Huminto sila sa lumang bodega kung saan nila dinala ang dalawang lalaki noon. Bumaba si Elle at pumasok na sa loob. Sumunod naman si Lorenzo at Candy. Umupo siya at huminga nang malalim. Si candy naman ay kagat-kagata nag hinlalaki at hindi mapirmi s akinatatayuan. “Will you please sitdown?” asik niya rito. Tiningnan naman siya nito at sinamaan ng tingin. “Ano ba ang nangyayari ha? Ba’t kailangan niyo akong idamay sa gulo niyo? paano na ‘to ha? Paano kung mamatay ako?” reklamo nito. “Sino ba kasi ang may sabi sa ’yong magdala ka ng caldereta?” inis na sagot naman ni Elle rito. “Stop it you two,” pigil naman ni Lorenzo. Umiiyak na umupo naman si Candy sa tabi ng asawa niya. “Enzo, totoo ba iyong sinasabi nu’ng matanda ka nina? Talaga bang mag-asawa kayo? Siya ba talaga ang asawa mo

