By: Michael Juha email: getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ------------------------ Kung gaano kabilis na sumulpot si Jake sa eksena ay sya namang bilis ng pagkaladkad sa kanya ng mga guwardiya palabas ng lobby. Hahabulin ko pa sana si Jake ngunit pinigilan ako ni Kuya Renan. “Huwag na Babe... Hayaan mo na sila.” “H-hindi Kuya... may sasabhin siya eh.” “Huwag na. Hahaba pa ang gulo eh. Itatanong na lang natin kay Ms. Clarissa mamaya kung bakit parang may galit si Jake sa kanya.” Igigiit ko pa sana ang paghabol kay Jake nang biglang sumingit naman si Ms. Clarissa. “Pasensya na sa munting kalituhan. Huwag niyo na lang pansinin si Jake. Alam niyo naman, wala na siya sa poder ko,” ang sambit ni Ms. Clarissa. “A-ano po ba ang nangyari sa kanya Tita? Bakit t

