thin kissable lips. I was mesmerized by those perfect nose line, tantalizing eyes, perfect brows and pinkish lips.
She's picular.
She looks seductive yet intimidating.
I forgot to ask her name.
I'll just look for her next time, magkikita naman siguro kami sa school.
And if I will see her again, I will definitely ask her. That time there's no holding back.
I am Sean Kurt Castillo, and I know I can do it!
'Ako pa?'
"Hey! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"
Bumalik ako sa huwisyo ko ng sigawan ako nang isang lalaking muntik ko na namang mabonggo.
'Nakakadalawa na ako sa araw na'to. Very clumsy Kurt!'
I'm here in SM city Calamba. Kadarating ko lang rito, galing kasi ako sa school kanina. Papasok ako sa isang restaurant since ito ang mall na pinakamalapit at dito rin kami magkikita nila Vince at James.
I just enrolled this day dahil kakalipat lang rin namin rito sa Calamba, Laguna last 2 months ago.
1 Message Received
From: Vince
I'm on the way. See you there pare!
11:36 A.M.
--------------------------------
1 Message Received
From: James
Order ka na pre. Malapit na ako! Hahaha
Ramihan mo at gutom ako!
11:35 A.M.
Habang hinihintay ko sila, nag order narin ako. Matakaw kasi talaga tong si James.
Hindi kami nag kasabay sa pagpapaenrol dahil na rin kagagaling ko lang sa Canada. I just arrived 2 days ago.
Mom talked to the school president this morning para magawan nang paraan na maging ka block mate ko parin ang friends ko. I mean my best friends.
I went to the school to finally arrange my papers and get my COR and study load.
While I was silently sitting in this chair, someone got my attention.
It's her!
Hindi ako nagkakamali. Siya nga iyon!
I know she is, pero bakit nakasuot siya nang uniporme nang waitress?
Kakalabas lang niya nang rest room nang nahagip sya nang mga mata ko.
'Why is she wearing those uniform?'
'She's a waitress here?'
'Bobo ka rin Kurt no? Malamang nagtatrabaho sya doon, kaya nga naka uniform.'
Tatayo na sana ako sa upuan ko para kausapin siya, pero siya ring pag dating nang dalawa kong kaibigan.
Papasok sila nang restuarant nang lumapit sa akin ang waiter at inihain ang pagkaing inorder ko.
"WOW! Pare, Loves mo talaga kami! May pagkain na agad."
Unang nag salita si James. Matalik na kaibigan ko sya simula nang mag aral ako. Puro pagkain rin kasi na sa utak nito!
Kaya medyu malaman ang gago!
May baby fats raw siya! Ayaw pang aminin na mataba talaga siya! Haha
"Salamat 'pre!"
Ito naman si Vince. Tahimik to sa aming tatlo. Puro libro kasi kaharap nito! Nerd nga raw sabi nila, pero para sa amin ni James. Aba, hindi ito nerd. Seryoso lang sa pag aaral ang ugok!
Ako naman 'yong gitna sa kanilang dalawa. Maloko ako pero seryoso rin naman sa pag aaral.
Habang kumain kami, hindi ko mapigilang sulyapan siya paminsan minsan. She's smiling sweetly while she's taking the customer's orders.
Maganda siya lalo na sa malapitan. The posture is perfect. Stomach in, breast out. The curves, it's perfect.
'Ano ba ito? Para akong manyak kung makatingin. Mula ulo hanggang paa talaga Kurt?
Jusmeyo!'
"Hoy! Pare kanina ka pa pasulyap sulyap sa waitress na iyang ah. 'wag mong sabihin tinamaan ka nang lintik? Nako! Nakakabobo 'yan!"
Pukaw sa akin ni Vince. Tinapunan ko nalang siya nang masamang tingin!
Wala naman sigurong problema kung attracted ako sa kanya. In the first place maganda naman talaga siya.
She's like a goddess!
"Pare, naka enroll kana diba? Ano? Magkablock ba tayo?" , nakangising tanong sa akin ni James.
