Nakabalik na ako sa trabaho pagkatapos ng dalawang buwan na pahinga sa kagustuhan ni Anita at apat na buwan din si Samantha na buntis. Hindi pa kami nakakapag-usap at bantay ako ni Anita at ng mga bata. Bumalik muna ng Maynila si Anita dahil kailangan siya ni Mr. Paloma. Pumikit ako dinama ang ganda ng paligid sa pamamagitan ng ala-ala nilang kasama ko. Dati puno ng kalungkutan ang opisinang ito pero ngayon nababalot ng kaligayahan. Idinilat ko ang aking mata, naalala ko si Samantha dapat ko siyang batukan para matauhan. "Samantha, baka pwedeng ikwento mo sa akin paano ka nabuntis?" Natigilan siya sa pagsipsip ng kanyang milk tea. "Kuya mahabang kwento at huwag na nating pag-usapan yan. Mahalaga okay naman kami ni baby!" "Uh-huh! Ayaw pag-usapan or ayaw mong umamin na si Rex ang ama ng

