Walang kaalam-alam si Jordan na ginawa kong live ang kanyang proposal kay Anita. Gusto ko rin kasing masaksihan nina tita Lorrie at Tito James pati ang magulang ni Anita ang mahalagang proposal ni Jordan. The proposal was damn successful. I'm happy for them. At last they get their happy endings, na akala ko'y wala nang happy ending simula pinili ni Jordan ang bumigay. God is still good to bring her back at the right time. They deserved a happy ending, after all the sufferings they had. Ngayon kailangan ko ring pagtuunan nang pansin si Samantha na laging umiiwas. Huwag mo akong susubukan Samantha dahil baka ikadena kita na wala sa oras. Hindi niya alam na andito ako sa opisina, nakita kona sa set up kong camera ang ginagawa niya tuwing paparating ako, siya naman ay nagmamadaling aalis. "