"Oo, napakiusapan ni Mom 'yong president. Sa pagkakaalam ko kasi family friend namin 'yong president sa school."
"That's great! Magkakasama na naman tayong tatlo!"
Oo, simula grade school nang una kaming magkakilalang tatlo ay sabay na kaming lumaki na parang magkakapatid. From grade school to high school and even now in college ay parehas kami nang papasukang university.
"Kumusta naman pala iyong bago ninyong mansion?" , nakatinging tanong sa akin ni Vince. Malapit lang rin sa mansion namin ang bahay nila. Dati kasi halos mahirapan sila kasi almost an hour rin ang byahi nila papunta sa bahay. Plus traffic pa, minsan nagiging dalawa o kaya tatlo pa!
"Okay naman. Pinapauwi nga ako nang maaga ni Mom kasi may pupuntahan kami. Fifth Year Anniversary nang AXA Bourg at ang may ari ay may kunting handaan para sa buong village."
Mabuti nalang at naalala ko. I must go home before 4 pm. Kasi sabi ni mom 5 pm mag start ang program nang AXA.
"Pagkatapos nating kumain mag timezone tayo! Na miss kita pare eh! 2 months ka ring nawala after graduation sa Canada ka namalagi!" , si James.
"Oo nga! Let's hang out muna." si Vince.
Oo, tama si James. After High school graduation ay agad naman kaming pumunta sa Canada. My parents went there para sa CASTILLO BUILDERS expansion. May naging malaking investor rin kasi sila at may proyekto sa Canada, ang AXA Tower. It's a condominium building.
"Sige! Game ako riyan basta talunin niyo ako sa basketball! Ilang taon na rin na ako parati ang panalo. Nakakaumay rin ha! Nakakasawa. Haha" , mayabang na tugon ko! Haha at ginantihan lang nila akong dalawa nang smirk.
Nang matapos kami sa lunch ay tumawag ako nang waiter para sa bill namin.
Muli akong natulala nang siya ang lumapit sa table namin. Nang iniabot niya sa akin ang bill ay nagkalapat ang aming mga kamay nang hindi sinasadya.
I felt something trembling inside my tummy, it's butterflies. Naramdaman ko rin ang biglang pagbilis nang t***k nang puso ko nang titigan niya ako at nginitian.
Para tangang nakanganga habang dinudukot ang wallet ko sa bulsa. Sabay abot ko sa kanya nang bayad ay siya ring pagtingin ko sa name plate niya.
'ALEX. What a fierce name it is.'
Nag smile lang siya at agad namang aalis. Pero bago pa sya nakatalikod ay nakapagsalit agad ako.
"Alex, keep the change. It's your tip."
I smiled at her genuinely.
"Thanks!"
Wow, those smiles. Napakaganda.
Her name define who she is. Tough, fierce, strong. But there's sadness in her eyes.
Nang makaalis kami sa restua at papunta sa Timezone, panay naman ang kantiyaw nila sa akin.
"Woah, Vince parang tinamaan ata itong si Kurt. Tingnan mo, kanina pa nakangiti mag isa! "
"Narinig ko 'yon James! Kung makapagsalita akala mo hindi naririnig"
"Sinadya kong marinig mo, ULOL! Para malaman mong para kang tanga!"
"Aba! Bwesit ka! Oo na. E'di kayo nang magaling magtago nang feelings! Ibahin nyo ako. HAHA SHOWY AKO!"
"Hoy, maghunos dili ka 'pre! Kakakilala mo palang kanina ganyan kana agad maka feeling feelings diyan!"
Hindi ko nalang pinatulan. Baka mas humaba pa ang bangayan at ma late pa akong umuwi.
Susubukan ko siyang hanapin.
Habang naglalakad may na isip ako bigla...
'Liligawan ko siya.'
Naglaro muna kami at hindi parin nila ako natatalo! Ang engot talaga nang dalawang to!
3:30pm nang magpaalam ako sa kanila. James went home dahil tumawag narin ang mama niya. May invitation rin pala sila from AXA. Vince left too at may date raw sila ng Mom niya, he's a sweet loving son. As always.