GENERAL’s 11

1730 Words
•SAFIRO BALMORES MONTESALVE• Nakaupo lang ako ngayon sa bench habang pinapanood yung mag ama na naglalaro, dahil Nandito kami ngayon sa playground sa labas ng mansyon dahil tinuturuan ni harristone yung anak naming mag basketball ngayon, actually dalawa yung basketball court dito. isang pam-bata na para sa anak namin na ipinagawa niya pa nong isang araw, at isang pam-matanda na para sa kanya. siguro ay hilig niya paring magbasketball ngayon dahil ball captain kasi sa basketball si harristone noong high school at college pa kami at isa din kasi yan sa dahilan kung bakit kami nagkatuluyan noon. "Dadi! paano ba yan natalo kita ibibili mo ulit ako ng robot ahh" -sigang sabi ng anak namin sa kanya habang dinidribol pa yung bola niya. "haysss ano pa nga ba! dinaya mo ata ako baby eh" -kunwaring malungkot na sabi niya, pero alam kong nagpatalo lang din naman tong mokong nato. "hindi kita dinaya Dadi noh! dahil mas magaling lang talaga ako sayo diba ba mimi?" -sabay tingin niya sa akin upang hingin yung sagot ko. "Oo naman baby mas magaling ka sa Dadi mo! kaya ikikiss kita mamaya bilang premyo mo." -nakangiti kong sabi sa kanya. "bleeeehh! ohhh narinig mo yun dadi? may kiss daw ako kay mimi tas ikaw wala kawawa ka naman." -dila at inis niya sa ama niyang heneral, nanagkakamot na ng ulo ngayon. "Tama na muna yang laro niyong mag ama at mainit na at saka baby halika na dito dahil pupunasan na kita." -tawag ko sa kanila kaya naman dali daling pumunta yung anak ko sa akin at saka ko inabutan ng tubig. "hubad na anak." -utos ko sa kanya, kaya naman hinubad niya na yung jersing maliit na suot niya tas may nakatatak pa sa likod na General's Jr. na alam kong binili din ito ni harristone dahil parehas sila ng jersing suot kaso ang nakatatak sa likod niya ay General's Sr. habang sinusuotan ko na ng malinis na damit yung anak namin,ay nagitla ako dahil biglang tumabi si harristone sa akin na nakanguso. "ahmmm anak mauna ka na sa loob at magpahinga muna bago maligo okay! dahil mabantot ka pa din." -kunwareng amoy ko sa kilikili niya, kaya naman dali dali itong tumakbo sa loob ng masyon. at saka ko hinarap yung problemadong heneral. "ohh anong problema mo at mukha ka atang nalugi jan?" -tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay. "punasan mo naman ako at i kiss mo din mamaya, para hindi ko naman isiping hindi mo na talaga ako love" -nagtatampong sabi niya kaya naman natawa ako. "hahaha ang arte! halika na nga dito sa harap ko at umupo baka kasi maglulupasay ka pa jan pag hindi kita pinunasan." -nang aasar na sabi ko, kaya naman sinunod niya ako at umupo na siya sa harapan ko na nakanguso parin hanggang ngayon. "Hubad na!" -utos ko sa kanya, pero biglang nanlaki yung mata ni harristone na akala mong gulat na gulat sa narinig kaya naman kinunutan ko siya ng noo. "honey sure ka talaga na dito natin gagawin?" -nagugulahan tanong niya habang nagdadalawang isip pa kung huhubadin niya ba yung jersing suot niya. "ano bang sinasabi mo?" -inis na tanong ko sa kanya. "sabi mo maghubad nako, so baka dito tayo mag aanuhan, alam mo na? bakit ayaw mo ba sa kwarto natin?" -medyo nakangiting sabi niya sa akin kaya agad ko siyang hinampas sa braso, dahil iba pala yung nasa utak niya. "arayy ko naman sweety! dahil ayaw ko lang mag hubad ay sinaktan mo na ako agad, sige na nga mag huhubad na ako para hindi kana magalit sa