CHAPTER FORTY-THREE

1576 Words

TULAD ng inaasahan ni Markus ay dumating si Abner sa address na ibinigay ng kanyang kapatid na si Mark. Sa isang restaurant sila nakipagkita, malayo iyon sa lugar nila upang walang sinuman ang makakakita sa kanila kung sakali man. "Boss Mark," bati nito sa kanyang kapatid na yumuko. Bahagya itong nagulat nang makita siya. "Kapatid ko," pakilala sa kanya ni Mark kaya tumango siya sa lalaki. "Alam kong kilala mo ako," wika niya sa lalaki. "Yes boss," sagot naman ni Abner sa kanya. "Maupo ka," alok niya sa lalaki na itinuro ang upuan sa tapat ng mesa nila ng kapatid. Alumpihit itong umupo. "Hindi na ako nagpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko sana ay confidential ang pag-uusap nating ito at sa ating tatlo lamang sana. Nagkakaintindihan ba tayo?” tanong niya sa kausap kaya naman tumango ito. Na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD