"Ang lalim yata ng iniisip ng Maja ko?" Napalingon ako sa tinig ni Keith. Kakatapos pa lang kasi namin maghapunan at dumiretso ako sa balcony para magpahangin. Kaagad na pumulupot ang mga braso niya sa akin at mahigpit akong niyakap. Itinukod niya ang baba niya sa balikat ko at tumingin din sa kawalan. Gabi na at tahimik ang paligid. Pero ang isipan ko, hindi. "Maja?" "Hmm?" "Anong iniisip mo? Tahimik mo yata." Mahina akong tumawa. "Tahimik naman talaga ako, a." "So sinasabi mo na madaldal ako?" "Medyo?" Napasinghap ako nang umpisahan niyang hagkan nang paulit-ulit ang leeg ko, na minsan ay nasasaliwan pa ng pagkagat. "Keith..." "Maniningil lang ako," pilyong saad niya sa pagitan ng mga paghalik. "Dami mo pa namang nakain kanina." "Keith, can we talk?" Napalunok ako nang map

