TRH-5

2132 Words
Una silang pumunta sa restaurant at kumain na muna ng dinner bago pumunta sa isang bar. Hindi komportable si Elle at ayaw niya ring may lumalapit sa kaniya. Nasa sulok lang siya at nakatingin kay Sam at Maddie na nagtatawanan habang umiinom ng alak. Mukhang sinusulit ng amo niya ang pagiging dalaga nito ngayon. Bukas ay magiging misis na ito ng isang bilyonaryo. “Elle, come on. Try this,” wika ni Samantha sa kaniya. “Huwag na po, Ma’am. Hindi po ako umiinom. T’saka baka malasing po kayo mamaya ako na po ang bahalang umalalay sa inyo,” sagot niya. Natawa naman si Maddison at nilapitan siya. May hawak itong champagne flute at ibinigay sa kaniya. “Come on, Elle. Taste it, it’s good. Alam kong hindi ka umiinom. Huwag ka namang maging KJ this time oh,” saad ni Maddie. She was pleading too. Huminga naman nang malalim ang dalaga at kahit alanganin ay tinanggap niya na lang iyon. Tinikman niya iyon at nilalasap ang lasa. “Ano?” nakangising tanong sa kaniya ni Sam. “Masarap ‘di ba?” Tumango naman siya. “Sabi sa ‘yo eh,” ani Maddie at binigyan pa siya ulit. “Elle, let’s party tonight. I want to be happy,” sambit nito at uminom na naman. Tumango lamang siya bilang sagot. Ilang sandali pa nga ay nagsayawan na ang dalawa sa dance floor. Tahimik lamang si Elle at kapag may lumalapit ay kaagad niyang ipapakita na hindi siya interesado sa mga ito. Parang binibinat din ang leeg niya. Nakakaramdam siya ng kaunting pagkahilo. Nakangiti lamang siya habang nakatingin sa dalawa na nagsasayawan sa gitna. Mukhang tuwang-tuwa at sanay na sanay sa paligid. Sa bagay, busog na busog sa night life ang mga ito. Kinain niya na lamang ang pica-pica na in-order nila kanina at nakamasid lang sa paligid. “Elle! Sayaw ka,” aya sa kaniya ni Maddie at uminom na naman sa shot glass nito. “Huwag na po, okay lang po ako,” aniya. Hindi siya nakakaramdam ng antok. Bagkus ay natutuwa na rin. Maswerte siya’t bago sya bumalik sa probinsiya ay naranasan niya rin ang ganito. Tumabi naman si Maddison sa kaniya at pinunasan ang pawis nito. “Are you okay?” usisa nito. Tumango naman siya at ngumiti sa amo niya. “Ahm, Ma’am Maddison, may sasabihin sana ako,” aniya rito. “Ano ‘yan?” tanong nito habang nakangiti. “Kasi po, matagal-tagal na rin po akong naninilbihan sa inyo. Bukas po ay ikakasal na kayo, at magkakaroon na ng asawa. Nais ko lang po sanang magpasalamat sa iyo at magpaalam,” wika niya. Kaagad na nag-abot naman ang kilay ni Maddison sa narinig. “What do you mean?” “Napagdesisyunan ko po na tumigil na sa pagtatrabaho. Kaya lang naman po ako tumagal sa mansiyon dahil sa inyo. T’saka, patanda na rin po ang lolo’t lola ko. Gusto ko po silang alagaan,” saad niya. Tiningnan naman siya ni Maddie. Uminom ito sa shot glass niya at ngumiti nang tipid sa kaniya. “Ano ba ang magagawa ko? Hindi naman puwedeng itali kita sa ‘kin, Elle. Alam kong may sarili ka ring buhay. Masaya ako at susuportahan kita sa plano mo. Gustuhin ko mang samahan mo ako habang-buhay ay hindi naman puwede. Basta, isipin mo lang palagi na nandito lang ako kung kailangan mo ulit ng tulong,” sambit nito. Naiyak naman si Elle. Niyakap naman siya ni Maddie at hinaplos nang magaan ang kaniyang likod. “I’m sorry, Elle. I’m so sorry,” aniya. “Wala po kayong kasalanan. Huwag kang mag-sorry sa akin, Senyorita,” saad niya rito. Umiling naman ito at tiningnan siya. “You don’t know how much you helped me, Elle. Sa lahat-lahat ng kaibigan ko, alam kong isa ka sa pinagkakatiwalaan ko. Ikaw ang dahilan kaya may mga bagay akong naaabot ngayon.” saad nito. “Huh?” Ngumiti lmang ang amo niya at mukhang lasing na ito. “Oh, Elle! You’re so innocent talaga,” saad pa nito at tumungga na naman ng alak sa baso. Tumalikod ito saglit at nu’ng pagharap ay nakangisi na at iniabot na sa kaniya ang basong may lamang alak. “Here, inom ka pa,” anito. “Senyorita, hindi puwedeng malasing tayong tatlo. Wala pong mag-aalaga sa inyo,” saad niya. Umiling naman ito at sumimangot. “Elle, moment ko ‘to ngayong gabi. Please, huwag ka ng magreklamo. T’saka pupunta rito mamaya si Lorenzo. Napagisip-isip ko kasi na tama ka. Tama ang sinabi mo kanina,” wika nito. Natigilan naman ang dalaga. “Ang tagal bago ko na-realize na hindi ko naman talaga mahal si Lorenzo. Oo nga nasa kaniya na ang lahat pero hindi spat iyon. Meron din ako nu’ng meron siya. Hindi ko man mapantayan pero kaya ko namang abutin,” dagdag pa nito. “Senyorita...” Nilingon siya nito at itinaas ang baso. “Sige na,” aniya at ibinigay iyon sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit parang may bikig sa lalamunan niya at hindi siya makahindi. Natatakot din talaga siyang malasing. “L-Last na po ‘to ha,” sambit niya. Tumango-tango naman si Maddison. “Okay,” sagot nito. Tinungga naman iyon ng dalaga at kaagad na napaubo sa sama ng lasa. Ang init nu’n sa lalamunan at tiyan niya. “Hindi ka pala talaga sanay sa alak Elle, kaya try mo ring uminom minsan. Minsan lang din naman ‘to,” saad ni Maddison. Napasandal naman siya sa couch at ngumiti nang alanganin. Ramdam niya ang pag-ikot ng knaiyang paningin. Napahawak siya sa kaniyang ulo at sumasakit iyon. “Okay ka lang, Elle?” usisa sa kaniya ni Maddison. “Nahihilo lang po ako,” sagot niya at napahawak ulit sa kaniyang ulo. Pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng malay tao. “Sandali lang ha, tawagin ko lang si Sam. I’m sorry, Elle. Nalasing ka tuloy, uwi na tayo sa hotel,” sambit nito. Hindi naman siya makasagot dahil latang-lata ang pakiramdam niya. Hanggang sa hindi na niya alam kung ano ang nangyari. “Are you sure you’re going to do this?” asik ni Samantha. “Of course! This is the only way,” sagot ni Maddison. “Kawawa naman si Elle. Dinamay mo sa balak mo,” sambit nito. Tiningnan naman siya ni Maddison at inikutan ito ng mata. “Sam, sino ba talaga ang kaibigan mo? Ako or si Elle? Sino ba ang mas kawawa sa amin kapag nagkataon?” wika naman ni Maddison. “Kasi eh, wala siyang kinalaman. Puwede mong masira ang buhay niya,” giit nito. “Wala na akong ibang maisip. T’saka sigurado naman akong hindi siya papatulan ni, Lorenzo if ever. The shame will be theirs and after that, I will be free. Kailangan may masaktan talaga,” aniya. “And you chose her to carry your burden?” ani Sam. “Ano ba? Tutulong ka ba o hindi?” “Basta, whatever happens ha, I will always come clean. Bahala ka na,” ani Sam. “Ako nga ang bahala ‘di ba?” Hindi na nakapagsalita pa si Sam at hinayaan na lamang ang kaibigan. Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone niya at tumatawag si Lorenzo. “Magtago ka muna, sa labas lang ako. Paiinumin ko lang siya,” saad ni Maddison at nagmamadaling lumabas. Naiwan naman si Samantha na nakatingin kay Elle na walang malay. “I’m sorry, Elle. I’m so sorry,” wika niya. “Hi honey,” bati ni Maddison kay Lorenzo at niyapos ito. “Are you drunk?” tanong nito sa kaniya. Tumawa naman siya at kumuha ng isa pang baso t’saka sinalinan iyon ng wine. “So what? Ito na ang last night ko as a single woman. Might as well enjoy ko na,” sagot niya sa nobyo at hinila ito palapit sa kaniya. Hinalikan niya ito at maingat na inilagay ang gamot sa baso at nakangiting lumayo. “Cheers to us, honey,” aniya at ibinigay iyon sa kasintahan. Tinanggap naman iyon ni Lorenzo at kaagad na ininom. Noong una ay okay pa ito hanggang sa nawalan na rin ng malay. Kaagad na kumilos siya at hinila ito papasok sa kaniyang kuwarto. “Sam, help me,” tawag niya sa kaibigan. Lumabas naman si Samantha at tinulungan siyang buhatin ang binata patabi kay Elle sa kama. Kapwa habol-hininga silang dalawa dahil malaking tao si Lorenzo. “I can’t believe I’m doing this,” ani Sam at napapikit. “You have to. Wala akong ibang aasahan,” saad ni Maddison. “I don’t know what kind of mess this will bring tomorrow,” sambit ni Samantha. “Stick to my plan, Sam. Just go with the flow. Iisipin nila bukas na may something sa kanilang dalawa. This is Elle’s room, magtataka sila kung bakit nandito si Lorenzo. Of course! Ako ang magiging biktima bukas. Kakausapin ko mamaya ang security para ma-brief ko if ever na titingin sila sa footage,” sambit ni Maddison. “Pero malalaman ni, Lorenzo dahil ayos na ayos pa siya nu’ng nag-usap kayo kanina,” sabat ni Sam. Ngumiti naman si Maddison. “Ako na ang bahala, Sam. I already posted some snaps in my account at exactly ten pm. Iisipin nila na nasa bar tayong dalawa. And he’s lured by Elle. Wala tayo rito, at naisahan siya ni, Elle. Iisipin niya na pinikot siya ni, Elle,” paliwanag niya rito. “What? Pero ang daming loopholes, Maddi. I don’t want to involve myself when things won’t succeed ha,” saad niya. “Iyon ang akala mo,” aniya at ngumiti. “What do you mean?” “I already instructed his assistant na lagyan ng gamot ang inumin niya. Na-brief ko na rin if ever na things will go wrong,” saad nito. Natameme na lamang ang kaibigan niya sa narinig. “You really prepared for this,” ani Sam. “Of course!” sagot niya at tiningnan ang dalawang natutulog. “Here,” ani Maddie at may maliit itong lalagyan ng dugo. “Ew, ano ba ‘yan?” ani Sam. “Undress them, kailangan maniwala silang may nangyari sa kanilang dalawa. Elle, is a freaking virgin. NBSB siya kaya need natin lagyan ng fake blood ang sheets,” ani Maddie. “No, ikaw na ang gumawa. I-I can’t,” reklamo ni Sam. Inikutan naman siya ng mata ni Maddie at ito na ang nagtanggal ng damit ng dalawa. Sinigurado pa niya na magiging kapani-paniwala ang lahat. “I pity, Elle for this. Hindi ka ba natatakot sa karma?” usisa sa kaniya ni Sam. “You’re part of the karma if ever, Sam. You supported me,” biro niya rito at tinawanan. “Siguraduhin mo lang na wala kang pagsisisihan after this. I really felt sorry for, Elle. Ang bait niya, and she’s loyal to you.” “Ganoon talaga, Sam. Alam ko namang maiintindihan niya ito. Alam kong susuportahan niya ako. But I have to do it this way para maisalba ang sarili ko,” aniya. Sinadya pang itapon ni Maddison ang damit ng dalawa sa labas at ginulo ang couch. May nilagay pa siyang puting likido roon. “What’s that?” “Fake semen, para mas kapani-paniwala,” aniya. Nang matapos ay tiningnan niya pa ulit nag dalawa at huminga nang malalim. “I’m sorry, Elle. I know you’ll understand me. I’m sorry too, Lorenzo. But you left me with no choice. I have to save myself. Hindi puwedeng ilaglag ko ang sarili ko. Maiintindihan niyo rin kung ano ang ibig kong sabihin soon.” Lumabas na sila ni Samantha at bumalik sa room niya. Umupo siya sa harap ng malaking salamin at ngumiti. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawag ang kasintahan. “Babe,” aniya at halata ng excitement sa boses. “Nagawa ko na ang plano. Tuloy ang vacation natin next week. Balitaan lang kita kung ano ang mangyayari bukas,” sambit nito sa katawag. “That’s great! I’ll tell my assistant to proceed with the booking,” sagot naman sa kabilang linya. “Okay, I miss you so much. Kunting-kunti na lang,” ani Maddi. “I’ll see you soon,” sambit nito. “Okay, love you,” aniya at pinatay na ang tawag. Tiningnan niya ang kaibigang si Samantha at hindi ito mapakali. “Hey! Ano ba ang nangyayari sa ‘yo? Just be calm, Sam. Hindi kita idadamay sa isyung ‘to. Besides, walang ibang nakakaalam nito kung hindi tayo-tayo lang. I paid those people involved a hefty amount, kaya alam kong hindi sila kakanta. And about Elle, I’ll talk to her soon. Alam kong mapapatawad niya ako,” sambit niya sa kaibigan. Tumango naman si Samantha. Wala naman siyang choice kung hindi ang maniwala sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD