TRH-4

2148 Words
“Elle, okay ka lang?” usisa ni Nica sa kaniya na nagluluto. “Nandiyan na naman ang demonyo. Ako na naman ang pinagdidiskitahan,” sagot niya at uminom ng tubig. Napakunot-noo naman ang kaibigan niya at nagulat nang mapagtanto ang kaniyang sagot. “OMG! Nandiyan na naman pala si Sir Pogi. Ba’t ka galit na galit diyan? Inaway ka na naman ba?” usisa nito. Hindi na siya sumagot at huminga na lamang nang malalim. “Ganoon talaga no, kapag pinagdidiskitahan tayo ng mga mayayamang ‘yan wala tayong magagawa,” sambit nito. “Pero kung si Sir naman ay walang problema sa ‘kin. Nanaisin ko pa ring pagalitan niya ako. Matitigan ko man lang ang guwapo niyang mukha,” dagdag nito. Inis na hinampas naman ni Elle ang balikat niya na ikinatawa nito. “Ito naman, joke lang. Sige na, kalma ka na,” anito at tinutusok-tusok ang kaniyang tagiliran. Huminga naman nang malalim si Elle at napailing. “M-Magandang gabi po, Sir. Dito po ba kayo kakain? Ipaghahain ko na po kayo,” wika ni Nica at halatang nenenerbiyos. Napalingon naman si Elle at nakita si Lorenzo na matamang nakatingin sa kaniya. Siguro kung nakakasugat ang mata kanina pa siya nahiwa. “Ipaghiwa mo si Sir ng manga,” ani Nica. Wala naman siyang choice kung hindi gawin iyon. Maingat na inilagay niya iyon sa mesa. Pinasadahan naman siya ng tingin ng binata. Kumuha ito ng manga at mukhang nasarapan naman dahil talagang matamis iyong manga. Para iyon sa senyorita niya subalit nauna pang kumain ang demonyo. “Where did you buy this?” tanong nito. Siniko naman siya ni Nica nang hindi siya sumagot. “Dala ko po,” matabang niyang sagot. Patuloy lamang ito sa pagkain. “From where?” “Sa probinsiya po namin,” tipid niyang sagot. “You went home,” he stated. “Day off ko po,” sagot niya rito. Hindi na nagsalita pa si Lorenzo. Nang matapos itong kumain ay kaagad na inasikaso naman ni Nica ang pinagkainan nito. “I’ll take some of those mangoes,” wika nito. Kaagad na kumunot naman ang noo ni Elle. “Po?” “Why? Is there a problem?” asik nito. Huminga nang malalim si Elle at umiling. Kumuha na siya ng paper bag at ipinagbalot ito ng manga. “Ito na po Sir,” aniya. Tiningnan lamang siya ng binata at tinalikuran. Gusto na niya itong murahin. Kaya naman pala nakuhang mag-cheat ng amo niya dahil sa ugali nitong napakasama. Sinundan niya ito hanggang sa kotse nito at t’saka iniabot ang paper bag. “Thanks,” saad nito at pinaharurot ang sasakyan. Naiwan naman si Elle na napapikit na lamang sa sobrang inis. Makalipas ang ilang araw ay bumalik na naman sa normal ang lahat. Busy siya palagi sa mga gawain sa loob ng mansiyon. Kasalukuyan nga siyang tumutulong sa pag-eempake ng mga dadalhin ng amo niyang si Maddison sa resort kung saan gaganapin ang kasal nito. Kapag hindi ito busy ay gusto niya na ring magpaalam dito. “Mag-impake ka na rin, Elle,” sambit nito. “Po?” Tiningnan siya nito at natawa. “Oh! I’m sorry, nawala pala sa isipan ko. Akala ko kasi nasabihan na kita. Sasama ka sa ‘kin sa resort. Hindi puwedeng ako lang ang nandoon. Alam mo naman, ikaw lang ang maaasahan ko. Wala akong mapagkakatiwalaan doon,” sambit nito. “P-Pero...” Kaagad na nagpaawa naman ang ekspresiyon nito kaya napahinga na lamang siya nang malalim. “Please Elle,” anito. Wala naman siyang magawa kaya pumayag na lang siya. “Yey! Thank you, Elle. Kung ako lang ang may hawak ng list para sa mga bridesmaid talagang ilalagay ko ang pangalan mo. Kaso hindi eh, wala kasi akong say sa event na ‘to,” saad nito. Nakaramdam naman ng lungkot ang dalaga sa narinig. “Aayusin ko lang po ang mga gamit na dadalhin ko,” saad niya rito. Ngumiti naman ito at tumango. Bumaba na siya at pumunta sa kaniyang kuwarto. Hindi na siya nahirapang pumili ng dadalhin dahil iisa lang naman ang get-up niya. Bandang hapon nga ay umalis na sila. “Mag-iingat ka roon ha, kahit sabihin na nating mabait iyang si Ma’am Maddi, hindi mo pa rin hawak ang pag-iisip niya. Kapag feeling mo hindi ka safe, alis ka na kaagad. Lalo pa at sikat iyang resort na pagdadausan ng kasal nila. Maraming turista at matao,” bilin sa kaniya ni Nica. “Oo, salamat. Huwag kang mag-aalala sa ‘kin, kaya ko ang sarili ko,” sagot niya sa kaibigan. “Nandiyan na sila, bye ingat kayo,” ani Nica at kumaway. Sumakay na sila sa van at pumuwesto naman si Elle sa likuran at tahimik na nakikinig lamang sa usapan ni Samantha at Maddison sa unahan. “Nauna na pala ang parents mo,” wika ni Sam. “As usual, siyempre kailangan punctual sila para good impression sa parents ni, Enzo,” saad naman ni Maddison. “So? Bukas ikakasal ka na kay, Lorenzo,” sambit ni Sam. Tumawa naman si Maddison. “Come on, Sam. You know that it will never happen. Nakapag-usap na kami ni, Jacob. He’ll find a way to run away with me,” sagot nito. Napakunot-noo naman si Elle sa narinig. “What do you mean? Talagang i-indian-in mo si Enzo? Think it through, Maddie. Malaking kawalan ito sa ‘yo at sa pamilya mo. Sigurado ka bang hindi ka iiwanan ng Jacob na ‘yan? Baka magsisi ka lang,” sambit ni Sam. “Sam, I’ve never been so sure in my life. Kailangan kong umalis kung hindi magiging kalbaryo lang ang buhay ko kasama si Enzo. I’m not happy with him anymore,” wika ni Maddi. Napahawak naman nang mahigpit si Elle sa dala niyang bag pack. “Kamumuhian ka ng parents mo.” “No Sam, I have a plan. Kailangan kong isalba ang sarili ko sa kalungkutan. Hindi ko kayang mabuhay sa kaplastikan. Oo nga’t nabibili ko lahat ng gusto ko, kilala ako ng mga tao, pero hindi naman ako masaya. Magiging miserable ako habang-buhay. Si Jacob, masaya ako sa kaniya Sam. Ibang saya ang naibibigay niya sa ‘kin,” paliwanag ni Maddie. “Sam, alam mo naman ‘di ba? Alam mo kung gaano kasama ang ugali ni, Lorenzo. I don’t want to grow old with someone like him. Baka mamatay ako sa stress,” sambit nito. Napakamot naman si Elle sa ulo niya. Talaga namang hindi kaaya-aya ang ugali ni Enzo. Pero labag pa rin iyon sa prinsipyo ng dalaga. Kahit ano pa man ang ugali ng binata ay hindi niya dapat ito niloloko. “Why don’t you break up with him na lang? May time ka pa para tapusin na lang ang lahat sa inyo kaysa gumawa ka pa ng mga silly decisions,” suhestiyon ni Sam. “No Sam, mapapatay ako ng aprents ko kapag ginawa ko ‘yan. Mag-iisip ako ng ibang paraan para matigil ang kasal na ‘to,” saad niya pa. “How?” giit ng kaibigan niya. “Basta, may naisip na akong paraan,” sambit nito. “Aysuin mo iyan ha. Sinasabi ko sa ‘yo, Maddie. Kung ano man iyan siguraduhin mong maayos ang kahihinatnan,” ani Sam. “Don’t worry, we’ll be fine.” Ilang saglit pa ay nakarating na sila sa resort. Namamangha si Elle sa paligid. Talagang npakaganda at napakalaki. Halata ring mga mayayaman lang ang nakapapasok. Nakita niya kasi ang mga rates sa gilid at katumbas iyon ng buwanang sweldo niya ang per night. Pumasok na sila sa loob ng hotel at binigyan siya ni Maddie ng card key sa room niya. “Here, enjoy ka lang sa loob ha. Sinigurado kong nasa VIP floor tayo para may access tayo sa lahat. May jacuzzi ka rin sa kuwarto mo kaya enjoy ka lang. Mamayang gabi, we’ll have a girls night out. Isa ka sa pinakaimportanteng babae sa buhay ko, Elle. Hindi ko rin alam kung matutuloy ba ang kasal ko bukas o hindi, pero hindi nu’n mababago na napakalaki nu’ng naiambag mo sa buhay ko,” mahinahong sambit ni Maddie. “Narinig ko po ang usapan niyo ni, Ma’am Samantha kanina. Hindi naman po sa panghihimasok ko, pero may ponto po siya. Kung ayaw niyo po kay, Sir Lorenzo sabihin niyo po sa kaniya. Mukhang maiintindihan niya naman po. Halata rin naman po sa kaniya na aware siya sa mga pagkukulang niya sa ‘yo. Isa pa po, mahal ka ng mga magulang niyo. Kung ano man ang magiging desisyon niyo, alam kong susuportahan ka nila,” wika niya. Tiningnan lamang siya ni Maddie at nginitian nang tipid. “I wish things were as easy as that, Elle. Sige na, tawagin na lang kita mamaya ha. Pinalagyan ko na rin ng foods ang mini-fridge riyan para kapag nagutom ka may makakain kang snacks,” anito. Tumango naman siya. Pumasok na siya sa loob at kaagad na napangiti. “Wow!” manghang aniya. Bawat sulok ay talagang pinuntahan niya. She giggled in excitement and closed her eyes to feel the relaxing sound of the waves. Para siyang dinuduyan. Humiga siya sa kama at kaagad na para siyang hinehele sa sobrang lambot nu’n. Napatingin siya sa gilid at natigilan. Tumayo siya at binuksan ang malaking glass door t’saka bumungad sa kaniya ang jacuzzi. Napatili naman siya sa sobrang ganda nu’n at lumuhod t’saka hinawakan ang tubig. “Para akong nananaginip. Sa TV ko lang ‘to nakikita, hindi ko akalaing ngayon ay mararanasan ko pa,” aniya at natawa. Hinubad niya ang suot na damit at kaagad na lumusong sa tubig. Tuwang-tuwa siya habang nakatingin sa malawak na dagat na klarong-klaro sa tinted glass. “Grabe!” aniya at napailing. Sobrang na-enjoy niya ang paglublob na sa tingin niya ay umabot yata siya ng ilang oras bago umahon. Nagbihis na siya ng simpleng t-shirt na puti at hinayaan ang buhok niyang nakalugay. Pinaresan niya ng itim na jogging pants. Nagsusuklay siya nang makarinig ng katok. Kaagad na tumayo siya at binuksan ang pinto. “Elle! Tara,” aya sa kaniya ng amo niya. “S-Sige po,” sagot niya at lumabas na. Papunta naman sa kanila si Sam na sobrang sexy sa suot nitong halter top dress na hanggang hita at mataas ang takong ng suot nitong heels. Ganoon din naman ang amo niyang si Maddison. “Goodness, Elle! Iyan ang susuotin mo? Hindi tayo matutulog,” ani Samantha sa kaniya. Nahiya naman si Elle. “I-Ito lang po ang maayos kong damit at hindi po ako sanay magsuot ng dress,” sagot niya. “No, t’saka ang ganda mo pala ha. Bagay sa ‘yo na nakalugay ang mahaba mong buhok,” ani Sam. “True, may mga damit akong bagong bili sa loob tara, magbihis ka,” sambit ni Maddison at hinila na siya papasok. “Naku! Huwag na po, okay lang po sa ’kin na pagtinginan ako ng mga tao. Dito po kasi ako komportable,” sabat niya. “No, hindi puwedeng overdressed kami tapos ikaw underdressed. Baka ano pa ang sabihin nila sa ‘min, gusto mo ba ‘yon?” pangongonsensiya ni Maddie sa kaniya. Hindi naman nakaimik si Elle sa sinabi ng amo niya. Kinuha nito ang bodycon dress nitong kulay orange at ibinigay sa kaniya. “Here, magbihis ka,” saad ng amo niya. Alanganing tinnaggap naman iyon ni Elle at sinunod ang gusto nito. Paglabas niya ay hindi siya komportable at nakikita ang balikat niya. Pakiramdam niya ay hinuhubaran siya. “Wow! You look gorgeous,” ani Samantha at hinila siya paupo sa harap ng salamin t’saka nilagyan ng mascara ang mata at lipstick ang kaniyang labi. Nilagyan din siya ng kaunting blush on t’saka pinaharap sa salamin. “Oh God! You’re so pretty, Elle. Nai-insecure tuloy ako. Ang ganda pala ng mata mo. May lahi ka ba?” tanong ni Sam sa kaniya. Alanganing tumango naman siya. “Sabi po ni, lolo isang Spanish National ang ama ko,” sagot niya. “Oh, kaya naman pala. See? Napakaganda mo Elle. Baka sakaling makita mo na rin ang the one mo mamaya,” tukso sa kaniya ni Maddie. Ayaw mo naman magsuot ng high heels. At least itong flats ko na lang,” ani Maddie at ipinasuot na iyon. Hindi naman siya nakareklamo at hinayaan na ang mga ito. “Ang daya naman. Kailangan ko pang magpa-facial at bumalik sa mga clinics para lang magkaroon ng fair at smooth skin, samantalang itong si Elle naglilinis lang ng bahay effortless ang pagkamakinis,” sambit ni Sam. Nao-awkward siya sa totoo lang pero wala naman siyang magagawa. Lumabas na sila at naaasiwa siya sa mga tingin ng mga taong nakakasalubong nila. “Elle, you’re so pretty. Huwag kang yumuko,” ani Maddie sa kaniya. Napakamot naman si Elle sa leeg niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD