By: Michael Juha email: getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full --------------------------- “Ha??? T-totoo po???!!!” ang gulat kong sagot nang narinig ko mula sa bibig ni Ms. Clarissa na buhay raw ang aking itay. “N-nasaan po siya???” Ang dugtong kong tanong na nanginginig ang boses bunsod ng matinding pagkagulat at excitement. Tila himatayin ako sa nalaman. “Bago kita sagutin, ano ba ang alam mo tungkol sa iyong ama?” ang kalmenteng tanong ni Ms. Clarissa. “P-patay na raw ang aking itay. At… may kalaguyo raw itong isang b-bakla. Totoo po ba?” “Hindi totoong namatay siya, Bugoy. Kalaguyong bakla ay… hindi rin totoo sa panahong iyon. Ang totoo ay napilitan o nalinlang lang ang iyong ama. Ang baklang iyon ang sumira sa pagkatao ng iyong ina. Ginawan niya ito ng kuwen

