"Hello? Oh, Shane. It's you." Napasulyap ako kay Keith nang marinig ko na binanggit niya ang pangalan ni Shane. Nanonood kasi kami ng pelikula nang biglang tumunog ang smartphone niya. Akmang tatayo ako at babangon mula sa pagkakahiga sa kandungan niya para sana bigyan siya ng privacy ngunit hinila niya ako papahiga ulit. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at pinakinggan ang nasa kabilang linya. Kahit na anong pagpupumilit ko na kumawala sa hawak ni Keith ay hindi siya natinag. "Catering for your brother's wedding? It's a short notice, Shane. What happened? Oh, umatras ang nakuha niyong catering service?" Sandali siyang natahimik. Pagkatapos ay sinulyapan ako. "I'll check my scedule first." Ibinaba niya ang tawag at inihagis ang smartphone niya sa tabi ko. "What was that?" He si

