ANG LAKAS ng t***k ng puso ni Patricia nang makita niya si Oliver at Drew. Nauna lang ng kaunti ang mga ito bago dumating si Mark. Hindi naman ganoon karami ang mga bisita dahil mga kaibigan at kamag-anak lang naman ang naroon at mga bata. May clown din na nagpi-perform sa malaking harden ng mga Villareal kung kaya ang mga bata ay nagsisigawan sa mga magic tricks na pinapakita. May ilan din na nagpapalakpakan. Nagtama ang mga mata nila ni Drew. Ang mga titig na iyon ay ang palaging laman ng kanyang mga panaginip. Nakakapangilabot, lalo nang ngumiti ito na tila ba demonyo. "I'm glad na nakarating kayo!" nakangiting bati ni Hunter sa dalawa. Nakipagkamayan pa ito at ganoon din ang ginawa ni Ezekiel at Markus. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa nobyo ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya kas

