Nakaluhod lamang siya sa harap ng bahay nila habang inaapula ng mga bombero ang apoy. Tumunog ang kaniyang cellphone at may tumatawag. Nanginginig ang kamay na sinagot niya iyon. “Hello?” “Hindi mo sana nararanasan ang sakit na mawalan kung hindi mo ako tinraydor, Elle. Akala mo ba talaga hindi ko malalaman ang plano niyo ni, Lorenzo?” wika ni Samantha sa kabilang linya. Naikuyom niya ang kamao niya. “Hayop ka! Huwag ka lang magpapakita sa ‘kin at papatayin kita,” matigas niyang saad. Sunod-sunod ang luha niya sa pag-agos. “Huwag ka ng mag-abalang hanapin ako, dahil ako mismo ang pupunta sa ‘yo, Elle,” sagot nito at tumawa pa. Akmang magsasalita pa siya nang patayin na nito ang tawag. “Hello? Hello?” aniya at napahigpit ang hawak sa cellphone. Napatingin siya sa paligid at ang dam

