•SOMEONE POV•
"Hindi ako makakapayag na maging masaya ka heneral pagkatapos ng malagim na nangyare sa akin noon, na alam kong ikaw ang may kagagawan kaya hindi ako naranasang maging masaya hanggang ngayon, dahil sa malagim na pangyayareng yun ay nawalan ako ng pamilya. kaya magiging masaya lang ako pagnaranasan din yun lahat ng Asawa mo at mas lalong matatahimik lang din ako pag nangyare ang mga bagay na yun, at saka ko ipapapatay yang anak mo para mas lalo kang magdusa sa mga kahayupang ginawa mo sa akin noon. pero hindi ko muna gagawin lahat ng yun dahil mag lalaro muna tayo heneral hahahhaha" -nababaliw na tumatawang saad ng sofistikadang babae na nasa loob ng van na nakatingin sa mag-asawang heneral at safiro na mukhang nagkakasiyahan pa habang papasok sa kanilang tahanan.
"Tara na! dahil may kailangan pa akong puntahan na importanteng tao at alam kong siya lang din ang makakatulong sa akin sa mga larong gagawin ko." -mautoridad na utos nang sofistikadang babae sa tauhan niya.
———————————————
•SAFIRO BALMORES MONTESALVE•
"parang awa niyo na! wag niyong gawin sa akin to please." -umiiyak na sabi ko sa mga lalaki habang pilit nila akong hinuhubaran.
"hahahhaa shiittt mga pare! mukhang tiba tiba tayo dito ahh mukhang masikip pa dahil mukhang si Heneral lang ata ang tanging nakagalaw dito." -saad nong tattoang lalaki sa mga kasama niya kaya naman nagsitawanan silang lahat habang patuloy nila akong hinuhubaran at hinihipuan.
pero nagitla ako ng akma na nilang huhubarin yung pang ibaba kong suot, kaya mas pupumiglas ako sa kanila. pero bigla akong sinuntok ng tattoang lalaki sa binti, na siyang ikinadaing ko sa sakit.
"ahhhhhhh! waggggg ! waggggg! maawa kayo sakin aaahhh tulong,! tulungan mo ako Harristone ahhhhhh" -sigaw na paghingi ko ng tulong pero nakatingin lang sila sa akin lahat habang nagtawanan na akala mong nababaliw.
pero natigil sila sa tawanan ng biglang bumukas yung pintuan ng lumang bodega na to, akmang titingin sana ako sa gawi na yun ng bigla akong sinaksak sa sikmura ng isang lalaki at naramdaman ko sa sarili ko na parang may nawalang napaka halagang bagay nanaka konekta sa akin.
sa unti-unti kong pagpikit ay narinig ko na lang ang sunod sunod na putok ng baril, pero bago ako kainin ng dilim ay may nakita pa akong bulto ng tao na tumakbong papalapit sa akin, pero hindi ko makilala yung mukha niya dahil malabo hanggang sa bigla niya akong niyakap ng mahigpit. rinig ko pa ang pag-iyak niya habang naka subsob siya sa leeg ko at bumulong.
"Wag niyo ak———" sa isang iglap, ay naging blanko ang lahat.
Bumalik na ako sa reyalidad at boses ni harristone ang gumising sa akin. "f**k! f**k! SWEETY GUMISING KA PLEASE!" -natatarantang sabi niya.
Nagising na lang ako ng may umagos na luha sa mga mata ko. agad akong napabangon at bigla ko siyang niyikap ng mahigpit at humagulgol ng iyak sa dibdib niya.
"Shhhhh sweety tahan na, nananaginip ka lang ok" -nag aalalang sabi niya sa akin habang hinihimas yung likod ko.
"natatakot ako harristone! may mga lalaki akong nakita sa panaginip ko na pilit nila akong pinagsasamantalahan at sinaksak ako." -humahagulgol na sumbong ko sa kanya, ramdam ko na mas lalong humigpit yung pagkakayap niya sa bewang ko.
"Shhhh. wag mong isipin yun sweety ok! dahil hindi magkakatotoo yun at saka hindi ko din hahayaang may gumawa non sayo dahil papatayin ko silang lahat. kaya tumahan kang." -may diing paglalambing na sabi niya, habang hinahalik halikan yung noo ko. kumalma na ako sa pagiyak at nanatiling nakayakap pa rin sa dibdib niya.
Halika na honey sa baba! baka "nagugutom na yung anak natin dahil kanina pa ako nakaluto ng umagahan natin, at saka isasama ko din kayo sa kompanya ko dahil ayoko namang iwan kayo ditong dalawa ng anak ko. kaya wag ka ng umiyak ok." -nakangiting sabi niya, tumango ako at kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
"Buhat moko Please!" -nakangusong utos ko sa kanya, bigla siyang tumawang bahagya at saka ako binuhat ng pa bridal style.
Habang papalapit kasi sa kusina ay nakita ko pa yung anak ko na nagdadabog at mukhang inip na inip na.
"ohhh baby bakit problemado ka ata jan?" -tanong ni harristone sa kanya habang dahan dahan akong iniupo sa upuang katabi niya.
"ang tagal niyo po kasi Dadi eh nagugutom na ako at Dadi bakit mo po buhat si Mimi kanina? may sakit po ba siya? at hindi siya makalakad." -at saka tumingin sa akin yung anak ko ng nag- aalala.
"no baby! naglalambing lang si Mimi mo sa akin kaya nagpabuhat" -tumatawang sagot niya sa anak namin. kaya bigla akong pinamulahan ng mukha.
"ohhh siya kumain na tayo dahil sasama kayo ng Mimi mo sa akin sa Kompanya natin." -nakangiting sabi niya at saka siya sumulyap sa akin at kumindat.
"Dadi! kanina pa po ako kumakain pero tikim lang po to, kasi sabi mo hintay natin si Mimi hihihi" -sabay labas sa kamay niyang nasa ilalim ng lamesa na may hawak-hawak pang isang malaking fried chicken na mukhang kinagatan niya na, kaya naman natawa na lang kami pareho ni harristone sa anak namin.
—————
Habang papasok kami sa kompanya niya ay rinig ko na agad ang mga bulong bulungan ng mga empleyado niya.
"di ba si maam safiro yung kasama ni heneral"
"Oh my goss nagkabalikan na kaya sila"
"bakit may kasama silang bata"
"bakit kamukha ni heneral yung batang buhat niya"
"oh my g may anak na kaya sila, pero paanong nangyare yun"
"pare ang ganda nong kasama ni heneral"
"shota kaya ni heneral, type ko kasi eh"
yan yung mga naririnig kong bulong bulungan ng ibang empleyado kaya naman napayuko na lang ako dahil sa hiya at bahagyang nagpahuli sa kanilang mag-ama, pero nagitla ako ng biglang humawak si heneral sa bewang ko at itinabi sa kanya.
"SHUT UP! wag kayong magbulungan jan kung ayaw niyong mawalan ng trabaho, at oo nagkabalikan na kami ni Safiro kaya sa mga lalaking nandito na magkakagusto sa asawa ko
ay sinisigurado kong ililibing ko kayo ng buhay at saka itong batang to ay ang anak namin kaya sana igalang niyo sila katulad ko! naiintindihan niyo ba?" -sigaw at diin na sabi niya sa mga empleyado habang nandito kami sa gitna ng kompanya kaya naman nagsitanguan ang mga empleyado niya at saka biglang nagsi alisan.
"Let's go sweety!" -nakangiting pag aanyaya niya sa akin kaya tumango ako dito at ngumiti din sa kanya, pero nalaki yung mata ko ng bigla niyang siniil yung labi ko.
"Ang tamis talaga sweety." -nakangising sabi habang dinilaan pa yung buong labi niya, kaya naman hinampas ko siya sa dibdib at saka siya tumawa ng malakas.
"Dadi! mamaya mo na tukain si Mim gusto ko ng makita yung opis mo." -nakangusong basag niya sa ama niya.
"Ahhhhmm Heneral mauna na muna kayo ng anak natin sa office mo bibili muna ako ng Milk tea doon sa tapat ng kompanya mo na nakita ko kanina at pahingi ulit ng pera. hihihi" -sabay lahad ng kamay ko habang nagpapacute pa sa kanya.
"Ayaw mo bang samahan ka muna namin?-nagaalalang tanong niya akin pero umiling lang ako habang nakangiti pa, napabuntong hininga na lang siya at saka dumukot sa bulsa niya at inilahad sa akin yung buong pitaka niya sa kamay ko, kaya namang tumingin ako sa kanya ng nagtataka.
"Just keep it! bilin mo kung anong gusto mong bilin! ok!" -seryosong sabi niya sabay kalas ng kamay niya sa bewang ko, kaya naman tumingkad ako sa kanya at mabilis kong dinampian ng halik yung pisnge niya bilang pasasalamat, at saka ako naglakad sa kanila palayo pero nakita ko pa siyang nakangiti ng malawak.
——————
" Ma'am Safiro here's your order! Thank you! and Come Again." -nakangiting abot sa akin ng babae, ngumiti din ako bago ako lumabas ng Milk tea shop.
Patawid na sana ako ng kalsada para bumalik sa kompanya ni heneral ng may biglang himila sa kamay ko, napalingon ako dito at saka biglang nanlaki yung mata ko ng makita ko si Akiro na seryoso ang mukhang.
"Anong ginagawa mo dito Akiro, hindi kaba natuloy umuwi nong Amsterda?" -nauutal na tanong ko sa kanya.
"Hindi ako uuwi ng Amsterdam ng hindi kita kasama Safiro." -madiin na sabi niya sa akin at saka ako marahas na hinila.
"Ahmmm Akiro hindi na ako pwedeng sumama sayo." -saad ko sa kanya kaya naman napatigil siya sa paglalakad.
"Bakit safiro ayaw mo? tinakot kaba niya huh?" -naguguluhang tanong niya sa akin, umiling ako sa kanya bilang sagot.
"Halika ka na Itatakas na kita sa kanya at saka na lang natin balikan si Rhyser sa kanya." -saad niya at saka hinigit muli yung kamay ko.
pero akmang maglalakad pa lang sana kami ng bigla siyang tumilapon sa tabi ng kalsada, at nakita ko si harristone na nananlilisik ang mga mata na akala mong papatay ng tao dahil sa itsura niya ngayon.
"pxtang ina mo! Bradford wag mong mahawak-hawakan ang asawa ko kung ayaw mong tuluyan na talaga kitang hayup ka." -sigaw at duro niya kay Akiro. pero nginisian niya lang si harristone na parang ng iinis,
akmang susugurin na sana ulit ni Harristone si Akiro pero bigla kong hinawakan yung braso niya para pigilan, tumingin siya akin at umiling ako pero sinamaan niya lang ako ng tingin kaya napayuko ako.
"Ito ang tandaan mo! Bradford! wag na wag mong lalapitan ang asawa ko, kung ayaw mong mapadali ang pagpunta mo sa impyerno." -seryosong banta niya kay Akiro at saka ako marahas na hinila papunta sa kompanya niya na galit na galit parin ang mukha, pero bago kami tumawid ng kalsada ay nakita ko pa si Akiro na masamang nakatingin kay Harristone habang inaalalayan siya ng naka-itim na babae pero hindi ko makilala yung babae dahil nakatalikod ito sa akin. kaya hindi ko na inalam pa at binaling ko na lang yung tingin ko kay harristone na galit na galit parin napasimangot na lang ako.
"kailangan mong magpaliwanag sa akin mamaya sweety." -mautoridad na sabi niya sa akin, nang hindi man lang ako tinapunan ng tingin napa buga na lang ako ng hangin bahagya.
"hayyyyysss Paniguradong pahirapan na naman ang pag suyo sa selosong Heneral na to, pag-sinusuyo ko kasi to lagi kaming sa kama napupuntang dalawa noon" -saad ko sa utak ko, saka bahagyang umiling. hindi naman siguro mangyayare yun.
bago kami pumasok sa Kompanya ni Heneral ay sumulyap ulit ako kung saan na iwan si Akiro kanina, pero bigla akong nagulat at nanlaki yung mata ko dahil hindi ako pwedeng mag kamali na ang babaeng naka-itim na nakangising nakatingin sa akin ngayon ay walang iba kundi si___________
Maurice..