C-20

1724 Words
Matapos ang mahabang break, muling bumalik ang mga guro sa kani-kanilang silid-aralan. Ngunit pagsapit ng 1:00 PM, isang anunsyo ang narinig sa buong paaralan: > "Lahat po ng guro ay inaanyayahang pumunta sa likod ng faculty room para sa isang mahalagang meeting." Isa-isang lumabas ang mga guro, kasama na si Yvone at Teacher Anna. Habang papunta sila sa meeting hall, nagsimula na ang bulung-bulungan ng mga naroon. "Anong meron? Bakit parang ang formal ng meeting hall ngayon?" tanong ng isa sa mga guro habang napapansin ang kakaibang ayos ng lugar. May nakatakip na malaking puting tela sa gitna ng entablado, at may mga lamesang may munting palamuti sa gilid. May projector, may ilang sound system, at may naka-stand by pang photographer. "Parang may awarding ceremony ah," bulong pa ng isa. Si Yvone, kasama si Anna, ay naupo sa harapang hilera, malapit mismo sa entablado. Hindi rin niya maintindihan kung bakit parang siya ang tinutok sa unahan, pero piniling manahimik. Napansin niyang parang may espesyal na inihanda. Wala pa man ay kinakabahan na siya. Maya-maya, dumating na ang principal—Ginang Merrith, bitbit ang kanyang clipboard at may kasamang ilang staff mula sa division office. "Magandang hapon po sa inyong lahat," panimula niya, nakangiti at puno ng sigla ang mukha. “Ang pulong natin ngayon ay tungkol sa naging seminar sa Baguio. Alam kong marami sa inyo ang nagkaroon ng magkahalong karanasan—masaya, may konting tensyon, pero higit sa lahat ay may aral tayong lahat na natutunan.” Nagtinginan ang ilang guro, lalo na ang mga kasali sa eskandalo. Napalunok si Yvone at si Anna ay tahimik lang na nakatingin sa harap. Ngunit nagbago ang tono ni Ginang Merrith. “Ngayong hapon,” patuloy niya, “nais naming bigyang parangal ang isang guro na, sa kabila ng lahat ng panghuhusga, ay pinili pa rin ang maging propesyonal, disente, at totoo sa kanyang trabaho. Isa siyang ehemplo ng katatagan at kabutihang-loob." Napakunot ang noo ni Yvone. Ako ba 'to? tanong niya sa sarili. Sabay senyas ng principal, at dahan-dahang hinila ng dalawang staff ang puting tela na nakatakip sa gitna. Bumungad sa kanilang lahat ang isang malaking banner, may litrato ni Yvone habang nagtuturo, at sa ibaba nito: > "Congratulations Teacher Yvone Fernandez! Sa Iyong Katapangan, Katapatan, at Puso sa Pagtuturo. From Head Superintendent Ferros & DepEd Division"** Napanganga si Yvone. Lahat ng guro ay napatingin sa kanya, ang ilan ay napapalakpak. Si Anna ay napangiti at tinapik siya sa balikat. “Yvone! Ikaw pala ang pasabog dito! Sabi ko na eh,” bulong ni Anna. Tumayo si Ginang Merrith muli sa mikropono. "Maaaring hindi niyo nakita kung sino ang ‘Head Ferros’ habang nasa Baguio kayo, ngunit siya ay lihim na nag-obserba at nagtanong-tanong sa ating seminar. Isa siya sa mga naging tagamasid ng ating mga aktibidad—at napansin niya ang dedikasyon mo, Teacher Yvone. Kaya’t kami ay labis na nagagalak na ibigay ang parangal na ito sa iyo.” Halos mapaluha si Yvone, ngunit pinigilan niya ito. Tumayo siya nang utusan siyang lumapit sa harap. May kaunting speech of appreciation, pero hindi pa rin siya mapalagay. Pero sino si Ferros? tanong niya sa isip. Bakit parang hindi ko naman nakita ‘yon sa buong seminar? Matapos ang ilang sandaling kasayahan at picture-taking, muling nagsalita si Ginang Merrith. “Teacher Yvone,” sabi nito, “kung gusto mong makilala si Superintendent Ferros nang personal, hinihintay ka niya mamaya. Exactly 3:00 PM, puntahan mo lang ang address na ito…” Iniabot ni Ginang Merrith ang isang envelope na may logo ng Department of Education. “Doon mo siya makikilala nang mas maayos. Gusto ka raw niyang kausapin ng personal.” Kinuha ni Yvone ang envelope at bahagyang tumango. Nagtataka man, hindi niya maipaliwanag ang kabang biglang bumalot sa kanyang dibdib. Habang nasa biyahe si Yvone patungo sa address na ibinigay ni Ginang Merrith, ramdam niyang hindi siya mapakali. Halos 45 minutes daw ang layo mula sa eskuwelahan, kaya napagpasyahan niyang sumakay ng taxi kaysa mag-commute ng ilang beses. Tahimik ang loob ng sasakyan, tanging patak ng ulan ang unti-unting naririnig habang binabaybay nila ang highway. Traffic. Mabigat pa ang ulap. Mukhang uulan na naman. “Ma’am, baka po gabihin tayo kung hindi titigil ‘tong trapik,” sabi ng drayber habang bahagyang lumingon. Napabuntong hininga si Yvone. “Ayos lang po, kuya. Medyo importante lang ‘yung pupuntahan ko.” Pagkalipas ng halos isang oras, bumaba na siya sa harap ng isang malaking gusali, malinis, elegante, at halatang opisina ng isang mataas na personalidad. Sa labas pa lang, may mga security guard na naka-standby. “Excuse me po, Ma’am. Visitors pass?” hinarang agad siya ng isa sa mga gwardiya, hawak ang scanner. “I’m Teacher Yvone po. I have an appointment with Mr. Ferros,” sabay abot niya ng kanyang DepEd ID. Tinignan ito ng guard at nagtanong pa sa earpiece, “May teacher po rito. Appointment under Mr. Ferros.” Matapos ang ilang segundo, tumango ang guard. “Okay na po, Ma’am. Tuloy po kayo.” Nagpasalamat si Yvone at tinungo ang hallway patungong opisina ng head. Ngunit habang naglalakad siya sa carpeted na pasilyo, may isang babaeng sopistikada, mataray ang aura, at tila nasa late 50s na, ang bigla na lang humarang sa harapan niya. Tila kabisado ng ginang ang lugar, may suot itong branded na blazer, pearl earrings, at matalim ang tingin. Tumaas ang kilay nito habang hinahagod ng tingin si Yvone mula ulo hanggang paa. “Who are you?” tanong ng ginang, malamig at mapanghusga ang tono. “Ah... good afternoon po. I’m Teacher Yvone po. I was invited to—” Biglang hinawakan ng babae ang braso ni Yvone, mariin. “Aaray po!” napasinghap si Yvone. “Bakit niyo po ako sinasaktan?” “Hindi ka na nahiya! Bakit ka pa bumalik dito?” singhal ng ginang. “Layuan mo ang anak ko. Hindi ka bagay sa kaniya! Magsama kayo ng kahihiyan mo!” Nanlaki ang mata ni Yvone. Anak niya? Sino'ng anak? Hindi niya maalala na may nakaalitan siyang anak ng kung sino man. “Wait—Ma’am, hindi ko po alam kung anong sinasabi niyo—” “Huwag ka nang magpaawa pa! Guard! Palabasin niyo ‘to. Tandaan niyo ang mukha niya. Huwag na huwag niyong papapasukin ulit dito!” Nagmadaling lumapit ang mga security, at napalayo si Yvone sa sobrang gulat. “Ma’am please, I’m just here to meet Mr. Ferros. May appointment po ako—” “Wala akong pakialam! Hindi ka welcome dito!” mariing sigaw ng ginang habang naglalakad palayo, iniwan ang gwardyang naguguluhan kung ipapaalis ba talaga ang bisita. Dito, huminga nang malalim si Yvone, pilit pinapakalma ang sarili. “Kuya, please... pakitawagan na lang po si Mr. Ferros. Hindi ko talaga alam ang sinasabi ng ginang na iyon. I came here because I was officially invited. May dokumento po ako, at may ID ako. I am a public school teacher, and this is regarding the school seminar recognition. Wala po akong masamang intensyon.” Saglit na nag-usap ang mga guards. May isa sa kanila ang nagreport sa radio at maya-maya’y lumapit. “Ma’am, pasensya na po. May directive po kaming hintayin ang kumpirmasyon ni Mr. Ferros mismo. Sandali lang po, pakihintay sa lobby.” Tumango si Yvone at naupo sa gilid, tahimik at ninenerbyos. Sa kabila ng lahat, gusto na niyang malaman: Sino ba talaga ang Ferros na ito? At bakit galit ang babaeng iyon sa kanya? Halos isang oras na ang lumipas. Nakaupo si Yvone sa gilid ng lobby, hawak ang noo, bahagyang pinipikit ang mga mata. Masakit ang ulo niya… Nahihilo siya. Mabigat ang pakiramdam niya, parang umiikot ang paligid. Wala man lang staff na lumapit sa kanya o nagtanong kung bakit siya naroon. Napansin ng ilang dumadaan na empleyado ang pamumutla ni Yvone, pero lahat sila'y tila abala at nagmamadali. Sa itaas naman ng gusali, si Lucian ay tahimik na nakatayo sa harap ng salamin ng kanyang opisina. Panay ang tingin sa relos. "Anong oras ba talaga ang usapan nila ni Merrith? Bakit wala pa siya?" tanong niya sa sarili. "Gibson," tawag niya sa intercom. "Pakisilip nga sa baba kung may bisita sa lobby. Naghihintay ako kay Yvone pero parang wala pang dumadating." "Yes, boss. I'll check." Pagkababa ni Gibson, agad niyang tinanong ang mga guard sa reception area. “May bisita po ba kayo kanina pa? Babae, medyo maputi, maliit, teacher raw?” “Opo, Sir,” sagot ng isang guard. “Naroon po, sa gilid. Kanina pa po siya. Tila masama na ang pakiramdam.” Nagmadaling nilapitan ni Gibson si Yvone. Namumuo ang pawis nito sa noo, maputla ang mukha, at nanlalambot. “Ma’am! Ma’am, okay lang po ba kayo?” Bahagyang tumingin si Yvone sa kaniya, pero malabo na ang paningin. “I-I was… waiting... appointment…” mahina niyang sambit. Agad na tinawagan ni Gibson si Lucian. “Boss! Nandito si Ma’am Yvone. Nahihilo na po siya, mukhang hindi na kaya. Nasa lobby siya. Hindi po siya pinayagang pumasok kanina dahil—” Hindi na pinatapos ni Lucian ang sinabi ni Gibson. Bigla itong bumaba ng opisina, mabilis ang hakbang, punong-puno ng kaba. Sa lobby, tahimik si Yvone. Pilit niyang nilalabanan ang nararamdamang hilo. Pakiramdam niya’y hindi niya na maririnig pa ang susunod na mangyayari. Pero maya-maya… Klak. Klak. Klak. Yung tunog ng mga sapatos na unti-unting lumalapit sa kanya. Bahagyang tumingala si Yvone. Malabo man ang paningin, pero hindi niya pwedeng hindi makilala iyon — si Lucian. "Yvone!" tawag nito, halatang gulat at nag-aalala. Napapikit na lang si Yvone, parang lumulutang na ang pakiramdam niya. “Luci…” hindi na niya natapos. Nanghina siya at nawalan ng malay. Mabuti na lang at nasalo agad siya ni Lucian. Dali-daling niyakap nito si Yvone habang tinatawag ang pangalan niya. “Yvone?! Damn it... What happened to you?” bulong ni Lucian habang pinapasan si Yvone. “Gibson! Ihanda ang clinic room, tawagin ang company nurse. Now!” sigaw niya habang mabilis na nilalakad ang hallway papasok sa elevator. Dikit na dikit ang noo ni Lucian sa noo ni Yvone, dama niya ang init nito. “Sana sinabi mo na kanina pa na narito ka…” Habang papasok sila sa elevator, hindi maalis ang kaba sa mukha ni Lucian. Sa isip niya: Kung may nangyari kay Yvone, hindi niya mapapatawad ang sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD