Pagkatapos ng dalawang linggo umuwi na ako sa condo at doon ako nagpatuloy magpagaling. Namiss ko ang pag aalaga niya sa akin ang mga masasarap niyang luto. She has everything that every man wants to have. Isang buwan na ako ngayon dito sa condo kasama ang mag-iina ko. Walang mapagsidlan ang umaapaw na saya sa aking puso. Hindi ko pa man nakakausap si Mr. Paloma para makapagpasalamt dahil bumalik na siya ng Maynila ganundin sina Mommy at daddy. Naghire pa ako ng isa pang yaya para mabantayan ng maayos ang aking mga anak. Mababait at masunurin naman ang mga bata kaya hindi mahihirapan ang yayang nakuha ko. Ayaw ko ng yayang bata pa kaya katulad din ni Manang Lydia ang yaya nila. Gusto ko rin kasi magkaroon nang sapat na oras kay Anita, babawi sa tatlong taon na nasayang! "Anung niluluto m

