Nasa loob lang ng kotse si Elle at naunang lumabas si Inez. Ayaw niyang lumabas dahil may mangilan-ngilan pang tao. Naglakad-lakad ito at huminto sa dalawang puntod. Nakatayo lang ito roon at ilang sandali pa ay nilapitan siya. “Nakita ko na,” wika nito. Ibinaba naman niya ang windshield at tiningnan si Inez. “Kumusta ang puntod nila?” tanong niya rito. “Malinis at mukhang may nag-aalaga. May bulaklak din at presko pa. Mukhang may nag-aalaga sa kanila,” sagot nito. Tumango naman si Elle at kinuha ang dalang bulaklak t’saka bumaba. Habang naglalakad ay bumabalik sa utak niya ang mga nangyari nu’ng nakaraan. Ang masayang mukha ng lolo at lola niya at ang biglaang pagsabog ng bahay nila kasama ang dalawa. Tumayo siya roon at nakatitig lamang sa lapida. Pinigilan niya ang sarili na lumuha

