C-16

2000 Words
THIRD POV. KINABUKASAN. Tanghali na nang magising si Yvone. Wala siyang pasok, kaya medyo nagtagal siya sa kama bago bumangon. Pero paglapag niya ng paa sa malamig na sahig, agad siyang nagtungo sa kusina. Gusto sana niyang uminom ng kape o kahit gumawa ng sandwich. Pero laking gulat niya. Walang tao. Wala ni isang maid. Tahimik ang buong mansyon. “Where the hell is everyone?” bulong ni Yvone, habang paikot-ikot siya sa kusina, naghahanap ng kahit sinong pwedeng tanungin. Dahil walang makitang kasambahay, naglakad siya patungo sa silid ni Lucian. Hindi na siya nag-abala pang kumatok—agad niyang binuksan ang pinto. Pagbukas niya, nakaupo si Lucian sa harap ng laptop, mukhang seryoso sa pag-check ng ilang documents. “Lucian?” tawag ni Yvone. “Nasaan ang mga katulong? Bakit parang ako lang ang tao sa bahay?” Hindi tumingin si Lucian. Tahimik siyang nagtype sa laptop bago sumagot. “Wala ka bang pasok ngayon?” “Wala.” “Eh di malamang pati sila wala rin. Day off nila.” Napataas ang kilay ni Yvone. “You mean… tayong dalawa lang ang narito?” Doon pa lang tumingin si Lucian. Bahagyang ngumiti. “Exactly. Just the two of us.” “Seriously?” inis na tanong ni Yvone. “Wala man lang nagsabi? At ikaw, hindi ka ba aalis?” Umirap si Lucian. “Kung aalis ako, wala kang makakausap. Sasama ka lang naman kay Tonya kung sakaling mainip ka. Mas okay nang ako ang makasama mo.” “Ewan ko sa’yo,” inis na sabi ni Yvone. “Ayoko ng mga ganitong setup.” Pero bago pa siya makalakad palabas ng silid, tumunog ang intercom. “Sir, darating na po si Atty. Rivas,” sabi ng security mula sa gate. Napalingon si Yvone. “Atty. Rivas?” Tumayo si Lucian at humarap sa kanya. “Yes. Our family lawyer. Sa wakas, may magpapatunay na sa lahat.” “Magpapatunay ng ano?” tanong ni Yvone, bagamat may hinala na siya. “Na kasal tayo,” sagot ni Lucian, sabay kuha ng isang envelope sa drawer. “In case you still don’t believe me.” Binuksan ni Lucian ang envelope at inilabas ang isang original copy ng marriage certificate. Nanlaki ang mga mata ni Yvone. Ang pangalan niya… at ang pangalan ni Lucian. Nandoon. Kasama ang pirma nila. Lahat ay legal. Lahat ay totoo. “You forged this,” nanginginig ang boses ni Yvone. “This is a joke!” “No, sweetheart,” malumanay ngunit sarkastikong sagot ni Lucian. “This is reality. Congratulations, you’re Mrs. Ferros. Officially.” Hindi makapaniwala si Yvone. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. “Pinaglaruan mo ako. Hindi mo man lang sinabi—” “Hindi ba’t gusto mong malaman ang buong katotohanan?” Sinalubong ni Lucian ang mga mata niya. “Well, now you know.” Tumahimik si Yvone. Mas pinili niyang lumayo sa silid, pero hinabol siya ng panunukso ni Lucian. “By the way,” tawag ni Lucian. “Since darating si Atty. Rivas, baka naman puwedeng ikaw na ang gumawa ng meryenda. Kape at ensaymada lang. Or kung feel mo magluto, mag-carbonara ka na rin.” Napalingon si Yvone, nanggagalaiti. “What?! Ako ang maghahanda?” “Yup. Wala tayong maid, remember? Kasama ka naman na sa pamilya, so time to help.” Nakangiting nakataas ang kilay ni Lucian. “At kung sakaling maglalaba ka ng damit mo mamaya, pakisama na rin 'yung polo ko sa hamper. Sayang ang tubig kung paisa-isa ang labahan.” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Yvone. “Lucian Ferros… gusto mo talagang patayin ako sa inis, ano?” “Hindi, gusto lang kitang masanay bilang misis ko,” sagot ni Lucian sabay kindat. Mabilis na naglakad si Yvone palayo. Pero bago pa siya tuluyang makalabas, narinig niya ang pabulong na sabi ni Lucian: “Mas bagay ka sa apron kaysa sa formal suit. Promise.” Napakuyom na lang ng kamao si Yvone. “Lord, bigyan mo ko ng mahabang pasensiya. Dahil kung hindi, baka mawalan siya ng asawa kahit bagong kasal pa lang kami.” Sa kusina, abalang-abala si Yvone sa paghahanda ng almusal. Naka-apron siya at nakatali ang buhok habang masiglang minamasa ang harina para sa cinnamon rolls, habang sa kabilang stove ay kumukulo na ang sauce para sa baked mac & cheese. Napangiti siya habang tinitingnan ang napakalinis at kumpletong kusina. “Wow... parang pwedeng pang cooking show 'to,” bulong ni Yvone sa sarili. “Kompleto lahat… pati mga spice from abroad. Ay grabe, mukhang gusto talaga ng demonyong ‘yon ng bonggang pagkain.” Hindi niya alam, may nakikinig. “Demonyo agad? Ang aga-aga, may pa-spell ka na?” Boses iyon ni Lucian, nakasandal sa pinto ng kusina, nakahalukipkip habang nakatitig sa kanya. Napatalon si Yvone. “Lucian! Pwede ba? Huwag kang bigla-bigla d'yan!” “Sorry naman. Misis nga pala kita. May karapatan akong mag-stalk sayo,” nakangising sagot ni Lucian. “Wala ka talagang ginagawa kundi mang-inis,” inis na sagot ni Yvone habang nilalagay ang baked mac sa oven. “Kung wala ka rin lang tulong, umalis ka na. Ayoko ng may istorbo sa kusina.” “Mainit ata ulo ng misis ko? Kulang ka ba sa dilig? O kulangot lang ako sa pag-aalaga mo?” Napalingon si Yvone nang masama. “Lucian, isang salita na lang, itatapon ko ‘tong buong tray sa’yo.” “E di ako na ang tray,” sabay lapit ni Lucian sa likod niya, sinadya pang bumulong sa tenga ni Yvone, “Pero aminin mo, naaaliw ka kapag nandito ako.” “Tumulong ka na lang, please.” Naiinis pero nangingiting sagot ni Yvone. Bago pa siya tuluyang mainis, dumating si Atty. Rivas. May dala itong leather folder at mukhang seryoso ang mukha. “Good morning, Atty.,” bati ni Yvone habang inaalok ito ng upuan. “Good morning, Mrs. Ferros,” anito, dahilan upang matameme si Yvone. Tumingin siya kay Lucian na pasimpleng ngumiti. “Pwede bang ‘Yvone’ na lang?” mahina niyang tugon. Umupo si Atty. Rivas at saka inilapag ang folder sa mesa. “I’m here para pag-usapan ang legal side ng sitwasyon niyong tatlo—ikaw, Lucian, at si Apollo.” Tumigil sa paghahalo si Yvone. Napatingin siya kay Atty. “Ang kasal ninyo ni Lucian ay legal. Valid. Naayos na ang lahat, at may pahintulot ng pamilya dahil sa medical state ni Apollo noon. Pero ngayon, ayon sa report ng ospital, may progress si Apollo. Nakakagalaw na raw ang isa niyang daliri. There’s a chance for recovery.” Hindi makagalaw si Yvone. Parang may bumara sa lalamunan niya. “Kung gusto n’yo pa rin ng divorce,” patuloy ni Atty, “we can file that. Once gumising si Apollo at maayos na ang lahat, legally, you have the right to annul or divorce your current marriage with Lucian.” Tahimik si Yvone. Tahimik... pero hindi dahil masaya siya. Kundi dahil may pumipigil sa kanya. Isang parte ng puso niya, parang ayaw. Napatingin si Lucian. “Yvone?” malumanay ang tanong nito. “Are you okay?” Tiningnan siya ni Yvone pero hindi siya agad nakasagot. Saka lang siya sumagot ng mahina, “Yeah… I’m fine.” Pero alam ni Lucian, hindi siya okay. Tumayo si Lucian at lumapit. “You don't have to decide now. Pero sana, bago mo isipin ang legalidad, pakinggan mo rin 'yung sinasabi ng puso mo.” Napayuko si Yvone. Hindi na siya umimik. Si Lucian naman, tumingin kay Atty. Rivas at iniba ang usapan. “Let’s eat first. My wife cooked for us.” “Teka,” sabad ni Yvone, “ako pa ang pinagluto n’yo ha.” “Siyempre, ikaw ang asawa ko. Ako bahala sa dishes,” wika ni Lucian na may ngiti. “Basta sa puso mo ako ang first husband, okay na ako.” Napanganga si Yvone. “Lucian!” Ngumiti lang si Atty. Rivas at bulong pa nito, “Bagay talaga kayo.” Habang kumakain sila sa dining table, tahimik pero ramdam ang tensyon. Si Yvone ay patuloy lang sa pag-aabot ng pagkain kay Atty. Rivas, samantalang si Lucian ay nakakunot-noo—tila may bumabagabag sa kanya. Biglang bumukas ang pinto ng mansyon at pumasok ang isa sa mga security guard. “Sir Lucian…” nakayuko at halatang naiilang ang boses ng guwardya. “May babae pong nasa labas. Nasa gate po siya—naghihintay. Sabi niya, gusto raw po kayong makausap. Nimfa daw po ang pangalan niya.” Napahinto si Yvone sa pagnguya. Napatingin si Lucian kay Atty. Rivas. Nagkatinginan silang tatlo. “Nimfa?” tanong ni Atty. Rivas habang iniaangat ang kilay at lumingon sa dalawa. “Sino si Nimfa?” Hindi agad nakasagot si Lucian. Para siyang natameme, tila may gustong ilihim. Kaya si Yvone na ang tumugon. “Anak siya ng mga magulang na kumopkop sa akin… dati.” Napatingin si Atty. Rivas kay Yvone, tila nagtataka. “Kumopkop? So… hindi ka nila tunay na anak?” Tumango si Yvone, mahina ang tinig. “Hindi po. Ang sabi ng tinuturing kong ama, napulot lang daw ako sa kalsada… palaboy… walang pangalan, walang alaala.” Nanahimik ang buong mesa. Tanging kaluskos ng kubyertos ang maririnig. “So paano ka napunta sa kanila?” tanong ni Atty Rivas, seryoso na ang tono. “Anong nangyari sa'yo noon?” Napayuko si Yvone. Walang maisagot. Ramdam ang pagbigat ng dibdib niya. Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas, bago niya maibulalas: “Hindi ko po alam. Hanggang ngayon… wala akong alam kung sino ako, o kung saan ako nanggaling. Basta isang araw, nagising na lang akong may pamilya… kahit hindi ako kanila.” Tahimik si Atty. Rivas. Kita sa mga mata niya ang pagtatantiya—parang may koneksyong binubuo sa isip. Samantala, tumayo na si Lucian. Hindi na niya kinaya ang bigat ng sitwasyon kaya’t nagmadali siyang lumabas. “I’ll talk to her.” At tuluyang lumabas si Lucian ng bahay, hawak ang sariling damdamin. Naiwan sina Atty. Rivas at Yvone sa sala. Tumingin ulit si Atty. Rivas kay Yvone, mas malumanay na ngayon. “Yvone… hindi ko alam ang buong kuwento, pero may karapatan kang malaman kung sino ka. At baka ang Nimfa na ‘yan… may hawak na piraso ng sagot.” Tahimik lang si Yvone. Ngunit sa loob niya, may bagyong unti-unting bumabangon. Pagbalik ni Lucian sa loob ng mansyon, ramdam agad ni Yvone ang tensyon sa katawan nito. Nakakunot ang noo, seryoso ang mukha, at tila mabigat ang nadarama. Nasa sala pa rin si Atty. Rivas, paalis na at hawak na ang kanyang attaché case. Tumayo ito at ngumiti nang matipid. “I guess I should go. May pupuntahan pa akong hearing sa city court,” wika nito habang inaayos ang coat. Tumango si Lucian. “I’ll have someone drive you, Atty.” Pero bago tuluyang lumabas si Atty. Rivas, lumapit ito kay Lucian at bahagyang inabot ang braso ng binata. Bahagya itong yumuko at pabulong na nagsalita. “Bantayan mo si Yvone,” anito, seryoso ang tono. “She may act strong, but I can see she's breaking inside.” Napatingin si Lucian kay Yvone—nakaupo ito sa gilid ng sofa, hawak-hawak ang malamig na tasa ng kape. Wala sa sarili, at para bang gusto na lang matunaw sa kinauupuan. “Mas marami siyang kinikimkim kaysa sa ipinapakita niya. She needs someone to stay… kahit hindi siya humingi ng tulong,” dagdag pa ni Atty. Rivas, saka mahinang tumapik sa balikat ni Lucian. Napabuntong-hininga si Lucian, saka tumango. “I got it. Hindi ko siya pababayaan.” Ngumiti si Atty. Rivas at lumingon kay Yvone. “Take care, Yvone. I’m just one call away. If you ever need someone outside this chaos… nandito lang ako.” Tumango si Yvone, bahagyang pinipigilan ang luha. “Salamat po, Atty…” At sa pagbukas ng pinto, tahimik na lumabas si Atty. Rivas, iniwan ang dalawa sa gitna ng katahimikan at damdaming hindi pa rin nila maamin sa isa’t isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD