HINDI MAPIGILANG hindi maipagmalaki ni Patricia ang singsing na binigay sa kanya ni Markus sa ina nito. Walang mapagsidlan ang kanyang puso sa labis na saya. Hanggang ngayon ay para pa rin siyang nakalutang at hindi makapaniwala sa biglaang proposal ng lalaki. Sa gitna kasi ng mga takot at banta sa kanilang buhay ay nagagawa pa rin nitong pasayahin siya. “Inalok ka ng kasal ni Markus? Kailan siya nagpropose?” gulat na gulat na tanong ni Tita Stella sa kanya. “Kanina lang Ma,” sabat ni Markus na umupo sa mahabang sofa. Nilapitan siya ni Tita Stella at tiningnan ang singsing niya. “Ang ganda!” bulalas pa ng ina ni Markus kaya napangiti siya. “Hindi ko nga po inaasahan na aalukin ako ng kasal ni Markus ngayon,” sagot niyang nakatingin sa nobyo. “How romantic naman,” sagot ng ina ni Marku

