“Aba’y nandito na pala si Sergio,” wika ng matandang nakasuot ng sombrerong gawa sa pandan.
“Eugenio,” saad naman ng lolo niya at kaagad na ipinakilala siya.
“Ito na ang apo kong si Elle. Kauuwi lang niya kahapon, isinama ko na rito at pitasan pala ngayon ng manggahan niyo,” saad ng kaniyang lolo.
“Aba’y lalong gumanda itong apo mo ah. Naaalala ko pa noon, patakbo-takbo lang ito sa palayan,” saad nito at natawa. Kaagad na nagmano naman ang dalaga rito.
“Pa, sasama na si Dane sa ‘tin mamaya.”
Napatingin naman sila sa likuran at natigilan si Elle nang makita ang binatang halatang may lahi. Sa tabi nito ay ang lalaking may katandaan na rin pero matangkad at medyo hawig sila.
“Manuelito,” saad ng lolo niya.
“Mabuti naman at nandito kayo, Mang Sergio. Ito na ba si Ellerie? Matagal-tagal din bago siya nakauwi rito. Kumusta ka naman, hija?” usisa ni Manuelito.
“Hello po, okay lang po,” sagot niya.
Nagngitian naman sila at kaagad na inilapit ni Manuelito ang anak nitong kanina pa nakatitig sa dalaga.
“Nahiya pa yata itong anak ko ah,” natatawang sambit ni Manuelito.
“Tara na sa unahan at patapos na rin silang mamitas,” aya sa kanila ni Eugenio.
“Dito na muna kayong dalawa, maigi na iyong magkilalahan kayo,” sabat naman ni Manuelito at umalis na ang tatlo.
Naiwan naman si Elle at nahihiyang nginitian ang binata.
“Hey,” sambit nito sa kaniya.
“H-Hello,” aniya.
“I’m Dane, you’re Elle, right? Tatay Sergio told me a lot about you,” sambit nito.
“Hayaan mo na iyong lolo ko. Huwag mo masiyadong seryosohin,” nahihiyang sagot niya.
“But what he said was all true. You’re truly a beauty. Can we be friends?” tanong nito.
Napakamot naman sa ulo niya si Elle at nahihiyang tumango. Ayaw niyang tingnan ang binata dahil sobrang guwapo nga nito. Matangkad at halatang mabait.
“O-Oo naman,” aniya.
Ngumiti naman kaagad ang binata at inaya siyang maglakad-lakad sa manggahan nila.
“I heard you’re working as a housemaid in the city,” wika nito.
“Yes,” sagot niya.
“That’s good. I also know why you are having that work,” dagdag nito.
“Kailangan ng tulong ni, lolo at lola kaya tama lang na tumulong ako. Mababait din naman ang mga amo ko kaya tumagal din ako. Iyong anak ng amo ko, siya ang dahilan kaya hanggang ngayon ay nakakasama ko pa rin si lolo,” kuwento niya rito.
“When do you plan on retiring?” tanong pa nito.
Napaisip naman si Elle.
“I don’t have any plans, I’m just going with the flow,” sagot niya rito.
“How about settling down?”
Natawa naman si Elle.
“Wala pa sa isip ko ‘yan. Isa pa, hindi pa ako nagkaroon ng karelasiyon kaya hindi ko alam kung darating pa ba iyan sa buhay ko,” aniya pa.
“You haven’t found someone yet,” he stated. Tumango na lamang si Elle bilang pagsang-ayon dito.
“Ba’t mo pala naisipang mag-for good dito sa Pinas? Ayaw mo na ba sa States? Balita ko’y napakaganda ng bansang iyon at nakayayaman,” wika ni Elle.
Dane just looked at her and smiled.
“Because this is where I truly wanted to live. Bata pa lang ako, I know in my heart that Philippines will always be my home. I love the States too, but it will come as my second home,” sambit nito.
“Ayaw mo sa mabilis na buhay? Mas gusto mo pala iyong slow-slow lang,” komento ng dalaga.
“Yea, besides people here are great and kind.”
“Sa bagay,” aniya.
“You’re on a vacation right now?” usisa nito. Umiling naman ang dalaga.
“Day off ko lang ng two days, uuwi rin ako mamayang hapon. Hindi rin kami magtatagal ni, lolo. Sumama lang talaga ako para makapagliwaliw nang kaunti,” sagot niya.
Kita naman niya ang panghihinayang sa mukha ng binata.
“Too fast, when will you be back?” tanong nito.
“Hindi ko rin alam eh,” saad niya.
“Wala ka bang balak mag-stop sa work mo? Or find another work? I can help you. You want to work at the Barangay? It was much better dahil hindi mo na kailangan magtrabaho away from your grandparents,” sambit nito.
“I was actually offered to work here. Kaso, hindi ako nagtatrabaho sa amo ko dahil sa sweldo lang. Malaki ang utang na loob ko sa amo ko. Malapit na siyang ikasal. And I was planning to resign kapag naikasal na siya,” sagot niya.
Kita naman niya ang pagliwanag ng mukha ng binata.
“Really? is that happening next year?” usisa nito.
“Hindi, baka next month. Nahihirapan na rin kasi ako dahil malayo ang siyudad at minsanan ko lang makita si lolo at lola. Patanda na sila, at gusto kong sulitin ang araw na magkasama kaming tatlo. Gusto ko silang alagaan,” aniya.
“That’s great!” komento nito.
“Yea,” sagot niya lang.
“Maybe, if you’re here, we can stroll or we can date na?” anito.
“Ha?”
Natigilan naman si Dane at napakamot sa kaniyang ulo.
“I-I don’t have more friends here. And talking with you right now feels so natural. I’m not feeling awkward or what, so maybe we can have a lot of fun. We can get to know each other more,” paliwanag nito.
“Ahh, sure,” aniya at napangiti.
Ilang sandali lang ay may bitbit ng basket ang lolo niya na punong-puno ng manggang hinog. Ang isa naman ay bitbit ni Mang Manuelito. Ang papa ni Dane.
“Mukhang maganda ang pinag-usapan niyo ah,” saad ng matandang si Eugenio.
Ngumiti lang naman silang dalawa bilang sagot.
“Paano? Uuwi na kami at aalis na rin itong apo ko mamaya,” saad ng lolo ni Elle.
“Mag-iingat kayo, Mang Sergio, Elle,” wika naman ni Manuelito.
“Maraming salamat dito sa mangga,” saad ng lolo niya.
“Ay, oo nga pala hija. Itong isang basket ay dalhin mo sa siyudad. Ibigay mo sa amo mo, paniguradong magugustuhan nila ito dahil sobrang tamis ng mga mangga rito,” sambit ni Manuelito.
“Naku! Nag-abala pa po kayo. Maraming salamat po,” sagot niya at tinanggap iyon.
“Hatid ko na kayo,” sabat ni Dane.
Natahimik naman silang apat at kalaunan ay nagngisihan na ang mga matatanda.
“Mabuti pa nga anak, ihatid mo na at mabigat iyang mga dala nila. Akala ko’y hindi ka iimik diyan eh. Bilisan mo na ang kilos,” ani Manuelito at tinutukso pa ang anak.
Natawa naman sila.
“Oh, paano? Mauna na rin kami ulit sa manggahan. Dane, ikaw na bahala sa kanila ha at nandito na rin ang mga buyer,” saad ni Eugenio.
“Opo, ‘lo,” sagot ng binata.
“Maraming salamat po ulit,” ani Elle.
Sumakay na sila sa multi-cab at inihatid na sa kanilang bahay. Tahimik lang si Elle sa biyahe at nahihiya pa rin siya kahit papaano kay Dane.
“Napakabait mong binata, Dane. Mabuti rin at naging magkaibigan na kayo,” saad ng lolo niya.
“You have a very kind, apo, ‘lo. You’re so lucky,” komento ni Dane.
Tahimik lang din naman ang dalaga sa gilid hanggang sa makarating na sila.
Inalalayan naman siya ng binata na makababa.
Nahihiyang nagpasalamat ulit siya rito.
“S-Salamat pala rito sa manga,” aniya. Tumango lamang ito.
“Remember our usapan ha, pagkauwi mo rito ulit,” sambit nito.
Tumango naman si Elle rito.
“’Lo, I’m going home na,” saad nito sa lolo niya.
“Halong Dane,” sagot ng lolo niya.
Nang makaalis na ito ay kaagad na tinukso siya ng kaniyang lolo.
“Ano? Sabi sa ‘yo ang bait ng batang ‘yon,” wika nito.
Napakamot naman ang dalaga sa ulo niya.
“Oo nga po eh,” aniya.
Pumasok na sila sa loob at naghanda na rin siya para bumalik sa siyudad. Paniguradong marami siyang dadalhin dahil maraming hinanda ang lola niya.
Bandang alas-dos nga ay nakabihis na siya at nakaatang na rin ang traysikel sa labas.
“Mag-iingat kayo rito, baka next month ay magpipirmi na po ako rito sa atin,” nakangiting aniya.
“Maganda iyan apo. Dito na lang tayo, hindi naman tayo magugutom,” sambit ng kaniyang lola.
“Alis na po ako, huwag kayong magpapagod ha. Kain sa tamang oras, mag-iingat kayo rito,” aniya at niyakap na ang dalawa.
Kumaway na siya sa mga ito at umalis na sila. Habang nasa biyahe nga ay napangiti siya. Sobrang gaan ng kaniyang pakiramdam ngayon.
Ilang oras pa at nakarating na rin siya sa Carter’s Mansion. Kaagad na sinalubong siya ng kaibigang si Nica.
“May suman?” tanong nito. Kumikinang pa ang mga mata.
Tumango naman siya bilang sagot.
Kaagad na dumeritso na sila sa maid’s quarter at niting-ngiti naman ang mga kasamahan niya. Kinuha niya na ang isang basket ng hinog na manga at dinala sa kusina.
“Elle, mabuti naman at nakabalik ka na pala,” sambit ng amo niyang si Maddison.
Bihis na bihis ito at mukhang may lakad.
“Opo, may dala po akong manga. Season kasi ng manga ngayon sa amin. Masarap po iyan at matamis,” aniya.
“Nag-abala ka pa talaga. Kakain ako niyan bukas. I have to go eh. Pakilinis na lang ng kuwarto ko ha. Baka uumagahin na naman kasi ako ng uwi,” saad nito.
Ngumiti naman siya.
“Walang problema po, Senyorita,” sagot niya.
“Alis na ako, at kapag pumunta na naman dito si Lorenzo, sabihin mo lang na nag-swimming kami ng friends ko overnight, okay?” anito.
Tumango lamang siya rito. Maingat na isinalansan niya ang manga sa lalagyan at umakyat na papunta sa kuwarto ng senyorita niya para linisan iyon.
Napatingin siya sa paligid at huminga nang malalim. Makalat at kahit saan lang nakalatag ang mga damit nito.
Pinulot niya iyon at nilagay sa tray ng mga labahin. Habang seryoso sa paglilinis ay narinig niya ang malamig na boses.
“What are you doing here?”
Napatigil naman siya at napalingon.
“S-Sir Lorenzo,” aniya.
Kunot ang noo nito na nilapitan siya t’saka napatingin sa paligid.
“Where’s Maddie?” tanong nito.
“Umalis po, may overnight swimming kasama ang mga kaibigan niya,” sagot niya rito.
Tiningnan naman siya nito at tila hindi kumbinsido sa kaniyang sagot.
“I know you’re loyal to her. Are you telling the truth?” anito.
Napalunok naman si Elle nang maramdaman ang kalamigan at diin sa boses nito.
“O-Opo, wala po sa bokabularyo ko ang magsinungaling,” sagot niya.
“Okay,” saad nito at umupo sa couch.
Hindi naman makaisip nang maayos si Elle. Hindi siya sanay na tinitingnan habang naglilinis.
“You serve for her for almost a decade now,” saad nito. Hindi naman umimik si Elle.
“I know that you know something. Hindi mo lang masabi dahil pinoprotektahan mo siya,” dagdag pa nito.
“Wala po akong alam sa sinasabi niyo. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko sa kaniya. Kung may mga issues man siya, labas na po ako roon. Trabaho ko pong pagsilbihan siya, at hindi alamin kung ano ang nangyayari sa buhay niya,” derikta niyang wika.
Napatingin naman si Lorenzo sa kaniya nang mariin.
“She’s so lucky knowing that she has a maid like you. How much is your loyalty, Ellerie Iza Fernandez? Magkano ka ba?” tanong niya rito.
Kaagad na nabuhay naman ang inis sa puso ng dalaga.
“Ano po ang sinabi niyo?”
Lorenzo smiled at her arrogantly.
“Alam kong sa mundong ‘to, lahat ay may katumbas na presyo. Kaya ka lang naman tumagal sa kaniya at naging loyal dahil she feeds you lots of money. Kaya tikom ang bibig mo dahil binabayaran ka niya nang malaki,” saad nito at halata ang pang-uuyam sa boses.
Naikuyom naman ng dalaga ang kamao niya at natawa nang pagak. Tiningnan niya ang binata at natigilan nang mag-abot ang kanilang paningin. Para bang may kung anong dumaan sa likod niya. Kaagad na iniwas niya ang kaniyang tingin at akmang tatalikod nang hawakan nito nang mahigpit ang kaniyang braso.
“How much do you want? Two-million? Five-million? Name your price,” galit nitong saad.
Galit na nilingon niya rin ito at malakas na sinampal.
“Mayaman ka lang, pero wala kang karapatan na insultuhin ako ng ganiyan. Hindi lahat kayang bilhin ng pera mo,” madiin niyang sagot.
Pabalyang binitiwan naman siya ng binata.
“Kung may problema kayong dalawa ni, Senyorita Maddison ayusin niyo. Kung nagdududa ka sa kaniya, gumawa ka ng paraan para mabigyang linaw ang pagdududa mo. Hindi iyong sinisira mo ang katahimikan ng buhay ko. Buhay niyo ‘yan, labas ako sa kung ano man ang problema niyo. May sarili rin akong inaatupag, huwag niyo na akong idamay,” aniya at iniwanan na ito sa kuwarto.
Pagkalabas niya ay sobrang bilis ng t***k ng puso niya. Kaagad na napabuga siya ng hangin at bumaba.