Palabas na si Elle nang mapansin ang sasakyan sa labas. Mabilis na nagtago siya sa gilid at maingat na tiningnan ang sakay nu’n. Bumukas iyon at napakunot-noo siya nang makitang si Samantha iyon. “Ano’ng ginagawa niya rito?” aniya at napakunot-noo. Pumasok siya sa loob at nagtago sa isang kuwarto. “What are you doing here?” Napapiksi pa siya sa gulat nang makita si Lorenzo sa likuran niya. Kaagad na nilapitan niya ito at sumenyas na tumahimik. “Huwag kang maingay na nandito ako. Nasa labas si Samantha,” sagot niya rito. Sabay na napatingin sila sa pinto nang may kumatok. Kaagad na sinugod naman ng kaba si Elle. “Lumabas ka muna, anak. Nandito si Samantha,” wika ni Emilia. Nag-abot naman ang tingin nila ni Lorenzo. Mabilis na nagtago naman si Elle sa likod ng pinto. Maingat naman n

