“Hayaan mo siya, Lorenzo. Kailangan niyang mapag-isa,” malumanay na sambit ni Sam. Galit na tiningnan naman ito ni Lorenzo. “f**k you! I’ll kill you, Sam,” galit nitong sambit. Nilapitan naman siya ng dalaga at hinawakan ang mukha nito. “Gusto mo bang patayin ko ang anak mo?” nakangiting wika nito at pinukpok ang puson nito. Nakangiti lang ito sa kaniya. “You’re crazy,” anito at napahakbang palayo. “Huwag na huwag mong kakalimutan ang usapan natin, Lorenzo. Isang pagkakamali mo lang, tapos ang lahat. Nakalimutan mo na ba ang sinabi ng doctor sa ‘yo? Mababa ang sperm count mo, at itong dinadala ko ay milagrong nabuo. Nabuo nating dalawa, kaya huwag kang gagawa ng mga bagay na ikagagalit ko at talagang hindi ako magdadalawang-isip na patayin ang anak mo. Naiintindihan mo ba?” wika nito

