Isang linggo na rin simula no'ng umalis si Keith papuntang Singapore. So far, I am coping. Ginugugol ko ang oras ko sa pagsusulat. O kaya naman sa pagbabasa. Anything that can distract me from missing him. Anything that can stop me from overthinking. Mahina akong natawa nang mapansin ang t-shirt niya na nakakalat. As far as I can remember, iyon ang suot niya no'ng gabi na bago siya umalis papuntang Singapore. Nasa ilalim na iyon ng couch at may kaunting alikabok. Ngayon ko lang kasi naisipan na maglinis ng apartment kaya naman ngayon ko lang din napansin na andami palang naiwan ni Keith na mga bakas sa apartment ko. 'Yong tsinelas niya na niregalo ko na bihira niya gamitin kasi ayaw niya raw masira. Underwear. 'Yong apron niya. And with every single thing that I see makes me laugh even h

