Nakatingin lamang sa malayo si Elle at pinapakinggan ang hampas ng alon ng dagat. Umalis sila kanina at dumeritso sa property ni Ed na kaibigan ni Lorenzo. Pansamantala silang nagtatago rito habang tinatapos ni Lorenzo ang mga papeles para makuha niya ulit ang kaniyang kompanya. “Are you okay?” usisa ng asawa niya sa kaniya at tumabi sa kaniya. Tiningnan naman niya ito at nginitian nang tipid. “I’m not,” sagot niya rito. He smiled at her and hugged her tight. “This too shall pass,” sambit nito. Tumango naman siya. “Sana nga matapos na ‘to, dahil napapagod na ako. Ayaw kong mabuhay ng ganito. Sana mahuli na rin si Sam,” mahinang saad niya at huminga nang malalim. “Ilang taon din ang dumaan bago tayo umabot sa ganitong sitwasiyon. Kung tutuosin ay sobra-sobra nga ang pinagdaanan natin