akin." -malungkot na sabi niya at akma pang huhubarin yung jersing suot niya. "myy gosssshhh harristone! diba ang sabi mo magpapapunas ka, oh edi mag hubad ka alangang ako pa maghuhubad sayo. at saka pwede ba bawas bawasan mo yang pagiging madumi ng utak mo heneral ok!" -galit na saad ko sa kanya kaya napatigil siya sa paghubad siguro ay pumasok na din sa kokote niya yung mga sinabi ko. "ahhhhh ganun ba? hindi mo naman agad sinabi sweety ehh akala ko kasi dito na natin gagawin yung bunso ko eh hehhehe" -nagkakamot pa sa ulong sabi niya. Kaya naman hinubad niya na yung suot niyang jersey sa harap ko ng dahan dahan, napatitig ako bigla ng makita ko na yung walong alsadong pandesal niya sa tiyan, at bahagya din akong napalunok ng laway sa nakita ko. "Sweety wag mo ng titigan, pwede mo namang kagatin kaagad." -natatawang saad ni harristone kaya naman natauhan ako, at umangat yung tingin ko sa mukha niya at niliitan siya ng mata, pero nginisian niya lang ako. inumpisahan ko ng punasan yung katawan niya kahit pinipilit kong wag manginig yung kamay ko tuwing dumadampi minsan sa balat niya. at mukhang sarap na sarap pa si harristone sa ginagawa ko, dahil nakakapit pa siya sa ng mahigpit sa bangkuan. at nakapikit pa ang mata na akala mong nanaginip, kaya naman itinigil ko na ang pag pupunas sa kanya dahil tapos na din ako. pero biglang sumingkit yung mata ko dahil sa narinig ko. "ohhh s**t! f**k! harder sweety! ganyan nga s**t! ang sarap diinan mo pa shitttt!" -ungol niya habang nakapikit pa din kaya naman bigla ko siyang binatukan upang magising sa bangungot niya. shittttt naman sweety eh! nandon na ako eh binitin mo pa! -nagpapapadyak na sabi niya sa akin, pero inirapan ko lang siya. "mauna kana sa loob at maligo dahil aayusin ko pa tong mga kalat niyo." -utos ko sa kanya habang tinitiklop pa yung mga damit at isinisilid sa gym bag na dala ko, at napansin ko namang tumayo siya sa harap ko dahil baka mauuna na sa loob ng mansyon. pero nagitla ako ng bigla itong umupo sa tabi ko at niyakap akong patalikod, biglang namang tumibok ng mabilis yung puso ko. dahil ganito kasi yung paraan ng pagkakayakap niya sa akin noon kung naglalambing siya or di kaya ay may kailangan siya sa akin. "May kailangan kaba?" -mababang boses na tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot bagkus ay sinubsob niya lang yung ulo niya sa leeg ko at bahagyang sinisinghot. kaya naman napaigik ako dahil tumutusok yung mga balbas niya sa leeg ko. "ano ba itigil mo nga yang ginagawa dahil nakikiliti ako" -suway ko sa kanya. pero hindi niya pa din nilubayat at mas nagulat ako ng bigla niyang dilaan at kinagat yung leeg ko, kaya naman kinalas ko yung kamay niya sa bewang ko at biglang napatayo sa pagkakaupo kaya sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang ito ng mahina sa akin. at hinila niya ulit ako pabalik bagkus ay naka-upo na ako ngayon sa kandungan niya, at saka niya niyakap ng mahigpit yung bewang ko at sinubsob ulit yung ulo niya sa leeg ko. kaya naman balak ko sanang mag pumiglas ng bigla itong nagsalita. "sana ganito na lang tayo palagi ano? yung pwede kitang yakap yakapin, yung pwede kitang halikan at yung pwede din kitang angkinin ng paulit-ulit dahil na tatakot na akong maiwan ulit." -malungkot na sabi niya. kaya naman napaluha akong bahagya dahil naalala ko nanaman yung panahon na magkasama kaming dalawa yung panahon na wala kaming ibang ginawa kundi maging masaya para sa isat isa. nakakamiss din palang balikan yung ala-ala naming dalawa at sana nga ganito na lang din kami palagi kasama ng anak namin ngayon, yung palagi kaming masaya, at yung wala ng problemang dadating pa. "sabihin mo na? kung ano yung problema mo? dahil alam kong ganito yung style mo noon pag may kailangan ka or may nagawa kang kasanalan na alam mong ikakagalit ko." -nagaalalang tanong ko sa kanya, bumuntong hininga siya at humarap sa mukha ko. "ahhhmmm kasi sweety! ahhhhmm sweety! kasi si Mama at Ate Bianca gusto na kayong makita dahil na sabi ko na kasing nagkabalikan na tayong dalawa. kaya sana itatanong ko sayo kung papayag ka na makita nila kayo?" -nauutal na sabi niya, kaya naman nginitian ko siya at tumango. "oo naman! kahit hindi mo naman ipag paalam ay may karapatan din sila dahil apo at pamangkin nila yung anak ko, at saka namiss ko na din naman si tita at ate bianca noh." -nakangiting sabi ko sa kanya. "Salamat sweety! sigurado akong matutuwa sila mama neto." -at marahang hinalikan yung noo ko. "at teka nga bakit sinabi mong nagkabalikan na tayo eh! nanliligaw ka pa lang naman talaga sa akin masyado ka atang advance heneral." -mataray na sabi ko sa kanya. "tskkkkk. syempre "oo" din naman isasagot mo sa akin, kaya sinagad ko na hahaha" -saad niya kaya naman sinimangutan ko siya. "tskkkkk.. bitawan mo na nga ako! at magluluto pa ako heneral!" -utos ko sa kanya. binitawan niya na yung pagkakayap sa bewang ko kaya tumayo na din ako sa kandungan niya. "kailan mo ba kasi ako sasagutin? dalawang linggo na kitang nililigawan pero hindi mo pa ako sinasagot hindi mo na talaga ako love ano?" -malungkot na sabi niya habang nakaupo parin at nakayuko na ngayon kaya naman napangiti na lang ako sa kanya, dahil sa dalawang linggo din kasing nagdaan ay pinapatunayan niya sa amin ng anak niya na deserve niyang maging ama at deserve niyang tawagin bilang asawa, at saka hindi din naman siya mahirap mahalin dahil in the first place wala naman siyang kasalanan dahil biktima lang din siya katulad ko. "oo na sinasagot na kita." -kunwareng napipilitang sabi ko sa kanya, kaya naman bigla siyang napatayo ng tuwid at tumingin sa akin habang nanlalaki ang mata na akala mong gulat na gulat. "Shitt! Talaga? yesssssss! yesss! akin na siya." -nagtatatalong sigaw niya at bahagya pa siya sumusuntok sa hangin, kaya naman napailing na lang ako.. "ohhhh siya! ikaw na lang ang magdala sa bag na to! at muhkang maglulupasay ka pa ata jan sa sahig." -pataray na sabi ko sa kanya. tumingin siya sa akin ng may malawak na ngiti. maglalakad na sana ako, ng bigla niya akong binuhat na parang sako ng bigas at saka naglakad patungo sa mansyon. "waaaahhhhh shitttaaaaa ka harristone! ibaba mo ako." -sigaw ko habang pinaghahampas yung likod niya, pero napatili ako ng bigla niyang hinampas at pinisil yung pwet ko. "kyahhhhh bastossssssssss" -kaya pinalo ko din yung pwet niya, dahil abot ko naman tumawa lang siya ng malakas habang patuloy pa ring naglalakad. wala na kong nagawa kundi pumirmi na lang sa likod niya pero nang papasok na kami sa pinto ng mansyon, ay parang may nararamdaman akong may nakatingin sa amin sa malayo, pinilit kong igala yung paningin ko pero bigla lang akong nahilo dahil sa pagkakabuhat ni heneral sa akin, hinayaan ko na lang baka kasi guni-guni ko lang yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD