Nakaharap si Yvone kay Lucian habang ang dibdib niya'y pataas-baba sa galit at inis. Kasasabi lang nito ng totoo—na si Lucian ang tunay niyang asawa.
"Now that I’m your husband… you follow my rules." Seryosong pahayag ni Lucian habang nakatayo ito sa tapat ng pintuan ng silid ni Yvone.
Napataas ang kilay ng dalaga, tumiklop ang mga braso at humalukipkip.
"Rules? Are you kidding me? Just because you’re my husband on paper, doesn’t mean I’ll suddenly kneel and obey."
"Ayoko," matigas na sagot pa niya. "Hindi mo ako pag-aari, Lucian."
Bahagyang ngumiti si Lucian, ngunit hindi iyon ngiti ng galak—kundi ng kontroladong inis.
"Okay," he said coolly, stepping closer. "I won’t force you, Yvone. Even if we’re married by contract, I’ll respect your space."
"Respect me and I’ll respect you back." Tumigil siya sa tapat nito, halos magkadikit na ang kanilang katawan. "But let’s get one thing clear—if you ever decide you want to be touched…
I’ll show you exactly what a real husband does."
Napatitig si Yvone sa mga mata ni Lucian. Hindi niya alam kung matatakot siya o maiinis—o kung may kung anong kilig na gumapang sa likod ng batok niya.
"Keep dreaming, Lucian," sabay irap ni Yvone. "Even if you tattoo my name on your chest, I won’t fall for you. You're just my… legal inconvenience."
Tumawa ng marahan si Lucian at marahang yumuko.
"Ouch. Legal inconvenience? That’s a new one. But guess what, sweetheart…"
"Legal or not, the fact remains—I’m your husband."
Umatras si Yvone at mabilis na binuksan ang pinto ng kanyang silid.
"Congratulations then," ani Yvone ng mataray, "you’re the most unwanted husband of the century."
"And you," sagot ni Lucian habang lumingon ito palayo, "are the most stubborn wife I’ve ever loved."
Napalingon bigla si Yvone sa huling sinabi nito, pero wala na si Lucian sa hallway. Naiwan siyang naguguluhan—at bahagyang nangingiti.
"Ugh, what’s wrong with me?" bulong niya sa sarili, sabay bagsak ng katawan sa kama.
Pero kahit pilit niyang iling ang lahat, ang totoo’y nanunuot na sa puso niya ang presensya ni Lucian—kahit gaano pa niya ito itanggi.
Hindi pa rin makatulog si Yvone kahit alas-diyes na ng gabi. Kahit anong baling at takip ng kumot ay hindi talaga siya mapakali. Ang dami niyang iniisip—ang kasal, ang mga iskandalo, ang trabaho… at si Lucian.
Napabuntong-hininga siya at tumayo. Lumabas siya ng silid, dahan-dahan ang bawat hakbang, at tumungo sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha ng malamig na tubig. Uminom siya, pero parang wala ring epekto. Wala pa rin siyang gana matulog.
Kaya’t sa huli, napagdesisyunan niyang lumabas ng mansyon para makalanghap ng sariwang hangin. Suot ang manipis na pullover at shorts, dahan-dahan siyang lumabas papunta sa garden.
Pagdating niya roon, bigla siyang napahinto.
May narinig siyang lagaslas ng tubig.
“May nalaglag ba sa pool?” tanong ng isip niya habang nakapako ang tingin sa swimming pool sa di-kalayuan.
Nakita niya si Lucian. Nakatayo ito sa gilid ng pool, tapos biglang tumalon.
Napakagat-labi si Yvone at agad na nagtago sa likod ng malaking paso. Pinanood niya ito habang nakakubli, pero lumipas na ang ilang minuto—walang umaahon.
“Lucian?” Nag-alala siya.
Lumingon-lingon siya, pero hindi niya makita. Malinis ang tubig. Walang bakas ng katawan sa ilalim.
Kinabahan si Yvone. “Hala! Nalunod na ba?” Dali-dali siyang lumapit sa pool at yumuko upang silipin.
"Lucian?!" sigaw niya, halos nanginginig ang boses.
Pero bago pa siya tuluyang makasilip, may boses na nagsalita sa likod niya.
"Looking for someone?"
“AAAAH!” Napaatras siya sa gulat at… PLAK! Nahulog siya sa pool!
"H-HAAA!" sigaw niya habang pilit lumulutang, at ilang segundo pa'y umahon din siya habang basa ang buong katawan. Nakasilip siya sa gilid ng pool at nakita si Lucian, tuwang-tuwa sa kakatawa.
"A-Anong problema mo?!" sigaw ni Yvone habang nagpupunas ng mukha. "Bakit hindi mo ako hinawakan? Pwede naman akong madulas sa totoong paraan, Lucian!"
Umiling si Lucian habang patuloy na tumatawa. "Bakit kita hahawakan? I thought we had a rule. ‘Don’t touch me, Lucian.’ Diba?"
Napasinghap si Yvone. “Oh, come on! That rule doesn't apply to emergencies, you jerk!”
Lumuhod si Lucian sa gilid ng pool at tinitigan siya. "You seemed fine to me. Good swimmer ka pala, ha?"
“Ugh!” Binato siya ni Yvone ng tubig gamit ang kamay niya. “I hate you right now.”
Ngumisi si Lucian. "That’s okay. As long as you're safe." Tapos iniabot niya ang kamay niya para hilahin ito paahon.
Pero tinitigan lang siya ni Yvone. “Sure ka bang huhugutin mo ko at hindi ako ibabato ulit sa tubig?”
"Scout’s honor." Tumayo pa ito at nagkunwaring nagsa-sign ng cross.
Tumango si Yvone at inabot ang kamay niya. Pero nang mahila siya ni Lucian pataas, bumagsak din ito sa pool kasama niya!
“LUCIAAAAN!!!”
Pareho silang basa, pareho ring natawa. Sandaling tumahimik si Yvone. Nakatingin siya kay Lucian. Nakangiti ito habang binabasa ang buhok.
“You really don’t follow rules, do you?” mahina niyang tanong.
“Only when it involves you.” Sagot ni Lucian na tila seryoso na.
Napatitig si Yvone. Bakit ganito si Lucian? Ang lalim ng titig nito. Parang may gusto itong sabihin, pero pinipigilan.
"Let’s get inside, baka sipunin ka."
"Fine. Pero ikaw ang maglalaba ng damit ko bukas," inis na sagot ni Yvone.
"Sure," sagot ni Lucian habang tinatapik ang tubig sa balikat nito, "basta ako ang una mong iiyak kapag sinipon ka."
"Yuck. Cheesy." Tumalikod si Yvone, pero ngumiti rin kahit paunti-unti.
Pagkatapos ng nangyari sa pool, hindi agad nakatulog si Yvone. Nakahiga siya, nakatitig sa kisame habang paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang imahe ni Lucian—yung ngiti nito, yung tawa niya habang nalulunod siya sa inis, at kung paano siya nito tinitigan bago sila lumabas sa tubig.
“Ano ba ‘tong nangyayari sa’kin…” mahinang bulong niya habang umiikot at tinakloban ng kumot ang mukha.
Pero ilang minuto lang ang lumipas ay tumunog ang cellphone niya.
DING!
Napakunot ang noo niya. Kinuha niya ito at binasa ang bagong mensahe na galing pa rin sa contact name na "Apollo."
"Good night, babygirl. I love you."
Bigla siyang napaupo sa kama. Napakagat siya ng labi at mariing pumikit.
“Lucian na naman 'to. I'm sure.” Naiinis siya—hindi dahil sa message, kundi dahil sa pakiramdam na tila pinaglalaruan siya nito sa tahimik na paraan.
Hindi na siya nagdalawang-isip. Tumayo siya, kinuha ang cellphone, at dumiretso sa silid ni Lucian. Hindi na siya kumatok. Binuksan na lang niya ang pinto at pumasok.
“Lucian!” tawag niya habang hawak ang cellphone sa kamay. Ngunit walang tao sa loob.
Pagkapasok niya sa loob, agad niyang naramdaman ang lamig ng aircon at ang amoy ng masculine cologne na palaging naamoy niya kapag malapit si Lucian.
Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng bathroom at lumabas si Lucian—nakasuot lang ng puting tuwalya na nakabalot sa beywang nito, habang basa pa ang buhok at may patak pa ng tubig sa balikat.
"Oh, you're here," malalim ang boses nitong parang bagong gising pero sexy ang tono. "Something wrong?"
“W-what the—” napalingon agad si Yvone at tumalikod. Halos mabitawan niya ang cellphone.
“Bakit ka pumasok nang hindi kumakatok?” tanong ni Lucian habang naglalakad papunta sa aparador.
"What are you doing in my room?" dagdag pa nito habang pinupunasan ang buhok ng towel.
“W-Wala... may ibibigay lang ako…” nauutal na sagot ni Yvone habang nakatalikod pa rin.
“At nagsasalita ka nang nakatalikod?” Malumanay pero may halong asar ang boses ni Lucian. “Face me, Yvone. Don’t be shy.”
Napalunok si Yvone. "Ano bang ginagawa ko rito?" bulong niya sa sarili bago unti-unting humarap.
BOOM. Parang tumigil ang mundo sa ilang segundo.
Nakatitig siya ngayon sa maskuladong katawan ni Lucian— defined ang abs, broad ang chest, may konting patak ng tubig sa collarbone niya, at basa pa ang buhok nitong messy pero ang lakas ng appeal.
"I-ito..." sabay abot ng cellphone. "Bakit mo na naman ginagamit ang pangalan ni Apollo sa mga text mo? Nakakagulo ka."
Lumapit si Lucian ng kaunti. Nakangisi. “I’m not confusing you, Yvone. Maybe your feelings are the ones confusing you.”
“No, Lucian. Don’t twist it. This isn’t funny anymore.”
Kinuha ni Lucian ang cellphone mula sa kamay niya at sinulyapan ang message. “Well, what if I like saying good night to my wife, hmm? Even if you don't act like one.”
“Hindi kita asawa, Lucian. Hindi sa puso ko.” sagot ni Yvone, pero mahina na ang boses.
Tumahimik si Lucian. Tinitigan niya si Yvone ng diretso. “Then stop reacting like one. Kasi kung wala kang nararamdaman, you wouldn’t rush here this late at night just to confront me. You wouldn’t stare at me like that.”
Napaatras si Yvone ng bahagya, pero hindi siya makaalis sa pagkakatitig. Parang pinipilit niyang pigilan ang sarili… pero nagugulo ang puso niya.
“You're making things complicated, Lucian.”
“No, I’m not. I’m making things clear. You and I—we’re not just names on a piece of paper, Yvone. We’re starting something… kahit ikaw ang ayaw umamin.”
Tiningnan lang siya ni Yvone. Walang masabi. Ilang segundo silang nagkatitigan.
“Lucian... please wear a shirt.” nanginginig niyang sabi.
Napangiti si Lucian. “Only if you stay. Or baka gusto mong ikaw ang pumili ng damit ko? Para naman wife duties na rin ‘yon.”
“Ugh! You’re impossible!” at mabilis siyang lumabas ng kwarto, hindi mapakali.
Ngunit habang naglalakad siya pabalik sa silid niya, ang tanging naririnig niya ay t***k ng puso niyang hindi na maipaliwanag.
Sa loob ng kanyang silid, nakaupo si Yvone sa kama habang yakap ang sariling mga tuhod. Hindi siya mapakali. Paulit-ulit niyang pinipilit alisin sa isip ang imahe ni Lucian—ang basa nitong buhok, ang patak ng tubig sa maskuladong katawan, ang paraan ng pagtitig nito sa kanya... at higit sa lahat, ang tono ng boses nito na parang may halong pang-aakit at pangingibabaw.
“Ano ba 'tong iniisip ko?” pabulong niyang tanong sa sarili habang napapikit siya, pilit na binubura ang bawat eksenang sumisiksik sa kanyang gunita.
Pero habang pinipilit niyang kalimutan, lalo lang lumilinaw sa isip niya ang alaala...
...ang gabing nasa condo siya, lasing sa damdaming hindi niya maintindihan.
...ang mga haplos, ang bawat pag-ungol, at ang init na dumaan sa kanilang dalawa.
“Lucian…” mahina niyang bigkas, tila hindi niya namalayang lumabas ang pangalan nito mula sa labi niya.
Napatigil siya. "Bakit hindi niya ako matandaan? Bakit hindi niya ako makilala kung siya nga ‘yung kasama ko noon sa gabing ‘yon?"
Napahiga siya, nakatingin sa kisame. Naramdaman niya ang mabigat na kabog ng dibdib niya—hindi dahil sa kaba, kundi sa pagkalito sa nararamdaman.
“Kung siya nga 'yon... at ako 'yung babae... bakit parang ako lang ang may dalang alaala?”
Tinitigan niya ang kisame nang matagal. Unti-unting pumikit ang kanyang mga mata.
Sa isip niya, bumabalik ang eksena—ang mainit na gabi, ang mapusok na halik, ang tinig na ngayon ay sigurado na siyang si Lucian nga.
Ngunit bago pa man siya tuluyang lamunin ng alaala, napuno ng luha ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung dahil ba sa sakit o sa pagkalito, pero ang sigurado siya—hindi na basta si Lucian lang ang iniisip niya.