“Magtitino ka do’n, ha? ‘Pag nagloko ka talaga, puputulin ko ‘yan,” sabi ko kay Keith sabay turo sa crotch area niya no’ng hinatid ko siya sa airport kinabukasan. Tatawa-tawa niya akong niyakap. “Ito naman, walang tiwala sa future husband niya. Alam mo naman na hindi ako manloloko. Alam mo rin na ikaw lang gusto ko at wala nang iba. I know I can’t blame you for being scared all the time. Mahal mo ako, e. But… just have some faith, okay? Two months lang akong mawawala, Maja. Two months lang ‘to at promise, pagkatapos nito, hindi na ako aalis sa tabi mo.” Napanguso ako. “Siguraduhin mo lang. For your information, marami akong readers na lalaki na nagtatanong kung single ako. I got options, you know?” Napasimangot siya. “Ayoko na ngang umalis.” I chuckled as he jokingly put down his thing

