C-19

1875 Words
Nasa harapan na sila ng paaralan. Bahagyang huminto ang sasakyan ni Lucian sa tapat ng gate. Tahimik lang si Yvone habang hawak ang shoulder bag, waring iniiwasang tingnan si Lucian para hindi mahalata ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. “Yvone…” malumanay ang tono ni Lucian, ngunit may diin sa boses. Lumingon si Yvone sa kanya. “Take care of yourself, okay?” dagdag pa niya. “Naayos ko na ‘yung gusot mo rito sa paaralang ito. Nakipag-usap na ko sa principal, pati sa supervisor. Alam na nila ang buong nangyari.” Bahagyang natigilan si Yvone. Hindi niya inaasahan na kikilos agad si Lucian. “At kung may ginawa ulit sila sa’yo…” biglang tumalim ang tingin ni Lucian. “Pasasabugin ko na ang eskwelahan na ‘to.” Hindi na napigilan ni Yvone ang mapatawa. Napailing siya habang tinatakpan ang bibig. “Grabe ka. Para kang gangster sa pelikula,” natatawang wika niya. Napangiti si Lucian. First time niyang marinig at makita si Yvone na tawa nang tawa sa harap niya. Iba ang dating sa kanya—parang may malamig na hangin na dumampi sa dibdib niya. “Ganun ba?” biro ni Lucian. “Kailangan ko lang palang magpatawa araw-araw para ngumiti ka lagi. Sige, gagawin ko ‘yan. Libreng stand-up comedy, for Mrs. Mysterious.” “Tumigil ka nga,” sabay irap ni Yvone pero hindi maikakaila ang tuwang bumalot sa mga mata niya. “Good girl,” ani Lucian, saka dahan-dahang tinapik ang ulo nito. “Text me kapag may problema. Or wag na—i-chat mo na lang ako. Mas mabilis.” Tumango si Yvone at saka bumaba ng sasakyan. “Take care, Yvone.” “I will. Ikaw rin.” Naglakad na siya papunta sa gate. Bahagyang lumingon siya—at nandoon pa rin si Lucian, nakasandal sa kotse, pinagmamasdan siyang pumasok. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalakad sa loob, isang pamilyar na boses ang sumigaw. “Oyyy girl!!” Lumingon siya at natanaw si Tonya na pababa mula sa pulang sasakyan nito, may bitbit na pink envelope sa kamay na tila may glitter pa. “Hala, Tonya?” salubong ni Yvone. “Anong meron?” Humahangos si Tonya papalapit habang pinapaypayan ang sarili gamit ang pink card. “Guess what!” sabay taas ng pink envelope na tila mas may pride pa sa Miss Universe crown. Napangiwi si Yvone. “Ano ‘yan? Mukhang invitation na may spells.” “Close! Mas malala pa!” Sabi ni Tonya habang inihandog kay Yvone ang envelope. “Invitation card ni Nimfa!” “Nimfa?” napataas ang kilay ni Yvone. “Aba! Parang buong barangay ang binigyan, ah? Akala mo anak ng Presidente.” “Exactly!” bulalas ni Tonya. “May pa-glitter effect pa, girl. Ang sosyal kuno, pero ang amoy—’amoy gimikera pa rin’.” Napatawa si Yvone, pero naramdaman niya ang bahagyang kirot sa loob. So tama nga ang sinabi ni Lucian—lahat imbitado. “So… ikaw, may ganyan ka rin?” tanong ni Tonya. Umiling si Yvone, halatang napaisip. “Wala. Wala akong natanggap.” “Tsk. Alam mo, expected ko na ‘yan,” sagot ni Tonya. “Alam mo naman si Nimfa, queen of bitterness. Pero girl, don’t worry ha? Kahit pa ako ang unang binigyan ng paandar na ‘to—” Ipinagaspas ni Tonya ang pink invitation. “—hindi ako pupunta ro’n. Never. Not even kung may lechon pa na may sarili kong mukha.” “Grabe ka!” tawa ni Yvone. “Eh totoo. Tsaka baka mamaya, kunan pa tayo ng video habang kumakain ng spaghetti. Ayoko na ng eskandalo, girl. I'm preserving my teacher image.” Nagkatawanan ang dalawa, kahit may bahid ng tensyon sa likod ng mga tawa. Pero sa mismong araw na iyon, sa harap ng eskwelahan, kahit saglit… parang bumalik ang pagiging normal ng lahat. ******* “Goodbye, Teacher Yvone!” sabay-sabay na sigaw ng mga batang kinder habang masaya silang nagkakaway. Karamihan sa kanila ay may hawak pang munting papel na ginupit, may mga bulaklak na gawa sa colored paper, at may ilang yumakap pa kay Yvone bago lumabas ng silid. Nakangiting pinanood ni Yvone ang bawat isa sa kanila habang isa-isang sumasabay sa kanilang mga magulang sa paglabas. Sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan niya sa personal na buhay, naroon pa rin ang kislap sa mata niya—dahil sa mga batang ito. Pagkasara ng pinto, saglit siyang napabuntong-hininga at naupo sa kanyang mesa. Isa-isa niyang binuksan ang mga regalo. May isang maliit na kahon ng chocolate, may isang supot ng kendi na may nakadikit pang sulat: “Get well soon po, Teacher Yvone! Love, Maxine.” Napangiti siya. Sunod niyang binuksan ang isang box mula sa Goldilocks. “Ay wow, may fluffy mamon pa,” aniya. “Talagang effort ang mga magulang.” Kumuha siya ng isa at tinikman. Malambot. Matamis. Parang yakap ng bata. Tapos ay isang knock ang gumambala sa kanyang tahimik na pagninilay. Tok tok! “Teacher Yvone?” ani ng boses mula sa pinto. Napatingin siya. Si Teacher Anna iyon, naka-blue blouse at nakangiti, hawak ang kanyang attendance folder. “Tuloy ka, Anna,” aya ni Yvone. Pumasok si Anna at agad napansin ang mga regalong nakapatong sa mesa. “Uy, ang dami niyan ah! Baka naman may party rito at hindi ako naimbitahan.” Napatawa si Yvone. “Galing ‘to sa mga bata. Mga pa-get well soon daw nila nung nagkasakit ako. Sweet nila, ‘no?” “Sobra!” sagot ni Anna. “Minsan talaga, sila lang ang dahilan kung bakit nakakaya nating pumasok araw-araw kahit ang dami nang stress sa paligid.” “Exactly,” sagot ni Yvone habang iniabot ang isang mamon. “O, tikman mo ‘to. Masarap.” Hindi na nagpakipot si Anna. “Thanks ha. Grabe, para akong bata na binibigyan ng baon.” Umupo si Anna sa maliit na couch sa gilid ng classroom habang si Yvone ay nakaharap sa kanya, pareho silang kumakain habang nagkukuwentuhan. “Kamusta ka na?” tanong ni Anna, medyo seryoso ang tono. “I mean, after ng lahat ng nangyari… okay ka na ba?” Napatingin sa labas ng bintana si Yvone, saglit na natahimik. “Medyo. Hindi pa totally okay, pero at least... I’m breathing.” “Hmm. That’s a start,” sagot ni Anna. “Ang mahalaga, nandito ka pa rin. Nagtuturo. Hindi mo iniwan ‘tong mga chikiting mo.” “Alam mo, Anna,” ani Yvone habang kinakagat ang mamon, “kung hindi siguro dahil sa mga batang ‘to, baka matagal ko nang iniwan ang teaching. Pero every time na naririnig kong tumawa sila, or kapag niyayakap nila ako—parang may magic. Nababawasan lahat ng sakit.” “Agree ako diyan,” sabay tango ni Anna. “At alam mo, sa totoo lang, isa ka sa mga teacher dito na hinahangaan ko. Hindi lang ng mga bata, pati ng mga magulang. Lakas ng charisma mo.” “Charisma talaga?” biro ni Yvone, “eh kung alam mo lang, ilang beses na kong gustong sumabog sa drama ng buhay.” “Eh ‘di sabog-sabog na tayong lahat!” sagot ni Anna sabay tawa. Nagkatawanan ang dalawa, at sa mga sandaling iyon, parang nawala ang bigat sa dibdib ni Yvone. Isang paalala na kahit sa gitna ng personal na unos, may mga taong handang makinig, magpatawa, at kumain ng mamon kasama niya. ****** Matapos ang mahabang break, muling bumalik ang mga guro sa kani-kanilang silid-aralan. Ngunit pagsapit ng 1:00 PM, isang anunsyo ang narinig sa buong paaralan: > "Lahat po ng guro ay inaanyayahang pumunta sa likod ng faculty room para sa isang mahalagang meeting." Isa-isang lumabas ang mga guro, kasama na si Yvone at Teacher Anna. Habang papunta sila sa meeting hall, nagsimula na ang bulung-bulungan ng mga naroon. "Anong meron? Bakit parang ang formal ng meeting hall ngayon?" tanong ng isa sa mga guro habang napapansin ang kakaibang ayos ng lugar. May nakatakip na malaking puting tela sa gitna ng entablado, at may mga lamesang may munting palamuti sa gilid. May projector, may ilang sound system, at may naka-stand by pang photographer. "Parang may awarding ceremony ah," bulong pa ng isa. Si Yvone, kasama si Anna, ay naupo sa harapang hilera, malapit mismo sa entablado. Hindi rin niya maintindihan kung bakit parang siya ang tinutok sa unahan, pero piniling manahimik. Napansin niyang parang may espesyal na inihanda. Wala pa man ay kinakabahan na siya. Maya-maya, dumating na ang principal—Ginang Merrith, bitbit ang kanyang clipboard at may kasamang ilang staff mula sa division office. "Magandang hapon po sa inyong lahat," panimula niya, nakangiti at puno ng sigla ang mukha. “Ang pulong natin ngayon ay tungkol sa naging seminar sa Baguio. Alam kong marami sa inyo ang nagkaroon ng magkahalong karanasan—masaya, may konting tensyon, pero higit sa lahat ay may aral tayong lahat na natutunan.” Nagtinginan ang ilang guro, lalo na ang mga kasali sa eskandalo. Napalunok si Yvone at si Anna ay tahimik lang na nakatingin sa harap. Ngunit nagbago ang tono ni Ginang Merrith. “Ngayong hapon,” patuloy niya, “nais naming bigyang parangal ang isang guro na, sa kabila ng lahat ng panghuhusga, ay pinili pa rin ang maging propesyonal, disente, at totoo sa kanyang trabaho. Isa siyang ehemplo ng katatagan at kabutihang-loob." Napakunot ang noo ni Yvone. Ako ba 'to? tanong niya sa sarili. Sabay senyas ng principal, at dahan-dahang hinila ng dalawang staff ang puting tela na nakatakip sa gitna. Bumungad sa kanilang lahat ang isang malaking banner, may litrato ni Yvone habang nagtuturo, at sa ibaba nito: > "Congratulations Teacher Yvone! Sa Iyong Katapangan, Katapatan, at Puso sa Pagtuturo. From Head Superintendent Ferros & DepEd Division"** Napanganga si Yvone. Lahat ng guro ay napatingin sa kanya, ang ilan ay napapalakpak. Si Anna ay napangiti at tinapik siya sa balikat. “Yvone! Ikaw pala ang pasabog dito! Sabi ko na eh,” bulong ni Anna. Tumayo si Ginang Merrith muli sa mikropono. "Maaaring hindi niyo nakita kung sino ang ‘Head Ferros’ habang nasa Baguio kayo, ngunit siya ay lihim na nag-obserba at nagtanong-tanong sa ating seminar. Isa siya sa mga naging tagamasid ng ating mga aktibidad—at napansin niya ang dedikasyon mo, Teacher Yvone. Kaya’t kami ay labis na nagagalak na ibigay ang parangal na ito sa iyo.” Halos mapaluha si Yvone, ngunit pinigilan niya ito. Tumayo siya nang utusan siyang lumapit sa harap. May kaunting speech of appreciation, pero hindi pa rin siya mapalagay. Pero sino si Ferros? tanong niya sa isip. Bakit parang hindi ko naman nakita ‘yon sa buong seminar? Matapos ang ilang sandaling kasayahan at picture-taking, muling nagsalita si Ginang Merrith. “Teacher Yvone,” sabi nito, “kung gusto mong makilala si Superintendent Ferros nang personal, hinihintay ka niya mamaya. Exactly 3:00 PM, puntahan mo lang ang address na ito…” Iniabot ni Ginang Merrith ang isang envelope na may logo ng Department of Education. “Doon mo siya makikilala nang mas maayos. Gusto ka raw niyang kausapin ng personal.” Kinuha ni Yvone ang envelope at bahagyang tumango. Nagtataka man, hindi niya maipaliwanag ang kabang biglang bumalot sa kanyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD