“So bakit ka galit?” tanong ni Birdy nang makitang kumakalma na siya. Irya looked at her t’saka umupo na nang maayos. “Sino ba ang hindi magagalit eh masiyadong pumapapel iyong campaign manager ni, Markus kanina? Sinabihan ba naman ako na magtago muna sa dilim para hindi malaman ng mga tao na kasal na si Markus at maiwasan ang controversy. Para na rin hindi maapektuhan ang trust rate niya sa mga tao, the hell!” sagot niya at bumalik na naman ang inis. “Sana pinatikim mo ng kamalditahan mo,” ani Birdy. “Talaga! Silang dalawa ang nakatikim. Bwesit sila! Trust rate mukha niya. Dinamay pa past issues ko. Ano’ng akala niya sa ‘kin pariwara? Oo party girl ako noon which is normal naman kasi dalaga pa ako,” wika niya pa. “That’s check,” sabat nito. Sinamaan naman ito ng tingin ni Irya. Ngin

